Kabanata 7
"Sa wakas, magtatapos na tayo ng junior high. Senior high na tayo next school year," excited na sabi ni Jean, kaklase namin.
Nagpipictorial kami ngayon para sa Moving Up namin. Next week na ang exam namin at hindi namin alam kung papasa ba lahat pero halos lahat ay narito. Pagkatapos namin mag exam ay Prom night namin. Grade 10 at senior high lang ang maaaring makapasok sa venue. Sinali lang kaming mga G10 dahil baka ang iba sa amin ay lilipat na. Gusto kasi nila kaming makipag interact sa ibang estudyante at maalala man lang namin ito.
Excited na ako. Sabay kasi iyon ng kaarawan ko pero kinabukasan pa ito ipagdiriwang at gusto nila mama ng bonggang party pero tinanggihan ko. Balak kasi nilang imbitahin lahat ng mga kaklase ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi pa alam ng mga kaklase ko na ganito ang estado ko. Na may kaya nga ang pamilya ko. Maaari rin naman nila akong husgahan kung malaman nilang anak ako sa labas. Nagdiskusyon pa kami tungkol dito pero napapayag niya rin naman ako.
Iisipin ko pa kung paano ko sasabihin o iimbitahin ko ba sila o iyong mga kaibigan ko lang talaga.
Naging busy na rin sila Kuya at halos ginagabi na siya kapag umuuwi. Hindi na rin pumupunta si Greg dito, exam na kasi nila. Naging tutok sila ni Kuya sa pag aaral nila.
"Blayr, may sakit ka ba?" tanong ni Keila.
"Wala. Pero medyo sumasakit lang ang katawan ko. Kaninang umaga parang ang hapdi ng tiyan ko pero nawala rin naman. Bakit?"
"Namumutla ka kasi. Hindi ka naman nagblablush on." Pag alala niya at nilagay pa sa noo ko ang kamay para itsek kung nagsasabi ba ako ng totoo.
"Ok lang ako. Mainit lang siguro kasi nga nakamake up tayo tapos ang dami pang tao," pangungumbinsi ko sa kanya. Wala naman talaga akong sakit.
"Sure ka ha?"
"Oo naman. Hindi naman ako sakitin!"
Nasa cafeteria na kami ngayon at katatapos lang namin sa pictorial. Nakakagutom maghintay dahil madaming tao ang naroon at excited silang magpapicture.
"Iyan lang ba ang kakainin mo?" Pansin ni Keila sa pinggan ko at saka tumingin naman sa mukha ko.
"Wala akong gana. Nagugutom ako pero wala kasi akong gana. Halos parang lahat kasi ng ulam nila pang may sakit."
"Nagdadiet ka ba?" pagtataray niya. Nakataas pa siya ng kilay at kailangan sabihin mo ang totoo.
Saka diet? Alam niyang payat ako tapos magdadiet pa ako. Kakaiba lang kasi ang pakiramdam ko ngayon. Hindi naman ako nilalagnat kaya alam kong wala akong sakit.
"Hindi. Ano ka ba Keila, ang payatot ko tapos magdadiet pa ako?"
"Aba malay ko. Ang Blayr na alam ko ay parang baboy kumain. Naiinggit nga ako sa'yo. Sa tuwing kumakain tayo kailangan kaunti lang ang kakainin ko kasi tumataba ako agad. Saka baka hindi ikaw 'yan... Baka nga hindi ikaw 'yan... baka may ibang elemento yata ang sumanib sa'yo," pang aasar niya saka siya lumayo sa akin. Bumalik din naman siya agad at niyuyugyog pa ako at tila hinahanap ako sa katawan ko.
"Meron nga yata. Hanapin mo nga at sabihan mo na umalis na siya. Hindi ko makita ehh!" Sakay ko sa biro niya.
"Saglit, may nagsasalita... baka nasa ulo... patingin nga." Hinawakan niya ang ulo ko at pinaharap sa mukha niya at ginulo niya ang buhok ko. Ginulo ko rin ang sa kanya.
Para na kaming mga tanga dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. Tumatawa lang kami at hindi na namin sila pinapansin.
"Keila." Pagtatawag ng isang lalaki pero may kasama ito.
BINABASA MO ANG
Sunsets and Heartbreak
Romance[COMPLETED] I'll edit this po because this book is a MEH.