FLAMES SERIES 1
THE FANCY BRIDE
"FARAH"
BY:EMMZ
CHAPTER 23..,
"Ano ang sinabi mo?!.... kunot ang noong tanong ni Manuel kay Frieda dahil sa akala nito ay nabibingi lang siya dala ng galit nito...
"Bu..buntis ako papa at ayaw kilalanin ni Garry ang aking anak"... lumuluhang turan ni Frieda kay Manuel...
"Buntis ka pala!.. sana alam mo ang damdamin ng isang tao kung papaano mawalan ng pinakamimithing anak bago ka gumawa ng katarantaduhan dahil sa kawalanghiyaang ginawa mo ay nakunan ang kapatid mo!.... galit na sigaw ng gov. kay Frieda..
"Naku...nakunan si Farah papa?.... gulat na tanong ni Frieda na parang namumutla ang mukha nito na may kahalong takot ang hitsura niya...
"Oo at hayun sinisisi niya ang kanyang asawa dahil sa ginawa mo kay Matt..,, si Matt ang nasisi sa lahat ng katarantaduhan mo at ngayon ay naghihinagpis ang mag asawa sa pagkawala ng kanilang anak!...sana man lang bago mo ginawa ang bagay na iyon ay inisip mo muna kung ano ang magandang dulot nito sa oyong kapwa at lalona at buntis ka rin..., eh kung sakaling mangyari sa iyo ang ganun kakayanin mo ba ang sakit at pangungulila sa anak na pinakahihintay mo na mailabas sa mundong ito?.... galit na saad ng gobernador kay Frieda...
"Papa hindi ko naman binalak na malaglag ang pinagbubutis ni Farah ang gusto ko lang ay pasakitan siya dahil noon pa mang nasa sinapupunan siya ni mama ay inagaw na niya ang atensiyon ninyo at pagmamahal ninyo sa akin!... umiiyak ng saad ni Frieda kay Manuel..
"Anong inagaw ni Farah ang atensiyon namin para sayo na pinagsasabi mo Frieda hindi kita maintindihan?!...nagtatakang tanong ni Manuel kay Frieda...
"Papa anim na taon pa lamang ako ng matuklasan kong ampon lang ako pero itinago ko iyon sa miurang isip ko ng minsan ay marinig ko kayong masayang nag uusap noon ni mama,..ang saya saya ninyo habang hinahaplos ninyo ang tiyan ni mama,.ang saya saya ninyong dalawa noon kaya nakaramdam ako ng hinanakit at galit at inggit dahil magkakaroon na ako ng kaagaw sa atensiyon at pagmamahal ninyo at isang pinagngingitn ngit ko ay ang pagkakatuklas ko na ako ay isa palang ampon!,..na sampid lang ako sa buhay ninyo ngunit itinago ko ang lihim na natuklasan ko hanggang sa lumaki ako at nagkaisip at sa lihim na iyon ako nagsimulang magtanim ng galit sa aking kapwa,..mamuhi at mainggit kaya ipinangako ko sa aking sarili noon na ipaparanas ko sa baby na nasa sinapupunan ni mama ang lahat ng pasakit dahil sa pag agaw niya sa inyo mula sa akin.....kaya lahat ng bagay na nakakapagpasaya sa kanya ay pilit kong inaagaw o inilalayo para pasakitan siya ngunit kahit gaano ako kasama ay hindi ko hinangad na maging kriminal at lalo ang makunan siya dahil natatakot akong mawala rin ang aking anak at kahit itinakwil siya ng kanyang ama ay igagapang ko siya para mabuhay lang.....umiiyak na salaysay ni Frieda sa ama na nagulat sa mga sinabi nito....
"Frieda kahit ampon ka lang anak ay itinuring ka namin ng inyong mama na tunay na anak at kahit na dumating na si Farah sa amin ay ganon pa rin ang turing namin sa iyo hanggang sa mawala ang inyong mama pero ikaw lumalayo at alam ko at nakikita ko ang bawat bangayan ninyo ni Farah ngunit hindi ako nakikialam dahil ayaw kong may masabi ang isa sa inyo na may kinakampihan ako.,,,kaya ang sinabi mong inagaw ni Farah ang atensiyon namin para sa iyo ay nagkakamali ka!,..natural na masisiyahan kami sa pagdating noon ni Farah dahil sa akala namin noon ay hindi kami magkakaanak ngunit parang nagmilagro at nabuntis ang inyong mama ngunit sa malas naman ay siya palang dahilan ng kanyang paglayo sa atin...maluha luhang pahayag ni Manuel ng muling maalala ang pinakamamahal na asawa...
"Papa maniwala ka hindi ko hinangad na mawala ang baby ni Farah,..hindi kahit kailanman!....muling saad ni Frieda...
"Sa ngayon ay hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng lahat dahil sa ngayon ay galit ang namamahay sa puso ni Farah at kay Matt niya ibinunton ang lahat ng kanyang galit at ang ipinag aalala ko na baka tutuhanin niya ang banta niya kay Matt na ipapawalang bisa niya ang kanilang kasal at kung sakaling hindi magbago ang kanyang isip ay malaking gulo ito dahil ayaw pumayag ni Matt sa kagustuhan ni Farah....tanging saad ni gob. Manuel saka tinungo ang kanyang kwarto para makapagpahinga sa pagod at problema na gumugulo sa kanyang isip dahil sa nangyring ito sa kanyang anak na si Farah...

BINABASA MO ANG
Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbino
Любовные романыAng kwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang kaya kung sakaling may pagkakatulad ang mga tauhan sa ibang kwento o buhay ng isang tao ay hindi po sinasadya...... ......salamat.... (emzalbino)