Kabanata 1

7.5K 147 44
                                    

Kusa akong nagising mula sa masaya kong pagtulog. Proud kong tinangnan ang cellphone na naka-set bilang alarm clock ko sana ngayon. Nagbalik tanaw ang aking isipan sa nangyari kahapon. Walang bago, paulit-ulit ang bawat tagpo ng mga pangyayari na bumubuo sa bawat araw ko. Paulit-ulit hanggang sa nasabi kong nasanay na ako at kahit papaanoy' masaya akong gigising at gagawin ulit ang mga nakasanayan kong gawin sa araw-araw. Bumangon na ako at inayos ng konti ang higaan.
Maaga pa, hindi pa tinatalo ng sinag ng araw ang dilim na kasama ko mula kagabi. Bumaba na ako at tinungo ang kusina. Nagpakulo ng tubig, umupo, at hinayaang magliwaliw sa kung saan ang isipan. Nakatingin sa kawalan. Isa lang ang direksiyon at mapanuri ang mga mata na binigyang diin ang hindi mapangalanang bahagi ng bahay. Wala akong pakealam sa kung saan ang abot ng aking sampung minutong pag-iisip, naabot na ang oras ng paghihintay at nagtimpla na ako ng iinumin kong gatas mabuo man lang ang nasa aking isipan.

Umikot, naglikot ng konti. Tininaas ang mga kamay hanggang dibdib at nag tala.
"At kung hanggang dito lang talaga tayo." hindi ako umikot tulad sa orihinal na choreo. Malaki naman ang kusina pero ayaw ko lang na makalikha ng ingay kung sakaling mawalan ako ng balanse dahil hindi ko pa lubusang nagigising ang aking diwa.

"Kapit lang ng mahigpit aabutin nating ang mga tala." hindi na ganon ka malumanay ang tingin ko sa mga bagay na nasa kusina kaya hindi ko na tinuloy ang mahirap na steps para sa chorus ng sikat na kanta.

Hindi ako nakaramdam ng pagod, sapat lang talaga para magising ang diwa at makapagluto ng masarap na pagkain. Ako ang magluluto ngayon ng agahan dahil gusto kong bumawi kay nanay sa pagbili nito ng manok na gagawin kong fried chicken na ibibigay ko sa lalaking aking nagugustuhan. Sa bawat galaw na aking ginagawa makikita dito ang saya. Payo kasi ni inay na kapag masaya kang nagluluto nagiging masarap ang pagkain na niluluto mo, kaya kahit na sa pagbalanse ng tubig sa isasaing kong bigas iba yong' galak ko. Marunong akong magluto na talaga namang pinagmamalaki ko. Parati kasing akong tumatambay sa kusina at tinutulungan si nanay sa pag hahanda ng aming pakakain. Isa rin sa dahilan ay wala akong kapatid na magiging kalaro, mapagbalingan ng aking munting atensiyon. Mahigpit din sila inay at hindi ako masiyadong pinalalabas ng bahay, magagaan lang din na mga laro ang gusto nitong laruin ko. Gawaing bahay, kaya kong gawin lahat maliban nalang sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay na hindi pinahihintulutan ng aking mga magulang.

Nag-iisang anak, espesyal na biyaya kong akoy ituring ng aking mga magulang mula sa Panginoon. Masyado kasing masilan ang matres ni nanay kaya hindi sila agad nagka-anak ni itay, dalawang taong din ang kanilang hinintay at nabuo ako.

Dahil si inay ang parating kasakasama noong isa pa akong paslit, naging iba yong kilos ko sa kung ano ang hinihingi ng aking kasarian. Malambot, mahinhin, manipis ang boses, makikita sa kilos at pisikal na kaanyuan ang aking pagiging iba sa mga binatilyong lalaki. Pagiging iba na sa murang edad umusbong. Hindi nagulat bagkus unti-unting natanggap ng aking magulang ang aking pagiging bakla. Noong nagpakatotoo ako sa kanila at sinabi ang tunay kong kasarian, matamis na ngiti ang kanilang naging tugon at sinabing iyon ay kanilang ramdam.

Nakarinig ako ng yabag mula sa hagdan. Paglingon, nakita ko si inay na masayang nakangiti at masayang pinagmamasdan ang kaniyang anak na nagluluto.

"Masiyado naman eksayted itong anak ko." Normal na sabi nito at ginawarang ako ng halik sa pisngi. "Balik ka muna sa pagtulog anak, maaga pa hindi na magiging crispy yang fried chicken kapag niluto mo ngayon.  Panik kana, ako nalang ang tatapos nitong niluluto mo." tumango nalang ako at sinunod ang sinabi ni nanay.

Bumalik na ako sa aking silid. Pagkapasok, sa kama agad nagtungo ang paningin ko. Dalawang hakbang mula pintuan, nakahiga na ako sa aking malambot na kama, binalot ang sarili ng kumot at pinasidaanan ng tingin ang relong nakasabit. Humiga lang ako pero hindi na hinayaang lamunin ng antok. Hindi ko sasayangin ang effort ko sa pag sayaw ng tala kung babalik lang ulit ako sa pagtulog.

The Rape Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon