LOLO RED

13.7K 504 20
                                    

Lolo Red

Papasok pa lang si Nik sa mansion ng lolo ay naririnig na niya ang malakas na boses ni Amere. Palibhasa ay nag-iisang babae sa pamilya, ito na ang parang nanay nilang lahat kahit na nga ang alam nila ay tatay ang gusto nitong maging ganap. Nito lang naman kasi nila nalaman na babae din pala ang gusto nito. Wala silang nakitang kahit na katiting na hint na miyembro ng third sex ang kanyang pinsan. Maganda kasi si Amere, sexy at nagbibilang din naman ng boyfriends. Kumbaga sa lalaki, si Amere ang literal na poste na makakita na nakapantalon, papatusin na agad. Ganoon ka-playgirl ang pinsan niya kaya takang-taka sila na isang araw ay mag-uwi na lang ito ng babae at ipakilala sa kanila na girlfriend nito.

"That is impossible, lolo. Saan mo nakilala ang babaeng iyon?"

Naabutan niya si Amere na nakaupo sa harap ng mesa at nagmumuwestra sa tabi ng lolo niya. Ang dalawa pa niyang pinsan na si Owie at si Emer ay tahimik lang pero halatang hindi rin gusto ang itinatakbo ng usapan.

"She is nice. She makes me laugh," malumanay na sagot ng matanda at dinampot ang puswelo ng kape na nasa harapan nito at humigop doon. Parang hindi pansin na parang bulkan na sasabog na si Amere.

"Nice? She makes you laugh? Siyempre magiging nice kasi alam marami kayong pera. Tatawa sa mga baduy mong joke dahil kailangang gawin niya. Lolo, ano ba ang pumasok sa isip mo at gusto mong pakasalan ang babaeng hindi mo nga alam kung saan nanggaling? And how old is she? Twenty-nine?" Hinilot pa ni Amere ang ulo. Tingin nga ni Nik ay parang gusto nang sabunutan ng pinsan ang sariling buhok.

"Twenty-seven." Pagtatama nito. Ibinaba ng matanda ang puswelo at ngumiti kay Amere. Parang lalo lang napikon ang pinsan sa ginawi ng lolo.  "I told you, puwede ko namang iurong ang kasal ko. Kung susundin ni Nik ang gusto ko," tumingin sa kanya ang lolo niya.

Nakita niyang pumako sa kanya ang tingin ng lahat ng kanyang pinsan kaya nagtatakang lumapit siya sa mesa at humila ng isang upuan at naupo doon. Hindi inaalis ng mga ito ang tingin sa kanya.

"And what did I do this time?" Taka niya? Kinuha niya ang mangkok ng kanin pero agad na pinalo ni Amere ang kamay niya.

"Wala kang karapatang kumain. Ayusin mo ito," nakasimangot na sagot nito sa kanya.

"What? Ano ba ang kasalanan ko? Gusto lang magpakasal ni lolo, kasalanan ko na?" Wala ng nagawa si Amere ng sapilitan niyang kunin ang mangkok ng kanin at nagsalin sa plato niya. Nang damputin niya ang mangkok ng baked salmon ay talagang nag-agawan sila ng pinsan pero nanalo pa rin siya. Parang batang nag-belat pa siya dito at nagsalin ng isda sa plato niya.

"Talk to your cousin. Only Nik can change my mind not to marry that woman," kaswal na sabi ng lolo niya.

"Ano ba iyon, 'lo?" Napakamot siya ng ulo. Gusto na niyang kumain dahil nagugutom na siya. Alam niyang nagti-trip na naman itong lolo nila. Madalas naman itong gawin ng matanda. 'Nung nakaraan nga nagsabi na bibilhin daw nito ang Mt. Everest. Nagpatulong pa sa abogado nila kung paano mapu-purchase. Nang hindi magawa, bumili na lang ng lupa sa Palawan. Tapos sabi gustong pumunta sa moon. Nakipag-coordinate pa kay Elon Musk ang assistant nito pero nagbago ang isip. Ang ending sa Moonwalk, Paranaque na lang nagpunta. Umaatake na yata ang dementia ng matanda. Kaya 'yung sinabi ni Amere kanina, hindi niya iyon iniintindi. Masyado lang histerikal 'tong pinsan niya.

"This is not a joke, Nik. You better talk to him," seryosong sabi ni Owie.

Doon na siya medyo naging uneasy. Si Owie ang pinakamaharot sa kanilang apat. Lahat dito ay joke pero sa pagkakataong ito, seryosong-seryoso ito sa harap nila.

Kahit gusto na niyang sumubo ng pagkain ay binitiwan niya ang hawak na kubyertos at nagkakamot ang ulo na hinarap ang lolo.

"'Lo, ano ba ang problema?" Napahinga pa siya ng malalim.

BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon