Kabanata 14

600 52 14
                                    

Kabanata 14

"Ma, tama na po." Kanina niya pa kasi ako yinayakap at binabati dahil sa aking pagtatapos sa Junior High.

She chuckled, "I'm just proud of you."

Nandito lahat ng pamilya ko, kasama sila tita at tito. Nalilito rin ako kung nakikipamilya rin ba si Greg sa amin. Nandito na naman siya, e. Inisip ko pa nga na baka siya na naman ang susundo sa akin pero alam ko namang nandito sila mama at papa.

Katatapos lang ng moving up namin at masayang nagpipicture taking ang mga kaklase ko. Minsan, sumama rin naman ako para remembrance na rin.

Kinuhanan din naman kami ng larawan kasama sila Keila at iba kong mga kaibigan. Nagulat din naman ang mga kaklase ko at ibang kamag aral dahil nga hindi nila alam na marangya ang buhay ko. Iyong mga iba ay humingi ng tawad at alam ko namang nakikipagplastikan lang ang mga iyon dahil sa magulang ko. 

Nakikipagkwentuhan sila papa sa magulang ni Keila, nakisama lang sila Kuya. Kaso itong si Greg, nakikidikit sa akin. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi niya kahapon sa puntod ni mama.

"Congrats. Naks, top 1." Binati ako ni Greg pero may halong asar.

"Syempre, nagagawa ng pakikipagkaibigan ko sa mga 'boyfriends' ko," sabi ko, naririnig ang sarkasmo sa boses ko. Inalala rin ang sinabi niya sa akin noon na hindi makakatulong ang mga kaibigan ko sa akin.

"No wonder your friends are all girls didn't know if that Jonathan is a gay," pasaring niyang sabi.

Inirapan ko siya. "Lalaki siya at may bago na rin naman akong kaibigan na lalaki. Kaya parang gano'n na 'yon."

Sumama naman ang mukha niya at kung hindi mo pa siya kilala ngayon ay hindi mo masasabing galit na siya.

"And who is that? Didn't I tell you to stay away from boys? They won't help you."

"Eh, lalaki ka rin naman ah! Bakit hindi ka lumalayo? Mauna ka para layuan ko sila."

Mas lalo namang dumilim ang mukha niya at natatawa ako dahil inaasar ko lang naman siya. Saka ano bang problema niya sa pakikipagkaibigan ko sa ibang lalaki. Akala mo naman kung Kuya ko, e hindi naman! Saka si Rovick 'yon. Mas maganda ngang kasama 'yon kaysa sa yabang na 'to! May matutunan ka na nga, mas mabait pa!

"Who's that guy?" he asked again. This time, you can hear the thunder of his voice.

"Secret kuya," asar ko pa rin sa kanya kahit alam kong galit na siya. Overprotective lang talaga sila ni Kuya Chevin. Hindi ko naman jojowain ang mga lalaking kakaibiganin ko no!

He stepped in front of me. Sobrang lapit na niya sa akin at nag uumpisa ng tumibok nang mabilis ang puso ko. I looked at him awkwardly. What if our parents or worst Kuya Chevin saw us in this position? He would think another meaning at baka pa magalit siya kay Greg.

Humakbang ako paatras para lumayo ako sa kanya dahil medyo naaasiwa rin ako sa pwesto namin. Baka marinig niya rin ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mangyari man.

Lumapit muli siya sa akin at ngayon, hinahawakan na ang baywang ko at nilalapit ang mukha sa tainga ko. Sa totoo lang, may kiliti ako roon. Ngayon ko lang napagtanto na kaya ko pa lang tiisin at hindi nakikiliti sa hininga niya.

"Tell me, Blayrie. Who's that guy? I don't think it's Cedrix because he has a girlfriend and he won't entertain you."

Aba! Napapansin ako ni Cedrix, ano! 'Tsaka hindi ko naman sinabing ieentertain niya ako dahil boto naman ako sa kanila ni ate ganda.

"Or don't you tell me... that bastard, loser boy!"

"Huwag mo ngang tinatawag na ganiyan si Rovick. May pangalan siya at Rovick 'yon. 'Tsaka mas ok pa nga iyon kasama kaysa sa'yo e!" Sabi ko at lumapit na kanila mama.

Sunsets and HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon