Chapter 7

10.8K 261 6
                                    

FLAMES SERIES 1

THE FANCY BRIDE

"FARAH"

BY:EMMZ

CHAPTER 7

"Papa parang awa mo na itigil mo na iyan,..tigilan mo na si Leo dahil susundin ko na ang kagustuhan mong pakasal kay Matt wag mo lang saktan si Leo please papa nagmamakaawa na ko saiyo huh u hu!....hagulgol ni Farah habang nakaluhod sa harapan ng ama..

"Okey kung iyan ang desisyon mo madali naman akong kausap eh!,..Carding!,..Selmo!, ilayo ninyo ang lalaking yan dito at wag na wag na ninyong sasaktan gaya ng sinabi ng aking anak!,...maawtoridad n autos ng gov. sa mga tauhan nito...

"No Farah wag kang pumayag!,..wag kang pakakasal kay Matt kahit patayin na nila ako basta wag ka lang pakakasal kay Matt please Farah mahal na mahal kita alam mo iyan!,...parang maiiyak na wika ni Leo at kahit na nahihirapang kumilos dahil sa tinamong bugbog ay pilit parin niyang gumapang palapit kay Farah..

"Leo mas mahal kita kaya ko gagawin ito dahil ayaw kong mapahamak ka,..ayaw kong may mangyaring masama saiyo kahit na kayhirap ay kakayanin ko nalang basta alam kong ligtas ka sa kapahamakan at sana ay maintindihan mo ako balang araw patawad Leo!....humihikbing wika ni Farah sa kasintahan...

"No Farah hindi ako papaya!,..hindi tayo maghihiwalay mahal ko walang sino man ang makapaghihiwalay sa ating dalawa dahil mahal natin ang isa't isa,..wag mo akong iiwan Farah,..wag mahal ko maawa ka sa akin kaya kong tiisin anumang hirap at parusa ang igawad nila sa akin ngunit ang mawala ka sa akin ay hinding hindi ko kakayanin kailanman mahal ko!...lumuluhang pahayag ni Leo..

"Wag ka ng maraming daldal lalaki sundin mo nalang ang sinabi ng aking anak dahil wala ka ng magagawa pa dahil nakapagpasya na si Farah kaya mas mabuting umuwi ka nalang at ng makapagpahinga ka at magamot yang mga galos mo sa katawan!,..o kayong dalawa ihatid na niyo sa kanila at ng makauwi na ito!...utos ng gobernador sa kanyang mga tauhan saka tinapunan ng tingin si Leo..

"Gobernador parang awa na ninyo wag ninyong ipakasal si Farah sa lalaking iyon!,..nagmamakaawa po ako sa inyo hu hu hu hindi ko kayang magkahiwalay kami ni Farah mahal na mahal naming ang isa't isa!....buong pagsamong wika ni Leo sa gobernador ngunit tinalikuran lang siya nito...

Hindi kayang tingnan ni Farah sa gaanoong sitawsyon si Leo kaya nagtatakbong pauwi ito ng bahay na umiiyak at halos hindi niya Makita ang kanyang daan dahil sa mga luhang naglalandas sa kanyang mga mata...

"Hu hu hu!,..Leo sana mapatawad mo ako sa gagawin kong ito mahal na mahal kita kaya ko gagawin ito at hindi ko kayang mapahamak ka ng dahil sa akin,..hinding hindi ko kakayanin Leo kaya patawad mahal ko kung pinili kong pakasal nalang kay Matt para tigilan ka lang ni papa dahil ayaw kong mapahamak ka at ayaw ko ring makapatay ang aking ama dahil kahit ganoon siya kalupit sa akin ay mahal ko parin siya,..siguro hindi talaga tayo laan para sa isa't isa kaya ganito na magkakahiwalay tayo ngunit alam ng Diyos mahal ko kung gaano kita kamahal sana baling araw ay mapatawad mo ako at makatagpo ka ng babaeng nararapat sa iyo!,..Oh Panginoon ko wag na wag mo pong pababayaan si Leo....buong pagsamo ni Farah sa pagitan ng kanyang paghikbi...

Walang nagawa si Leo ng bitbitin siya ng dalawang lalaki at isinakay sa sasakyan at ng makalayo na sa may malaking bahay ay saka nila ibinaba roon at iniwang mag isa....

"Oh Diyos ko bakit mo pinahintulutang mangyari ito sa amin ni Farah dapat kami ang magpapakasal dahil kami ang siyang nagmamahalan pero bakit at sa ibang lalaki siya magpapakasal bakit po Panginoon ko kayhirap naman ng pagsubok na binigay mong ito sa akin hindi ko kayang tanggapin ang lahat mas gugustuhin ko pang mamatay kesa makitang ikakasal sa ibang lalaki ang pinakamamahal kong babae oh Diyos ko hu hu hu!,..iyak ng iyak sI Leo habang sapo nito ang mukhang duguan at hindi alintana ang kirot sa buo niyang katawan dahil mas makirot ang sugat sa kanyang puso na siyang nadarama niya ng mga oras na iyon...

Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon