BREAKFAST MEDLEY

12.4K 501 15
                                    

BREAKFAST MEDLEY

"You're cooking?"

Napangiti lang si Nik sa narinig na nagsalitang iyon na pumasok sa kitchen habang ipinagpapatuloy ang ginagawang pagpi-prepare ng breakfast. Naghiwa siya ng spring onions at bell peppers na ihahalo niya sa scrambled egg na gagawin niya.

"Ang bango niyan, ah. What is this? French toast? Sarap!" Bulalas pa ni Amere at dumampot ng tinapay na nakalagay sa plastic container pero agad niyang pinalo ang kamay nito.

"Don't touch that," saway niya dito at ibinuhos ang whisked egg sa kawali para gawin niyang Spanish omelette.

"Ang damot! Ang dami-dami niyan. Patikim lang ng isa," hindi na niya napigilan ang pinsan ng bigla nitong damputin ang isang French toast at dinilaan iyon tapos ay kinagatan. "Madumi na ito. Nalawayan ko na. Hindi na puwedeng kainin ng iba."

Napailing na lang siya at natawa sa ginawa nito. Ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawa.

"And someone is in good mood. Parang the last time I saw your face lit like that was years ago. Anong meron?" Habang ngumunguya ay tanong ni Amere sa kanya. Nagsalin pa ito ng kape sa tasa.

"Wala." Tanging sagot niya.

"Anong wala? No. There is something. Saka nagluluto ka? Ang tagal mo na ring hindi pumapasyal sa kusina, ah. You stopped cooking when Gail left and-" hindi nito naituloy ang sasabihin tapos ay napataas ang kilay. "Oh, nagkabalikan na nga pala kayo and back to normal ka na."

Naawala ang ngiti sa labi niya ng marinig iyon. Hindi siya kumibo at hinango ang niluluto at inilagay sa isang plastic container at inayos ng maganda. Nilagyan ng mga garnish para maganda sa mata at mas nakaka-enganyong kainin.

"Para kanino ang breakfast na ito? Imposible naman na para sa iyo. Hindi ka naman kumakain ng heavy breakfast. Imposible naman na para sa amin nila Lolo kasi ang konti nito para sa amin. Pang basketball team kumain sina Owie at Emer." Isinubo ni Amere ang huling piraso ng tinapay na kinakain. "Para kay Gail? You prepared breakfast for her?"

Tinapunan lang niya ng tingin si Amere at napailing dito.

"Ang daldal mo," komento niya at tinungo ang ref para kunin ang strawberries at gatas. Isinalin niya iyon sa blender na naroon at ginawang shake. Inilagay niya sa isang magandang plastic bottle.

"At effort pa talaga ang preparation. Kung ako makaka-receive ng ganyan, aba mamahalin ko ang lalaking magpapadala sa akin niyan. Grabe ang effort mo, Nik. A plus."

"Huwag kang mag-alala. Sasabihin ko kay Dorian na ganito ang gawin niya."

Sinamaan siya ng tingin ng pinsan. "Not funny." Halatang napikon ito sa sinabi niya.

Doon na siya napatawa at isa-isang chineck ang mga pagkaing nagawa niya. French toast with honey, check. Spanish omelette, check. Ham, bacons and cheese, check. Fruit platter, check and the strawberry with chia seeds shake. Inayos talaga niya ang pagkaka-pack ng mga ito para siguradong hindi masisira kapag na-receive ng pagpapadalhan niya.

Tumunog ang telepono ni Nik at agad niya iyong sinagot. Iyon ang driver na magdadala ng mga ginawa niya. Isinilid niya ang mga iyon sa isang paper bag at binitbit palabas. Kasunod pa rin niya si Amere na talagang inuusisa kung para kanino ang ginawa niya.

Iniabot niya iyon sa driver at nagbigay ng pera dito. Ibinilin na ingatan ang mga iyon at ayaw niyang masira iyon sa biyahe. Gusto niyang maka-receive ng picture once na dumating na ito sa location ng pagdadalhan. Bago ibigay sa receiver, gusto niyang makita muna na maayos pa rin iyon.

BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon