Chapter 13

1.7K 68 19
                                    

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Axel habang naka-angkas dito. Todo ang kapit pa ako rito dahil takot akong malaglag sa motor niya.

"Baguio." Sagot nito.

Nalaglag ang panga ko. "Oy, hala weh serious ba?" Gulat kong tanong dito.

Wait lang, hindi ako ready!

"Yeah." He said as he look at me from the side mirror. "Huwag kang malikot, stay still if you want to go there safe."

Tumango na lang ako. Gamit ba 'tong motor or what? I mean, malayo layo kaya ng Baguio mula sa La Francè.

"Ang layo ng Baguio, keri ba?" I asked again. Feeling ko maiirita na siya anytime sa akin. "Axel.." I called him.

"Yeah but I'll get my car first."

Pumunta kami sa may parking ng condo nila at nagulat ako nang makita na nandon din pala ang mga tropa niya. Bumaba na muna ako sa angkas dito.

"Sure ka ba pre?" Tanong ni Eiffel, nagbalot ito ng suot na bathrobe nito.

"Take care, bro." Saad lang ni Sevasti as if he's the coolest about it. Hinagis nito ang susi ng kotse. "Drive safe."

"Hindi mo naman siya itatanan, hindi ba?" Tanong ni Evan.

"Gago," Axel cussed. "Mind your own business and yeah, I'll go back safe. I know you guys loves me and it shows."

Nagsi-akto pa ang mga ito na parang nasusuka, natatawa na lang ako sa kanila. Tumalikod na sina Kyro at Sevasti na parang disappointed pa sa sinabi ni Axel habang 'yong dalawa naman ang dramatic nila pareho.

"Kadiri, bro." Ngiwi ni Evan. "Ingat na lang, uwi mo 'to ng ligtas ha?" Baling nito sa akin.

"Uy, thanks!" Ngisi ko. "Concern ka naman pala sa akin ih, ikaw ha." Sinundot ko ang tagiliran niya.

"Concern ako kasi wala na akong maiinis." Tawa nila ni Eiffel.

Inirapan ko na lang sila at sumakay na sa loob ng kotse nito. Feeling ko tuloy dinamay ko na si Axel sa pagiging impulsive at spontaneous ko.

They're all sharing one car pala and it's their label's provided car for them as a team. Pero sa condo, solo solo silang lahat pero tabi tabi lang sila ng unit.

"Ang caring ng friends mo," Tawa ko nang sumakay na rin si Axel pagtapos ng ilang minutong pamb-bwisit ng dalawa. "You guys shared one car lang pala?" Tanong ko pa rito.

"You ready?" Tanong nito. Tumango lang ako habang ginagala ang tingin sa kotse nila. "Yeah since we started to not to rely on our parents anymore."

Napatango ako habang nangingiti. They are so courageous to do things on their own. Sana talaga I also have the same courage like them. Nagsimula na itong magmaneho at natahimik na ako.

We're in the middle of dark road, it's already 6:48 pm. What is happening in our house now? Did my mother found out that I ditched them again?

"So, hindi ka madalas umuwi?" Tanong ko bigla dito. "Sa bahay niyo, you said kanina." Umiwas ako ng tingin dito nang magtama ang mga tingin namin.

He nodded. "I hate to." He said.

I wonder tuloy. Why? Given na iba iba ang inuuwian nating mga bahay, but what made him hated his own house?

What chaos happened in their house?

"Kasi 'di ba I asked if there's a escape you wanted to go, so you're always going to baguio alone?" Tanong ko pa.

I saw his lips formed a small smile but he sided his face on the other side of car so hindi ko na makita ng maayos. Napangiti rin tuloy ako, unconciously.

Embracing the Chaos (Eclipse Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon