Chapter 19

9.7K 225 6
                                    

FLAMES SERIES 1

THE FANCY BRIDE

"FARAH"

BY:EMMZ

CHAPTER 19....

Matapos ang pagmamasid ni Frieda sa mag asawa ay saka pumasok ng loob ng bahay at naupo sa may sofa sa sala...

..... Muling nanariwa ang nakaraan ng siya ay limang taong gulang palang habang ipinagbubuntis ng kanilang mamasi Farah hinding hindi niya makakalimutan ang insedenteng iyon kahit kailanman sa tanang buhay niya...

Dahil sa doon niya nalaman ang katotohanan tungkol sa tunay niyang pagkatao ng minsan ay hindi sinasadyang nakauwang ang kwarto ng kanyang papa at mama at marinigan niya itong nag uusap hindi na sana siya makikinig ngunit narinig na binanggit ang kanyang pangalan kaya naman inilapit nito ang kanyang tainga sa may pinto at maliwanag pa sa buwan ang kanyang narinig ng mga sandaling iyon na halos magpayanig sa murang isipan niya...

"Mahal napakasaya ko dahil matutupad na ang pangarap natin na magkaroon ng tunay na anak at magkakaroon na ng kapatid si Frieda... masayang saad ni Florinda sa asawang si Manuel habang himas himas nitoa ang kanyang tiyan...

"Ako man mahal napakasaya ko akala ko noon ay hindi na talaga tayo magkakaanak at parang swerte tayo sa pag ampon kay Frieda dahil nagkababy na tayo at sana ay lalaki mahal ngunit kung babae naman ay ok lang sa akin ang mahalaga ay malusog siya.... masayang wika ni Manuel sa kanyang asawang si Florinda..

Gulat na gulat si Frieda sa kanyang narinig dahan dahan siyang lumayo sa lugar saka nagtatakbo sa kanyang kwarto at umiyak ng umiyak hanggang sa halos wala na siyang mailuha at sa murang isip niya na nasaktan ng labis dahil sa pagkatuklas ng katotohanan ay nagtanim siya ng galit at kinimkim nito sa kanyang puso....

"Simula ngayong araw na ito ipinapangako ko sa aking sarili na gagawin ko ang lahat para hindi ka maging masaya gagawin kong miserable ang iyong buhay dahil sa pagdating mo sa buhay namin... Inagaw mo ang pagmamahal ng aking mga papa at mama kaya kahit hindi ka pa isinisilang ay kinamumuhian na kita!.... kuyom ang palad na wika ni Frieda...

At makalipas ang ilang buwan ay mas naging masayahin pa ang mag asawang nag ampon sa kanya at inilihim nalang niya sa kanila ang pagkatuklas niya sa kanyang tunay na pagkatao tanging siya lang ang nakakaalam ng lahat na alam na ito ang totoo...

Isang araw ay nagkagulo sa mansyon ng mga Santiago dahil sumasakit na ang tiyan ni Florinda at manganganak na ito at ng dinala sa ospital ay sinabihan siya ng doktor na I csesarian siya dahil mahina ang katawan ni Florinda at masyadong malaki ang bata ngunit hindi ito pumayag dahil nais daw niyang maranasan ang manganak ng normal na pinayagan naman ng mga doktor dahil pinagpipilitan ni Florinda na kaya niyang manganak ng normal kaya naman pinagbigyan siya...

......Nailabas naman niya ang bata sa kanyang sinapupunan ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay binawian ito ng buhay kaya naman naging malulungkutin na noon si Manuel at kapag nakikita niya ang sanggol na pinangalanang Farah ay higit ang lungkot na nadarama dahil hawig na hawig nito ang nasira niyang asawa kaya yun ang simula na halos ayaw tingnan ni Manuel ang anak kahit mahal na mahal nito dahil lagi niyang naaalala ang yumaong asawa....

Sa pagdating ni Farah sa pamilya Santiago ay mas lalong nagngitngit sa galit si Frieda lalo pa at habang lumalaki ito ay mas nahahawig sa kanilang yumaong mama na napakaganda kaya mas lalong namahay ang inggit sa kanyang puso at iyon ang naging simula ng lahat pag nakikita niyang masaya ito ay kinukuha niya ang mga bagay na nagpapasaya sa kapatid at kung minsan ay sinisira niya para makita lang na nasasaktan ang kapatid na si Farah hanggang sa nakasanayan na niya ang ginagawa at dala dala niya ang poot at pagkainggit hanggang sa kanilang paglaki....

Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon