Kabanata 1

1.6K 154 75
                                    

Kabanata 1

"Totoo?" tanong sa akin ng best friend ko.

Keila Andrea Garcia is my best friend. My partner in crime. Since grade school, we were classmate, kaya naman kahit inofferan na siya ng kanyang mommy na mag aral sa ibang paaralan noong magsisimula na ang high school, hindi siya pumayag dahil gusto niya pa rin akong kasama.

"Oo 'e!"

My father wants me to study in a private school. He wanted to give the things he had never given to me before.

Eight months ago, nakilala ko ang ama ko, si Papa Romualdo. Naninirahan lamang ako sa tita ko at hindi ko alam kung paano niya ako nahanap. We didn't run the test anymore because my father doesn't need it. Maski rin naman ako, kamukhang kamukha ko ang ama ko at hindi ko iyon maikakaila. Kabit lamang si mama at hindi ko noon alam ang gagawin noong marinig ko iyon. Tinanggap ko na lang din ito dahil matagal na akong naghahanap ng kalinga ng ama.

Ipinakilala ako sa tunay na asawa ni papa, si Tita Beatrice at ang kanyang dalawang anak, si kuya Chevin at ate Faye. Unti unti ko na silang nagiging close dahil sila parati ang gumagawa ng paraan para makausap ako.

Hindi ko na rin naman kailangang ipagsiksikan ang sarili ko dahil ramdam kong welcome ako sa pamilya nila. Hindi ko naranasang ma Out of place. Minamahal nila ako ng buong buo.

"Paano na iyan? Magkakahiwalay na tayo? Wala na akong best friend?" madramang sabi ng kaibigan ko.

Keila is so pretty. She's not a type of person who would put makeup all over her face to impress others. She just uses powder to be pretty. Naiinggit ako sa kanya minsan, pero naniniwala pa rin ako na may iba't iba tayong ganda.

"Huwag kang OA diyan. Hindi ba inofferan ka ng mommy mo na mag-aral sa private? Ba't di na lang tayo parehas ng school?"

Umiling ito. "Dati 'yon. Paano kung wala na? Wala na akong kasama. Wala na akong kasabay kumain. Wala na--" I cut her off.

"Wala pa naman 'di ba? NapakaOA nito. Saka huwag ka ngang umiyak, mamaya isipin nilang minamalditahan kita diyan. Sasabihin na namang inaaway at inuuto kita."

Tumawa lamang siya.

"Baka mamaya 'pag nalaman nilang mayaman ka pala ako pa sasabihan na inuuto ka 'e."

Mayaman sila Keila. Kaya minsan nasasabihan siyang inuuto ko lang at peke raw akong kaibigan.

"Bakit, balak mong sabihin?" biro ko sa kanya. Sila papa naman ang mayaman hindi ako.

"Syempre hindi. Mamaya madaming makipag kaibigan sa'yo, baka marami rin akong maging kaagaw sa atensyon mo."

Inirapan ko ulit siya. Masyado siyang madrama sa buhay niya kaya kahit anong emote na lang parati. As if kakaibiganin ko ang mga inggrata.

"Whatevah! Mauna na ako. Nakita ko na si manong Bernardo sa labas. Mamaya pagalitan ulit siya kapag nagabihan ulit akong umuwi sa bahay," paalam ko sa kanya at nakipagbeso na rin.

"Sige, babye sissy! Pag isipan mo munang mabuti. Huwag magpadalos dalos sa desisyon," natatawa niyang sabi.

Tumango na lamang ako sa kanya at dumiretso na agad kay manong. Nasa labas lang ito dahil ayaw ko namang may makakita sa kanya sa loob ng school. Ayaw kong pag usapan ako.

Also, I've been thinking about this offer of my Papa. I realized that is a good opportunity to study in a prestigious school. Given the high-quality education and equipped facilities of the school. Naisip ko rin naman na baka mahirapan ako dahil hindi ako sanay makihalubilo sa mayayaman. I am willing to stay in my school, but for sure my father wouldn't agree with my decision.

Sunsets and HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon