YN POV
11:30 na ng magising ako.Bumaba ako ng di pa nagtu-toothbrush at magulo pa talaga yung buhok ko.Eh sa kumalam na yung tiyan ko.Uunahin ko pa ba yun.?Diba hindi.?Lels lang!!
Pero nagulat ako ng may makita akong mga petals sa hagdan namin.Anmeron dito.?Di ko na lang pinansin at dire-diretso akong bumaba pero nagulat ulit ako ng may makita akong "MALAKING HEART.."sa lamesa namin.
Anong drama ba meron sa bahay namin.
"Ate bakit ang kalat sa bahay.?"Sigaw ko pero walang sumagot.
Kruuuuu Kruuuu
Nagugutom na talaga walang nakahanda sa lamesa namin dahil sa heart na malaki kaya dumiretso ako sa ref pero nagulat ulit ako.
Hindi pagkain laman ng ref namin.?Alam niyo kung ano.?Puro bulaklak ulit!!Yung totoo ano talaga meron sa bahay na ito.?
Nilibot ko yung bahay di ko napansin may malaki pa lang banner doon.
"Happy to become your 1 week boyfriend Yn.."
So kagagawan ito ni Ranz..?Nagugutom na ako pero parang nawala yun dahil sa nakita ko.Tsaka ko lang narealize na super romantic pala ng bahay namin at lahat ata ito kagagawan ni Ranz.Masaya ako,kinikilig dahil sa ganito.
Dumiretso ako sa Living room para tignan kung may Ranz na nandoon at ayun nga nakaupo siya sa sofa namin at andun yung maraming pagkain.Nagutom tuloy ulit ako.
"Hoy Ranz ano ginawa mo sa bahay namin..?"Tanong ko sa kanya
"Hehehe!Nagpaalam naman ako kay Ate Nalie tsaka gusto ko lang ipa-feel sa iyo na seryoso ako sa nararamdaman ko and last thing gusto ko ipakita sa iyo kung paano mag-effort ang isang Ranz sa girlfriend niya.."Simula niya.Kinilig naman daw ako :)
"Baduy mo pero salamat na-appreciate ko ito!"Pag-amin ko sa kanya
"Flowers for you!!"Sabi niya sabay abot.Flowers na naman..?
"Ranz yung totoo may tindahan kayo ng bulaklak..?"Tanong ko sa kanya tapos ginulo niya yung buhok ko.Nahiya tuloy ako humarap ako ng ganito!!
"Kyooot mo talaga!"Sabi niya sabay ngiti sa akin nawala yung mata niya :) Ang gwapo niya talaga ^_^ Alam ko na kung bakit ang daming nagkakandarapa na girls dito dahil sweet siya at gwapo sila.
"Ranz gwapo mo pala!!"Sabi ko sa kanya
"Nyek!Ngayon mo lang nakita.?Aray naman!!"Sabi niya at kunyari nahurt siya.
"Drama mo Ranz..!Pero seryoso ang gwapo mo ngayon.!"Sabi ko sa kanya
"Sweetheart itawag mo sa akin YN.!"Sabi niya sa akin
"Ayoko nga!!"Pagtanggi ko
"Please YN kahit pagkatapos ng isang linggo di mo na ako tawagin niyan.Pero please YN pagbigyan mo ko lets act as real boyfriend and girlfriend.."Nagmamakaawa niyang sabi.
"Ranz you dont need to do that im your girlfriend now..!!"Sabi ko tsaka niyakap ko siya.
So ayun umupo na kami at ako agad kong nilantakan yung pagkain.Tapos siya pinapanood niya lang ako kumain.Pero di ako makakain ng maayos kasi yung isa kong kamay hawak niya eh!
Pagkatapos kong kumain nanuod kami ng "THE GIFTED.."na magkawak pa rin yung kamay at tawa lang ako ng tawa.Tapos siya nakatitig lang sa akin actually di siya nanunuod eh.Pero pinabayaan ko na lang siya dahil parang di naman siya magpapaawat.
PS.Nag-ayos na ako ah!Baka isipin niyo messy pa rin ang hair ko.
Kung anu-ano pa yung ginawa namin nung mag-gabi na napagpasiyahan niya na ding umuwi.Pero bago pa man iyon may binigay siya sa akin ay mali sinuot pala.
"Ingatan mo iyan Sweetheart,Ah..?"Sabi niya sa akin kwintas yung binigay niya sa akin na nakalagay sweetheart.
"Salamat Sweetheart!"Sabi ko at niyakap niya ako.