YN POV
"Hi Love.."Sabi sa akin ni Ver inirapan ko lang siya.
Nakakainis siya!!Magkatabi kami kagabi tapos pagka-gising ko ang higpit ng yakap niya sa akin.Lam niyo ba yun?Masyado niyang sineseryoso yung Game pinupusuan niya pa.
Naalala ko tuloy si Heart kahapon na lungkot na lungkot :(
"Heart di kita makakausap ng 1 week.."Sabi niya sa akin.Nakahiga kasi ako sa lap niya at siya hinahawakan yung buhok ko.
"Oo nga e,pero yaan mo na yun 1 week lang yun..'Pagchi-cheer ko sa kanya pero malungkot pa din siya.
"Kahit na 1 week lang yun ma-mi-miss pa din kita di pa kit makakausap.."Pag-aalburoto niya.
"Dont worry Heart di naman ako lalandi,sa iyo lang kuntento na ako.Tandaan mo lang na mahal na mahal kita,Ah.Tsaka si Seah naman yung 1 week love mo kaya okay lang yan.."Sabi ko sa kanya at kinurot yung dalawa niyang pisnge tapos kiniss niya ako.So stupid talaga!!
"Bakit ba ang sungit mo sa akin Love?"Sabi ulit ni Ver.Tinignan ko siya at para siyang nasasaktan.Ulol!!Kwento niya.Lumapit ako sa kanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"You know Oliver para kang insekto na pilit kong inaalis pero pilit pa rin lapit ng lapit.."Simula ko sa kanila.
"Yn please wag mo naman ako ganituhin.."Malungkot na sabi niya sa akin sabay hawak sa kamay ko kaso inalis ko yung kamay niya.
"Oliver hindi ka magkakaganyan kung titigilan mo na ako.Oliver hindi mo na maiibalik yung mga bagay na natapos na kaya mag-move on ka na!!"Bored na sabi ko.Biglang may tumulong luha sa mata niya.
"Bakit Yn akala mo ba masaya ako na nakikita ko yung sarili ko na nagpapakatanga sa iyo,sa isang babae na may mahal ng iba.Akala mo ba madali iyon na ipilit yung sarili ko sa iyo kahit alam kong malabo?Wala e ganoon talaga kapag nagmahal nagpapakatanga."Sabi niya at pilit pinupunasan yung luha niya.
"Oh hindi ka pala masaya sa nangyayari sa iyo o bakit mo pa pinipilit?Alam mo kahit anong pilit mo kung hindi na talaga kasya edi umalis ka na lang maghanap ka na lang ng iba.."Sabi ko sa kanya.
"Kung natuturuan lang sana yung puso Yn e,matagal ko na siguro ginawa iyan.Mahigit 3 years na akong baliw sa iyo at naghahabol sa iyo.Nakakasawa na pero di ko mapigilan iwasan o di ka habulin dahil mahal kita,mahal na mahal.."Sagot niya sa akin.
"Yan ang hirap e,nagpapabulag kayo sa nararamdaman namin na kahit nasasaktan na push pa din dahil ano?Kasi mahal mo?Takte iyan kaya maraming umiiyak at nasasaktan dahil sa sobrang pagmamahal.?You know Ver hindi ako yung gumagawa ng ikakasakit mo ikaw na mismo nanakit.Choice mo naman kasi kung magpapakatanga ka sa akin.."Sagot ko naman sa kanya.
"Alam mo Yn tinanong ko yung sarili ko bakit ka nagalit sa akin?Bakit ako nadamay?E isa rin naman ako sa naloko?Alam mo yung mali Yn binulag ka ng damdamin mo,yung sakit na nadama yung kahit pati inosente dinadamay mo pa.."Sabi niya sa akin.
Napatitig ako sa kanya?Nagpabulag na ba ako?Mali ba na umasal ako ng ganito?Siguro naloko din siya?Pero mas nasaktan ako ng sobra.
"Wag mo akong gawing masama Oliver siguro nadamay ka din pero diba para sa iyo rin iyon?Oliver hindi mo alam kung gaano kasakit yung malaman ko na isang set-up lang pala iyon?Akala niyo ba ginusto ko ito yung maging ganto?Pero kayo nagturo e kaya ganoon na lang!!"Sabi ko sa kanya at iniwan na siya.
Mahirap magpabulag sa pagmamahal?Dahil nagiging tanga ka.Tina-take for granted ka na.Mahirap yung umasa sa mga nakikita nating sign sa mga taong gusto natin.Sabi nga sa Dont Assume if is not stated..Huwag tayong umasa sa mga bagay na hindi pa nila sinasabi kung para saan iyon?
May cycle yung Love.Yung aasa ka,magpapakatanga,magpapauto,magmamahal,patanga ulit,masasaktan,aasa ulit at magbubulag-bulagan.Sa huli iiiyak ka na lang.Pero ganoon talaga kapag nagmahal di siguro mawawala yung pagbubulag-bulagan yung kahit na nasasaktan ka okay lang kasi mahal mo.Parang si Oliver sinusuka ko a siya pero siya patuloy pa din.
Pero may mga tao naman kapag nasaktan bigla na lang magbabago para ipamukha na hindi sila affected,para ipakita na di nila kailangan yung tao at ang huli para mahalin ulit sila o balikan.
Pero sa akin nagbago ako para ipakita na di ko sila kailangan at ipamukha na di ako affected.
BINABASA MO ANG
"When they start to break their RULE .."
FanfictionREAD , VOTE, AND COMMENT!! ^___^