MURKY'S FIRST TIME

12.7K 431 25
                                    

MURKY'S FIRST TIME


Si Jade yata ang nataranta sa sinabing iyon ni Nik. Wala siyang nasabi sa sinabi ng lalaki at gulat lang siyang napatingin dito.

Nik likes her?

Hindi na niya alam kung nasaang parte sila ng Maynila. Basta ang alam niya, walang masyadong sasakyan na dumadaan. Inihinto ni Nik ang kotse sa isang gilid at bumaba ito tapos ay tumayo sa gilid ng kotse at sumandol doon. Nag-iisip.

Bumaba din siya at humarap sa lalaki. Hindi niya alam kung ano ba ang problema nito sa kanya. Nakasandal lang si Nik sa kotse at nakapamulsa ang dalawang kamay tapos ay nakatingin sa lupa na nilalaro-laro ng paa nito. Sinusudsod ng sapatos ang lupa.

"Come on, Jane. I am offering you something here. I'll be your client exclusively. Ayaw mo ba noon? Isa na lang ang client mo? Wala ng ibang titingin at gagalaw sa katawan mo?"

"Pero may girlfriend ka na 'di ba?" Paniniguro niya. Naalala niya, nabanggit ni Amere sa kanya na may dini-date na si Nik ngayon. Ang ex-girlfriend nito.

"She wouldn't know. This will be our secret." Tumingin sa kanya si Nik at napahinga ng malalim. "I'll admit it, I'd tried to look for you after what happened to us. Aminado naman ako na talagang gusto kong maulit uli ang nangyari sa atin but when I found out that you're in a relationship with my grandfather, hindi ko matanggap iyon. Lalo na nga at magpapakasal pa kayo?" Napailing-iling si Nik. "I like to you, Jane. I like to fuck you again." Ngayon ay nakatingin na ng seryoso sa kanya ang lalaki.

Hindi siya nakasagot sa sinabi ni Nik. Siguro kung sa ibang pagkakataon iyon sinabi ng lalaki ay kikiligin siya. Matutuwa siya lalo na nga at sinabi nito na gusto siya. Pero ang idugtong na 'I like to fuck you again', doon siya natauhan.

Hanggang pangkama lang talaga sila ni Nik.

Dahil iyon siya para dito. Pangkama lang. Pampalipas lang ng init ng katawan.

Lumapit ito sa kanya at marahang hinaplos ang mukha niya.

"Siguro nga talagang seloso ako kasi kahit sa mga babaeng katulad mo, ayoko ng may kasalo. I don't want you to fuck other clients, Jane. Gusto ko ako lang. Can you do that?"

Wala siyang masabi. Sa ilang linggo nilang pagbabangayan ni Nik dahil sa ang pagkakaalam nito ay may relasyon sila ng lolo nito, siya ang laging may upper hand. Lagi niyang napipikon ang lalaki, lagi itong natatalo sa mga argumento niya. Pero sa pagkakataong ito, hindi niya kayang makipagtalo. Hindi niya kayang kontrahin ang sinasabi nito.

Dahil ang totoo, gusto din naman niyang maulit ang nangyari sa kanila.

"I don't want other man or woman touch you like this," napalunok si Jade nang maramdaman ang marahang paghaplos ni Nik sa leeg niya pababa sa braso niya. Taas-baba at ibang klaseng kilabot ang inihatid noon sa katawan niya. Para siyang ibinalik ng una silang magkakilala ng lalaki.

Titig na titig sa mukha niya si Nik. Lalong lumapit ang mukha sa mukha niya.

"I don't want other clients to look at you like this. I don't want other clients to kiss you like this."

At bago pa siya makapagsalita ay lumanding na ang labi ni Nik sa labi niya.

Just like before, she felt she was experiencing her first kiss again. Ganoon ang epekto ng paghalik ni Nik sa kanya. Wala kasi siyang maramdaman na para itong mauubusan sa paraan ng paghalik sa kanya. Hindi katulad sa mga ex-boyfriends niya na parang laging gaham na gaham sa tuwing hahalikan siya. Iba si Nik. He was kissing her softly, gently. Ibang-iba sa mga masasamang salita na binitiwan nito tungkol sa pagkatao niya. Right now, felt she was a high school girl kissing a boy the first time. Sweet, tenderly kisses until his mouth started to nibble trying to taste her lips. He tried to open her mouth using his tongue and tasted what was inside of her mouth.

BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon