Kabanata 5
"What do you want?" tanong ni Greg.
Nasa isang restaurant kami ngayon pagkatapos naming ihatid si Keila. She's supposed to be here but Greg suddenly asked her address. Kuripot at madamot.
Ililibre niya raw ako dahil ang payat ko at mas healthy pa tignan ang kaibigan ko. Hindi naman talaga ako tatanggi kapag libre kung hindi lang sana sa pangmayaman. Nagtalo pa kami dahil dito.
I'm not the type of person who would reject an offer then suddenly accept it. Ayaw kong masabihan na nagpapabebe lang ako. Hindi ko lang kasi type sa mga sosyalin. Mas gusto ko sa mga street foods.
Isa pa, kaming dalawa lang! Mamaya may makakita sa amin ta's anu ano na namang ipagkakalat na isyu na hindi naman totoo.
"May alam akong kainan, mas masarap doon," pangungulit ko sa kanya dahil miss ko nang kumain doon.
Umiling lang ito at patuloy na tinatawag ang waiter.
"Tell me what you want. I'll order it."
"Wala akong gusto. Ang mahal din ng pagkain dito."
"It's all on me. Don't worry about it, Blayr."
"Pero mas masarap kasi roon sa kilalang kong kainan. Sulit na nga, masarap at madami ka pang makakain!"
"If that's a street food you're telling me, then no. It's not healthy that's why you look skinny."
Grabe ka naman! Unhealthy agad? Marumi agad? Kailangan kaya natin ng bacteria sa katawan!
"Minsan, kailangan din nating kumain ng may bacteria. Saka may guarantee bang malinis ang kakainin natin ngayon?"
Ngumiwi ito. "Your opinions and excuses. At least it safe here."
"Whatevah, magtutubig na lang ako," sabi ko dahil naiirita ako sa sinasabi niya.
"Fine, we'll go there. At least eat some good foods," pambawi niya siguro. Iritado pa dahil halos magdikit na ang makapal niyang mga kilay.
"Hindi na. Marumi roon, remember?"
"Blayr, I just want you to be safe if you're with me. Ayoko namang kumakain ka lang kung saan saan. Baka mapagalitan ako kay tito kung malaman niyang kumakain ka ng street foods. Baka mapagalitan ka rin."
"Sanay naman na akong kumain ng ganoon. Besides, I missed eating those dirty foods you are talking about."
"Calm down, pumapangit ka e! Pupunta na tayo roon. Huwag ka nang mag alala. Just limit eating those foods."
"Ok. Hindi ka kakain?" taas kilay kong tanong.
Ako lang ang kakain? Ang arte talaga nito. Mga ibang mayayaman talaga minsan ayaw sa mga may kaunting germs.
"I'm not. Sasamahan lang kita."
"Arte," bulong ko.
Hindi niya na tinuloy ang pag oorder pero nag iwan na lang ng tip para sa waiter na naghintay sa order namin.
Umalis din naman kami agad at tinuro ko sa kanya ang pupuntahan namin. Parati ako noon doon. Paborito ko kasing kumain doon. Mura at masarap. Naging close ko rin ang nagtitinda roon kaya binibigyan niya ako ng sobra.
Nang makita ko na ang pwesto ni Auntie Letty ay tinuro ko na ito kay Greg.
"Hayan, diyan sa tabi lang. Sa may nagtitinda."
"Are you serious, Blayr? It's not safe. Their foods-" tumigil siya.
Naiirita na naman ako sa kanya. He's overreacting. Hindi sanay sa pagkaing mahirap. Isa pa, hindi ako namatay sa pagkaing iyan.
BINABASA MO ANG
Sunsets and Heartbreak
Romance[COMPLETED] I'll edit this po because this book is a MEH.