BATHROOM EXPERIENCE

19.4K 535 6
                                    


Hindi na alam ni Jade kung nakuha pa ba niya mula sa bartender ang gold mastercard na ipinahiram sa kanya ng kapatid. Pagkabigay kasi noon ay hinila na niya ang kamay ng nerd na lalaki at niyaya papunta sa banyo.

            Her mind was cloudy. She felt she was walking into a hazy place. She could hear buzzing sounds, laughter, clanking of glasses but she knew that she was walking with someone.

            "S-saan ba tayo pupunta?" Ramdam niya ang kaba sa boses ng lalaking hila-hila niya papunta sa banyo.

            "Sa langit," at humagikgik siya. Bakit ba siya ganito? Hindi siya ganito ka-wild at kahit siya ay hindi matanggap ang mga lumalabas sa bibig niya.

            Nang makarating sila sa banyo na pambabae ay agad niyang hinila papasok doon ang lalaki at mabilis na pumasok sila sa isang cubicle at doon nagkulong. Hindi agad siya gumalaw at ganoon din ang lalaki na nakatingin lang sa kanya. Sa liit ng cubicle ay halos magdikit na ang katawan nilang dalawa. Kapwa sila humihingal at nanatiling nakatingin sa isa't-isa.

            "P-puwede na tayong lumabas. A-ano ba ang gagawin natin dito?" Tingin niya ay kinakabahan ito at napalunok pa ang lalaki habang tinatanong iyon sa kanya.

            Gusto na rin niyang mag-back out. Parang hindi nga niya kaya ito pero hindi niya maintindihan kung bakit parang may ibang espiritu ang sumapi sa kanya. Pabigla niyang hinawakan ang harapan ng chinos na suot na lalakit at nakapa niya ang pamumukol noon.

            "You're big!" Bulalas niya. Marahan pa niyang hinimas iyon. Ganoon pala ang feeling. First time niyang nakahawak ng tumitigas na pagkalalaki. Nakakakaba pala. Parang kasing nagiging bato sa tigas kapag nagagalit.

            "Baka magsisi ka kapag nakita mong magtrabaho 'yan," ngayon ay may nakita na siyang pilyong ngiti sa mukha ng lalaki. Wala kasi siyang tigil sa paghimas sa harapan nito at nakakapa niyang lalo iyong tumitigas.

            Naramdaman niyang kinuha ng lalaki ang kamay niya at ipinasok sa loob ng chinos nito. Saglit siyang napatitig sa mukha ng lalaki at nakataas lang ang kilay nitong nakatingin sa kanya habang hawak ang kamay niya sa loob ng chinos. Kapang-kapa niya ang tigas na tigas nitong alaga.

            Napalunok si Jade. Ang alam niya ay siya ang agresibo at parang wala sa itsura ng lalaki na maalam ito sa sex. Pero ngayon ay parang ito na ang nagko-kontrol sa kanya. Itinaas niya ang mukha at lalong dinaklot ang harap nito. Hindi siya papayag na ito ang magkontrol sa kanya. Ngayong gabi, siya ang masusunod. Siya ang kokontrol sa lahat ng mangyayari sa kanila.

            Kinuha niya ang kamay at tumitig sa lalaki. Kinuha niya ang kamay nito at ipinatong sa dibdib niya. Kitang-kita niya ang antisipasyon sa mukha nito sa susunod niyang gagawin.

            "Hindi ako magagalit kung hahawakan mo," nakangiting sabi niya dito.

            Alam ni Jade na nagpipigil lang ng pagngiti ang lalaki pero naramdaman niyang bahagyang pimisil ang kamay nito sa kaliwang dibdib niya.

            "Puwede ko bang makita?" Paalam pa nito habang patuloy sa pagmasahe doon.

            "Puwede mo ring tikman kung gusto mo." Parang gusto nang tumakbo sa simbahan ni Jade at magmumog ng holy water dahil sa kung ano-anong lumalabas sa bibig niya. Pakiramdam niya ay hindi na niya kilala ang sarili niya ngayon.

            Kumilos ang kamay ng lalaki at ibinaba nito ang neckline ng suot niyang dress. Tumambad doon ang nagmamalaki niyang dibdib at kita niyang napatitig doon ang lalaki.

BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon