Kabanata 10

690 75 42
                                    

Kabanata 10

"You are so beautiful tonight, Blayr," puri ni Greg.

Hindi ako agad nakapagsalita sa binigkas niya. I don't know what to say. I don't know how to react with that. Pero hindi ko alam kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko. Para itong kabayo na gusto nang makawala sa kulungan at makikipagkarera sa iba. What the heck is happening on me?

Tumalikod na lang ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Muntik pa akong matapilok sa mabilisan kong paglakad papuntang pintuan.

I looked at the gate if he's still there and he still standing and looking at... me. Kumaripas ako ng takbo nang hindi ko na talaga makayanan ang emosyon ko. Tuluyan na rin akong nadapa pagkapasok ko sa pintuan ng mansyon.

Madilim sa bahay, at napakaepic ng pangyayari dahil bigla na lang itong umilaw at may nagpaputok ng confetti.

Sumigaw pa silang lahat ng 'HAPPY BIRTHDAY, BLAYRIE!'

All eyes are on me and they are shocked by my position. Nakikita kong gustong tumawa ni kuya at ate. Naaawa naman ang mukha ni mama kaya lumapit sa akin para tulungan ako.

"What happened to you? May humahabol ba sa'yo?... O baka naman sinabi mo, Chevin, na may surprise tayo kaya siya nagmamadali?" naiinis na bigkas ni mama saka matalim na tinignan si kuya.

"Of course not. Why would I tell her if it is a surprise?" tawang sabi ni kuya.

"Is something wrong, Blayrie? Why are you blushing?" tanong ni mama kaya iniiwas ko ang mukha ko.

Hindi ko sinasadya na mapatingin kay Kuya at wala itong emosyon na nakatingin sa akin. Hindi naman siya galit pero hindi rin masaya.

Pero teka? Ba't ako kakabahan sa reaksyon niya? Wala naman akong ginagawang masama!

Iniiwas ko na lang din ang tingin ko at tumayo ng maayos.

"What happened to you?" Si ate naman ngayon ang nagtatanong.

"Wala. Excited lang po akong pumasok, tapos bigla po akong natapilok." Napapakamot kong sabi.

"Hays! Birthday na birthday mo, mamalasin ka?" Pang aasar ni ate.

Inirapan ko na lang siya at lumapit sa kanila. Ngumiti rin ako sa mga kasambahay na kasama namin. I couldn't hold my emotions. I am so happy to be surrounded by them. Their positivity always transmitted on me.

Hindi ko na napigilan, at tuluyan na nga akong umiyak sa harapan nila. Tumawa pa sila at tumawa rin ako. Niloloko pa ako nila kuya pero masyado akong masaya para patulan sila.

"What a crybaby! What do you want? A vacay to Siargao or a vacay to Korea to see EXO?" tanong ni Kuya na nagpalaki ng mata ko.

Tumalon talon pa ako sa tuwa. Pareho ko silang gustong puntahan. I want to go to a beach and of course, to see EXO!

"Pwede both Kuya?" pabebeng kong sabi. Nagpuppy eyes pa ako sa harap niya. Ginawa ko na ang lahat ng pacute para lang mapapayag siya.

Sa huli, pumayag ito! Sa bakasyon kami pupunta para hindi na maabala pa sa pag aaral ko. Sila kuya na lang daw ang mag aadjust para masamahan nila ako kapag pupunta kami.

Nagsalo salo kami sa pinahanda ni mama na pagkain. Iba pa rin daw ang ipapahanda niya bukas. Tinanong niya na rin ako kung naimbitahan ko na ba ang mga kaklase ko at nagsabi lamang ako ng oo.

Nagbigay muli sila ng regalo, at lahat iyon ay nagustuhan ko. Basta galing sa kanila, ay taos puso ko itong tatanggapin.

Humiga na ako sa kama matapos kong magpalit at mag ayos para maghanda na sa pagtulog.

Sunsets and HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon