Kabanata 40

466 43 27
                                    

This is the final chapter. Thank you for supporting me and my story. I'll post sooner the epilogue. Always stay safe! Lovelots!

Kabanata 40

"Ano'ng ginagawa mo sa kwarto ng kapatid ko?!" dinig kong sigaw ni kuya kaya napabalikwas ako.

Nasa paanan na ito ng higaan ko kaya kitang-kita ko ang sungit sa mukha niya. Alam kong hindi siya galit dahil nakikita ko ang ngisi sa labi niya. Nakakahiya tuloy dahil nadatnan niya kami sa ganoong posisyon. Kinakabahan din ako dahil hindi ko alam kung galit ba siya or sarkasmo ang pinapakita niya.

"Kuya-"

"Hoy!" eskandalong sigaw ni kuya saka tinapik-tapik ang mga paa ni Greg na ngayon ay tulog pa rin. Siraulo rin kasi ang isa 'to. Akala ko ba lilipat siya ng kwarto ng madaling-araw. Bakit nandito pa rin siya hanggang ngayon?

"Mamaya ka na sumigaw, engot! Naiirita ako sa boses mo," daing ni Greg at bumaliktad ng pwesto.

"Ako pa tatalikuran mo? Matapos kong ipagkatiwala sa'yo ang kapatid ko, ganiyan lang ang gagawin mo?" iritadong ani kuya at pumatong na sa kama ko para lamang guluhin ang natutulog na Greg.

Umiling ako sa ginagawa nila kaya lumabas na ako ng kwarto dahil magtatanghali na. Maaga ang flight namin mamayang hapon at kailangan na naming maghanda. Nakita ko sina ate at Cedrix sa kusina kaya hindi na ako nag-abalang pumunta pa roon. Nagstay na lang ako sa sala.

"Tata, do you have my chocolates?" Brix asked innocently while walking towards me. Kagigising lang nito dahil sa gulo ng buhok niya at papikit-pikit na mga mata. Pagkalapit sa akin, pumatong agad sa kandungan ko at nakapout na ito na tila nagpapacute sa akin para mabigyan ng mga tsokolate.

"Ohh!" madrama kong saad. "I'm sorry, Tata did not do her exercise today. I'll buy you later, ok?"

Biglang lumukot ang mukha nito at nagkunwaring naiiyak na.

"But! Mama and Dada left me in the bed then you, you forgot my chocolates?"

Nagulat ako sa sinabi niya. The thought of ate and Cedrix in one bed makes me so kilig. So are they fine now? And seeing this li'l cutie boy here too warmed my heart. I think if I have a baby I want a baby girl. She has a kuya naman na kapag nagkataon.

"I'll get you one later, ok?"

"Ok, Tata," he said, still pouting.

Habang sinasabihan ko siya ng kung anu-ano para maniwala, bumukas ang pinto galing sa kwarto ko. Lulan niyon sila kuya at Greg na magugulo na ang buhok. Animo'y nagwrestling sila.

"Ano'ng ginagawa niyong dalawa? Hanggang ngayon isip-bata pa rin kayo?" sabi ni Cedrix na kalalabas lang ng kusina. "Let's eat. Para makapaghanda na tayo para mamaya."

"Sungit! Kaya mukhang tumatanda na eh!" asar naman ni kuya sa papaalis na Cedrix.

Kumain kami ng tanghalian saka nag-ayos ng mga gamit pagkatapos. Nakapaghanda na rin ng sasakyan si Cedrix kaya wala nang masyadong hassle na nangyari.

"Ako na sa gamit mo. Baka nabibigatan ka." Inagaw ni Greg ang maleta ko saka siya na ang nagdala at nagbigay sa staff ng mga gamit namin. Hinanap ko ang seat number namin ni Greg na saktong malapit sa bintana. Halos parehas lang din pala kami ng date na kumuha ng ticket kaya magkatabi lang kami.

"Hoy asungot! Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin sa kapatid ko. Mararanasan mo ulit na makakita ng mga stars."

"Sisiguraduhin ko na makakailag na ako," ngising sabi nito saka umupo sa tabi ko.

"Para kayong tanga ni kuya."

"He's the only fool," he said, smirking and put his head on my shoulder.

Sunsets and HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon