Kabanata 9

725 82 33
                                    

Kabanata 9

Isang linggo na ang lumipas simula nang pumunta sila yabang dito. Hindi na rin naman siya pumupunta sa bahay kaya walang nakakabwisit at nagpapawala sa mood ko.

Bukas na rin ang prom at excited na ako. Tomorrow is also my big day, kaya inaabangan ko talaga ang pagdating ng araw na iyon. Hindi man kinaumagahan ang handaan, ayos na sa akin ang kumpleto ang pamilya. Nawala man si mama Tes, nandyan naman si mama Beatrice. Hindi ko makakalimutan si mama, siya pa rin ang pinakauna at pinakadabest na mama ko.

Wala pa rin akong partner para sa prom bukas. Sinabihan na kami ni Ms Balthazar na kailangan meron. Halos lahat naman ng kaklase ko ay may partner na kaya hindi na ako nag abalang magpresintang magtanong kung sino pa ang wala. Mga maaarte!

Maaari naman daw'ng kumuha sa senior high students pero wala halos akong kakilala roon. Kung meron man, mga nerdy students na hindi mahilig sa mga prom. Mapipilitan tuloy akong maghanap mamaya.

Pumasok ako ng banyo para maligo. Naisipan kong maglagay ng make up katulad ng ginawa namin ni Keila noong nakaraan. Hindi ko lang alam kung magagawa ko ba iyon ng tama at hindi lagpas lagpas.

Nang nakabihis na ako, kinuha ko lahat ng mga gamit na tinuro sa akin ni Keila. Minememorize ko ang gamit niyon para alam ko kung saan ko ilalagay sa mukha ko. Kung hindi naman sigurado, isinisearch ko sa internet.

Hindi ko namalayan na mag aalas siyete na pala. Hindi ako nalalate at first time ko ito kung mauuna ang teacher namin sa room. Paktay! Nag ayos pa kasi!

Tumingin ako sa salamin, at medyo hindi yata maayos ang lipstick ko. Inayos ko pa iyon. Nang kuntento na ako, bumaba na ako sa hapag kainan.

Naroon pa sila kuya kaya naman gulat na gulat sila sa akin. Akala ko dahil sa late na ako pero dahil pala sa itsura ko!

"Anong meron Blayrie? Nag aayos na ah! May crush na sa school?" kantyaw ni Kuya.

"Wala Kuya. Wala pa akong crush 'no!" sabi ko na namumula na siguro ang mga pisngi.

"Ba't ka nagblablush? Pakilala mo sa akin at titignan ko kung deserve niya ba ang baby namin," ngiting sabi niya.

Ngumuso naman ako sa sinabi niya. Wala akong gusto. Kung meron man, si Cedrix lang iyon. Hindi ko sasabihin kay kuya 'yon dahil may girlfriend na nga si Cedrix at nakakahiya dahil kaibigan niya pa.

"You have a skills naman pala, Blayrie. It looks good on you. Si Keila ba ang nagturo?" Si ate.

"Opo ate, nagpractice kami noong weekend. Triny ko lang din ngayon, ok naman siya," nahihiya kong sabi.

"Be confident, Blayrie. You're pretty, don't hide it, ok?" Pagbibigay lakas loob ni ate.

"Opo ate."

Masaya akong kumain dahil sa sinabi nila ate at kuya. Hindi ko na rin inisip na malalate na ako. Late na rin naman, sasagarin ko na.

Sinabay ako nila kuya para ihatid ako sa school. Marami pang tao sa harap ng gate kaya nagsabi ako kanila kuya na medyo ilayo pa ang pagbababaan ko. Hindi naman na sila nagtaka dahil sinabi at kinuwento ko na sa kanila ang nangyayari dito sa school.

Halos wala ng mga tao sa paligid nang makapasok ako sa school. Mga estudyante na nagmamadali at tumatakbo patungo sa room na lang nila. Sinita pa ako ng guard at tinanong kung bakit daw ako late ngayon. Hindi sanay na huli ng pumasok.

Naririnig ko na ang boses ni Ma'am Mañiego nang malapit na ako sa room namin. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung anong sasabihin ko at paano ako papasok sa room na hindi niya pinapagalitan. First time ko talaga ito!

Sunsets and HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon