Kabanata 4
Kasalukuyang nasa backstage kaming lahat ng miyembro. My group is preparing now for the contest that will about to start 30 minutes later. We hardly practice on this wanting so bad to get the win. We don't want to lose nor taking a final examination. Also, we ended the practice three days ago. Ang natitirang dalawang araw ay pamamahinga namin para maging maayos ang kondisyon namin sa contest.
Each grade level will have at least two groups to represent the respective grade level. Isa sa grupo na makakalaban namin ay grupo nila Jaye. Kaming dalawang grupo ang isasabak ng grade 10 level.
Jaye is the best dancer. She's also a good cheerleader that's why I'm nervous right now. But the fact that Greg and Jaye had a past makes me more nervous. Paano kung ipanalo sila? Kahit naman wala na sila pero dahil may nakaraan naman at pinagsamahan, maaari niya itong ipanalo nang walang kahirap hirap.
Naiinis ako kay Greg at naiinis din naman siya sa akin. Mutual feelings. Pero paano kung ipatalo niya kami dahil naiinis siya sa akin? Kahit naman magkaibigan sila ni Kuya pero dahil war kami, ipapatalo niya kami. Ako pa ang magiging dahilan ng pagkatalo namin dahil alam ko namang may potensyal kami dahil hindi basta basta ang pagpili namin sa makakasama sa sayaw.
Nararamdam ko rin ngayon na pinipigilan ng mga kasama kong kausapin ako. I can feel and see them in my peripheral vision that they're whispering to each other and sneak to see me. I think they wanted to scoop off something or information if I knew one of the member in the band or the band itself. Pero dahil alam nilang masungit ako kapag personal na bagay ang tinatanong ay nagpipigil silang magtanong.
May mga ibang kasama rin naman akong pasimpleng irap dahil siguro nakasama ko ang 'crush' nila. Ba't di na lang nila angkinin, halos maglaway naman na sila kapag malapit ang mga lalaki na iyon.
Kung ako rin naman, mapapaisip ako kapag may babaeng silang nilapitan. Pero kung kinausap nila o niya ito ay malamang kilala niya o baka pwedeng nakikipaglandian ito sa kanya. Ang kaso sa amin dalawa ni Greg, ay magkaaway kami.
Mga tao lang kasi ngayon ay maissue. Konting galaw mo ay binibigyan nila ng malisya kahit wala ito.
"Guys, ready na! Kailangan nating ipanalo 'to para hindi na tayo magfinal exam. Ayaw kong magreview 'no!" sabi ng pinakaleader namin. Tagabantay at tagatama kung may magkamali man sa practice namin.
"Wala sanang papalpak at kailangan perpekto ito. Hindi dahil gusto kong maexempted sa final exam, gusto ko ring manalo dahil meron tayong talento na maipapakita sa mga tao," sabi naman ng pinsan ni Jaye.
Noong una hindi ko alam kung bakit nandito siya. Akala ko pa baka mag espiya, iyon naman pala, ginigisa parati ni Jaye at pinapagalitan ito dahil ayaw sa kanya. Sa totoo nga lang, magaling siya, mas magaling pa sa pinsan niya. Kaya nga lang, mahiyain ito.
Nang kalaunan, naging madaldal din naman ito dahil naging magkakaibigan naman kami kahit papaano.
"Guys, galingan natin! Go go go!" cheer namin.
I'm nervous. Wala kasi si Keila na tagalakas ng loob ko. Saka isa pa, ibang tao ang magjajudge. Sanay kasi akong mga teacher lang na narito. Ngayon, taga ibang school at sila Greg pa.
Nakita na niya akong sumayaw sa bahay. Kinalabasan? Iyong tinginan niya na parang hindi na dapat ako sumayaw dahil hindi naman talaga ako magaling.
'Hingang malalim, Blayr! Dapat hindi pinapapasok ang mga negatibong bagay! Fighting dapat!' pagpapalakas ko sa loob ko. Kinakabahan talaga ako at parang nawawala ang confidence ko.
Pumapasok na ang ibang mga makakalaban namin. Nakahanda na ang mga iba at may nag aayos din pa lang. Lumalakas na ang pintig ng puso ko dahil kabado talaga ako. Nininerbyos kasi ako sa tuwing sumasali ako sa anumang uri ng contest. Mas malala nga lang ngayon.
BINABASA MO ANG
Sunsets and Heartbreak
Romance[COMPLETED] I'll edit this po because this book is a MEH.