Kabanata 11

672 63 43
                                    

Stay safe everyone and enjoy reading!

-----------
Kabanata 11

"Ang corny mo naman, tol," tumatawang sabi ni Jonathan.

Pinipigilan din nila Keila ang tawa nila para hindi lang mapahiya ang kasama ko.

What the heck is wrong with Greg? Ano kayang kinain nito at ang cocorny ng sinasabi niya. As far as I remember, hindi siya ganiyang tao at napakaseryoso nito. If he's also serious about friending my friend, the heck, hindi niya kailangan maging clown para magustuhan siya ng mga kaibigan ko. Besides, why would he want to friends with my friends? Maraming silang kaibigan ni Kuya na mga sosyalin at halos babae lang din naman ang mga kaibigan ko. So, bakit kailangan niyang makipagkaibigan sa mga kaibigan ko?

I shrugged my thought. Hindi naman siguro masama iyon. Wala naman siguro siyang masamang intensyon o balak na landiin ang isa sa mga kaibigan ko. And who is that? Hindi naman siguro sila Chellsie, Jhoanne, Joy at Stephanie dahil ngayon niya lang silang nakita. Depende na lang kung na like at first sight siya. Is it Keila? She's pretty. Makikita mo talaga ang alindog niya. Ang paghahabol din ng mga lalaki sa kanya ay isang ebidensya na baka magustuhan nga siya ni Greg. Matagal nang kilala ni Greg si Keila at baka pa sa patuloy rin nilang pagkikita ay nagkakagusto na ito sa kanya. Hindi iyon imposible.

The bitterness crept on me. Inaamin ko sa sarili ko na inggit na inggit talaga ako kay Keila. Na napapansin lang naman ako ng ibang tao dahil siya ang kasama ko. Na napapansin lang din nila ako dahil ang layo layo ng diperensya namin sa isa't isa. Na maganda siya at walang wala ako sa kanya...

I also admit that I have a feeling... to Greg. It's not about a brotherly relationship but a... romantic feeling. I thought it every night. He was not doing bad at me but whenever I saw him, I got mad immediately.

So, I've seen online how someone's feeling develop to someone. And... that explains why I am irritated to Greg. That, my ideal man... is seen on him. I like the arts. I like someone who's a profession is Architecture. I like someone who knows how to sing. I like someone intimidating... yet funny in someways. I like him.

Hindi ko alam kung paano at saan nagsimula. Basta ang alam ko na lang ngayon... gusto ko siya. Kung gusto niya man si Keila, magiging masaya ako para sa kanilang dalawa.

Keila likes him. Hindi iyon sikreto. She's outspoken na hindi talaga siya magtatago ng kung anu ano.

At kung bakit naiisip ko ito? Hindi ko alam. Nararamdaman ko na lang na sumisikip ang dibdib ko at nasasaktan ako.

"What's your name again?" tanong ni Greg kay Keila. "You're always with Blayr, right?"

Umusbong ang inis ko kay Greg. Nananadya lang, ano?

"Ahh oo, Keila pangalan ko."

"Malapit na kayong gagraduate sa Junior High. Parehas ba kayo ng school na papasukan ni Blayr? I heard that she'll study at La Salle."

"Oo nga po. Kaso nakakalungkot lang at maghihiwalay kaming dalawa," malungkot talaga na sabi ni Keila.

"Bakit naman?" kuryosong tanong ni Greg at tumingin sa akin. Hindi ko alam na nakatingin ako sa kanya kaya umiwas agad ako ng tingin.

"Sa ibang school ako. Sa FEU. Hindi ba sa La Salle ka nagkacollege?"

Habang patagal nang patagal, mas lalong humahaba ang usapan nila. Mas lalo rin silang nakukuryoso sa mga bagay bagay tungkol sa isa't isa.

"Ahh yes. You kn--"

Umalis na muna ako roon dahil hindi na kinakaya ang usapan nila. Para silang mga interesado, na hindi na nila namamalayan na may mga kasama sila.

Sunsets and HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon