Chapter 8

11.2K 277 5
                                    

FLAMES SERIES 1

THE FANCY BRIDE

"FARAH"

BY:EMMZ

CHAPTER 8...

Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat ang araw ng pag iisang dibdib ni Matt at Farah...

Halos hindi mapakali sa harap ng salamin si Matt dahil pakiwari niya'y hindi siya kontento sa kanyang ayos ng lapitan siya ng kanyang mommy...

"Anak kanina ka pa diyan sa harap ng salamin ah daig mo pa ang babae kung makabihis... puna ni donya Nenita sa anak ngunit imbis na maasar ay kaytamis pa ang ngiting pinakawalan ni Matt...

"Mommy kasal ko ngayon kaya dapat lang good looking ako dahil ayaw kong masapawan ako ng mga abay dapat ako lang ang pinakagwapo sa lahat... biro ni Matt sa kanyang mommy..

"I wish na sana ay maging masaya kayo balang araw ni Farah at matutunan ninyong mahalin ang bawat isa good luck sa iyo iho at gawin mo ang lahat para maging maayos ang pagsasama ninyo because i like her so much....ani donya Nenita sa anak saka niyakap si Matt.

"I will do my best mommy thank you....sagot ni Matt sabay yakap naman sa kanyang mommy.

Samantala hindi parin nakabihis si Farah at nakatulala lang sa wedding gown na nasa ibabaw ng kanyang kama ng biglang pasok ng kanyang tita Marie na kapatid ng kanyang papa na galing pang Manila para dumalo lang kasal sana ng ate niya na naging kasal niya kaya nagulat nalang ang kanyang tita ng malamang si Farah ang ipapalit bilang kapalit ni FRieda tutol ang kanyang tita sa naging desisyon ng kanyang ama ngunit wala na itong magagawa pa dahil wala ng oras pa...

"Iha alam ko ang nararamdaman mo ngunit andito na ito eh isipin mo na lang na isang panaginip ito at mamayang paggising mo'y ok na ang lahat...payo ng tita MArie kay Farah..

"PeroTita ang sakit sakit po parang hindi ko kayang maglakad sa altar na kasama ang lalaking hindi ko mahal.... wika ni Farah at yuluyan ng bumalong ang kanyang luha...

"Alam ko iha at malamang kung buhay pa ang iyong mama ay hindi niya hahayaang mangyari ang ganito at ikaw ang magdusa sa lahat ng kawalanghiyaan ng iyong ate.,, tahan na iha at baka mahuli ka sa simbahan isipin mo na lang gagawin mo ito para sa kabutihan ng lahat....

"Ano pa ba ang magagawa ko tita kundi pikit mata kong tanggapin ang aking kapalaran kahit na napakasakit!... ani Farah saka pinahid ng kamay ang mga luha sa kanyang pisngi at siya ring pagdating ng mag aayos sa kanya...

"Ay naku ganda wag na wag kang iiyak dahil masisira ang ganda mo.!.heto nga pala ang mga alahas na isusuot mo terno ang mga iyan mula hikaw , kwintas., relo at bracelet!...saad ng make up artist na kinuha ni Matt.

"Sino ang nagbigay nito?..takang tanong ni Farah.

"Your mother inlaw ganda at alam mo ba sabi pa ng magiging biyenan mo na mana daw niya ito sa kanyang mama noon kaya napakaswerte mo ganda dahil napakabait ng magiging biyenan mo... tuloy tuloy na sabi ng make up artist kay Farah..

Pinagmasdan lang ni Farah ang mga alahas na bigay daw ng mommy ni Matt but in fairness napakaganda nito at ng maisuot na sa kanya ay nagmukha siyang elegante at ng matapos na siyang ayusan at maisuot sa kanya ang damit pangkasal ay napamulagat pa ang kanyang tita Marie at ang nag ayos sa kanya dahil sa pagkakaayos sa kanya...

"Wow na wow!..kayganda mo na mas lalo ka pang gumanda sa ayos mong yan at bagay na bagay sayo ang suot mong alahas match sa tube weeding gown mo kaya ngiti ka naman diyan para mas lalo kapang maging kaakit akit sige na naman oh!...waring nakikiusap na samo ng make up artist kay Farah kaya't ngumiti ito ng medyo pilit .

Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon