Sachi @/heartforaxel
Congrats, eclipsemusic! sulit lahat ng pagod, always proud of you guys <3
After I tweeted that, I went out to bed to prepare for my class. Tapos na ang midterms exam namin kahapon pa.
Well, ako pala hindi pa dahil magt-take pa ako ng special exam at kukuha pa ng special examination slip sa office of student affair after class namin.
Ngayon lalabas ang mga scores namin sa midterms. Wyn and I decided to go to school together. Pareho kasi kaming kinakabahan sa scores namin e.
Kabado bente ako dito pero sa totoo lang hindi naman ako nagr-review ng maayos kapag may exam. Isa akong grade concious na tamad.
"Gagi, kabado ako!" Bulong ni Wyn, lulan kami ng kotse nila. "Uuwi pa naman sila Mommy the next day." She sighed, hinihilot nito ang temples niya.
"Ako rin e," Sagot ko. "Kabado bente kahit hindi nagr-review, yeah!" I tried to make a joke to light the aura.
Sabay kaming natawa pero may tinik parin sa lalamunan namin pareho. I think we won't calm down until we see that we did well. Score ni Wyn? walang duda, pasado. Score ko? alanganin.
"Tingin ko kasali ka parin sa honors." Saad ko bago ngumisi. "Libre mo 'ko kapag tama hula ko." Hirit ko pa dito.
"Huwag kang abusado, hindi mo na nga ako nilibre nang lunch e!" Inis nitong saad. "Yaman mo, ikaw na maglibre."
"Lul, ikaw ang mayaman dito." Ganti ko dahil totoo naman. "Malapit na sa LFH, kabado talaga ako sobra." Naiiyak kong bulong sa kan'ya.
Para kay Wyn hindi ako kinakabahan. I know she can do well. She's one of a kind because she can handle studying while living her life to the fullest. Kinakabahan ako para sa sarili ko.
She's really a big impact to me. Tho, I don't take her as a competion but inspiration to do well. So, wala talagang inggitan sa pagitan naming dalawa.
I love this bitch. Even everyone's leave me, she won't. Pwera na lang kung boyfriend na niya ang usapan. But kidding aside, when it comes to serious matter she will never going to leave.
"Libre ko kapag good ang result," Saad ni Wyn bago kami bumaba ng kotse. "Gagi, lugi ata ako. Pero if pangit ang result libre mo. Ano, deal ba?"
"G, deal!" Ngumisi ako dito.
"Sana pangit result, ayoko manlibre e." Biro nito bago kami pumasok sa loob ng campus. "Ay char, ayoko palang maging walwal deprive." Nguso nito.
Pagpasok namin sa campus, muntik pa kaming malate dahil dumeretso kami sa CR para magpaalis ng kaba.
"Sachleia Louisa Alcureza."
Mabuti at inaabot pa lang ang answer sheets sa amin. Mabilis akong pumunta sa harapan para kunin ang akin. Without looking at it, bumalik ako sa upuan ko which is katabi si Wyn.
"Tingin!" She grabbed it.
Her eyes widened as she saw my score. Napatampal pa ito sa bibig niya. 21st lit ang subject na 'to, bigla akong kinabahan dahil puro tulog ako sa subject na 'to.
Luh, bagsak ba ako or sadyang OA lang siya diyan?
Hinablot ko ang result ng akin.
Gagi, 38/50!
"Pasado!" Halos sabay kaming mapatalon ni Wyn sa saya. "Worth it naman pala ang mga study session natin sa google meet e!"
"Wynonna Sierra Ellianor," Our teacher called Wyn's name. "Nandito ba si Miss Ellianor?" Tanong niya pa ulit.
BINABASA MO ANG
Embracing the Chaos (Eclipse Series #1)
Любовные романыBand, study, music, and passion; that's how Axel describes his life ever since he was young. Banda muna bago ang lahat. Music or nothing. It was fun and fulfilling, it made him forget everything and every shits he's been through. For him, there's no...