Kabanata 28

484 39 29
                                    

Kabanata 28

Hinatid ako ni Greg sa bahay namin. Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, bigla na lang itong nag aya sa akin na iuuwi niya na ako. Hindi naman na ako nakaangal dahil hindi ako kaagad nakapagsalita. Basta nahila niya na ako pasakay sa kotse at binaybay na namin ang daan patungo sa bahay.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Tinitingala ang kisame at iniisip ang mga nangyari sa amin ni Greg ngayong araw. Pagod ang buong katawan ko pero tila marami pang enerhiya ang utak ko.

I've been thinking about the words he said to me. Alam kong seryoso si Greg at minsan may pagkaloko, pero simula't sapol alam ko na kung paano siya magaling sa mga mabulaklak na salita. Alam kong sinsero siya pero hindi ko lang maisip kung saan at paano siya nakakaisip ng ganoon? Matagal ko na talagang iniisip kung saan nagmana si Greg. Kung paanong magaling siya sa matalinghaga na salita. Wala kasi sa personalidad niya iyon.

Isa pa, iyong halik niya. Hindi iyon ang unang beses na hinalikan niya ako pero iyon ang unang beses na makaramdam ako ng kakaiba. At sa tanang buhay ko, siya palang ang nakakahalik sa labi ko.

Dahil sa kakaisip niyon, tanghali na ako gumising kinaumagahan. At dahil bukas na rin naman ang runaway, magbubeauty rest na lang ako.

"Blayr, tumawag kanina ang boyfriend mo." Si manang Solly habang kumakain kaming dalawa.

Nagpasama akong kumain dahil ayaw ko namang mapag isa.

"Wala po yata akong boyfriend, manang," nalilito kong sabi. Wala akong maalala na boyfriend ko.

"Si sir Greg, Blayr. Pinapasabi niya na magpahinga ka na lang muna. Huwag ka na munang pumasok sa trabaho mo," kinikilig na sabi nito. "Saka dadaan daw siya rito at may ibibigay."

Bakit hindi pa siya nagtext sa akin? Nasa kanya naman na ang number ko, ah!

"Saka hindi ka raw sumasagot sa tawag niya kaya pinapasabi niya na sa akin," sagot ni manang na tila nabasa niya ang nasa isip ko.

"Maraming salamat, manang."

"Huwag kang mag alala, Blayr. Gusto ko rin si Greg para sa'yo simula bata palang kayo. Ngayon tignan mo, marunong na kayong magdesisyon sa sarili niyo at mahal niyo parehas ang trabaho niyo."

I smiled at manang Solly. She's been with me since then. Nagiging tanungan ko rin minsan sa mga bagay bagay.

I stayed in my room until the afternoon. I just watched any movies I saw in the recommendation. I am bored but I can't get myself to go outside.

Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bedside table. May text iyon na galing kay Greg. Nakita ko na rin ang mga missed calls niya at nabasa ko na rin ang mga messages niya.

Greg:

Nasa sala niyo na ako. Can you go downstairs?

Napalaki ang mata ko sa text niya. Hindi niya man lang ako winarningan na papunta na siya rito. Hindi pa ako nakapag ayos. Kung ano'ng ayos ko kaninang umaga, gano'n pa rin ako. Hindi na kasi ako nag abala dahil nandito lang naman ako sa bahay.

Ako:

Can you give me time?

Dali dali rin naman siyang nagreply.

Greg:

No need to look good. You're pretty in any way.

Kinilig man ako, pero saglit lang iyon. Aba! Kung uutuin mo ako, mag isip ka pa ng matinding banat para mapaniwala ako.

I washed my face. I didn't bother to put makeups but I used powder. Inayos ko rin ng kaunti ang buhok ko at nilagay ito sa kanang balikat ko.

Pagkababa, kita ko ang prenteng upo ni Greg sa pang isahang sofa. Nakalagay pa ang index finger sa labi na tila nag iisip ng kung ano.

Sunsets and HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon