THE AFTER PARTY
Alam ni Nik na nananaginip siya. Sa panaginip niya ay naglalandian siya at ng babaeng kasama niya. Magkatabi sila at nagtatawanan. May hawak itong bulaklak na ibinigay niya at nilalaro sa kanya. Nakahiga siya at nakaunan ang ulo sa mga hita nito tapos ay kinikiliti ng hawak na bulaklak ang ilong niya.
Sa tuwing huhulihin niya ang bulaklak ay hahagikgik ang babae. Totoong hagikgik. Tingin nga niya parang madaming humahagikgik. Maya-maya ay tumatawa na ang babae pero bakit kataka-takang nagboboses lalaki na ito? Ang laki ng boses nito lalo ng tawagin ang pangalan niya.
"Mukhang nasa ika-pitong glorya pa si Nikolaus," nakatingin siya sa mukha ng babae pero bakit boses lalaki ito at iyon ang sinabi?
Nagmulat siya ng mata at nakatawang mukha ni Amere ang nabungaran niya. Sa kamay nito ay may hawak itong kulay itim na kapirasong tela at ikinikiliti sa ilong niya.
"What the fuck?!" Napabalikwas siya ng bangon at nakita niyang nagtatawanan ng malakas ang mga pinsan niyang nakapalibot sa kanya. Agad niyang tiningnan ang sarili at wala siyang suot na kahit anong damit. Mabilis niyang hinila ang kumot na kakapiranggot lang ang natatabingan sa katawan niya. Tanging 'yung pinagka-iingat-ingatan lang niyang alaga ang natatakpan nito kaya lalo niyang itinago ang katawan sa kumot.
"What in the hell-" hindi niya maituloy ang sasabihin dahil pakiramdam niya ay wala pa siya sa huwisyo. Ang alam niya ay may kasama siyang babae kagabi. Naka-sex niya. Pero anong ginagawa ng mga pinsan niya dito?
"Calm down. Lutang ka pa? Naka-ilang rounds ka?"
Tumingin siya sa nagsalita na iyon at nakita niyang si Emer iyon at nagdadampot ng mga nalaglag na prutas sa carpeted floor ng hotel room. "'Tangina, Nik. Mukhang paspasan ang ginawa mo dito kagabi. Ang gulo ng kuwarto mo." Komento pa nito.
"What the fuck are you doing here?" Sa wakas ay naitanong na niya.
"We need to check on you. Hindi ka sumasagot sa tawag namin," Si Owie ang sumagot sa kanya.
"Brothers, I think nagawa naman niya ang dare natin," sabat ni Amere at iwinagayway nito ang isang itim na g-string panty sa harap niya.
"Give me that!" Inis niyang saway dito at tumayo mula sa kama na nanatiling nakabalot ang katawan sa kumot habang pilit na kinukuha kay Amere ang panty.
Ang lakas ng tawanan ng mga pinsan niya. Ayaw pang ibigay ni Amere ang panty pero talagang sapilitan niyang kinuha dito ang bagay na iyon kahit na nga muntik-muntikan na siyang mahubaran.
"Where's the girl? Pinaalis 'nyo?" Takang tanong niya at tinungo ang banyo para silipin kung naroon ang babae.
Nagtinginan ang tatlong magkakapatid. "Anong girl? Walang babae dito. Iniwan ka na. Panty lang ang iniwan. Souvenir daw," humalakhak pa uli si Amere. "Pero in fairness mabango, ha? Saka mamahalin ang brand na iyan."
Kumunot ang noo niya at tiningnan ang pera na napatong sa gilid ng lamesita. Takang nilapitan niya iyon at inusisa. Walang bawas. Pati ang calling card niya ay naroon kasama ng note na ginawa niya.
"She didn't take the money?" Parang sa sarili lang niya nasabi iyon.
"You got a pro last night?" Si Emer ang nagsalita noon.
Hindi niya pinansin ang sinasabi ng pinsan. Nakatuon lang ang pansin niya sa pera na hawak. Hindi biro ang amount na ito. That was fifty thousand na nakuha niya sa bag niya. Ipangbibili sana niya iyon ng ilang partes ni Murky pero makakapaghintay naman ang kotse niya. First time ng babaeng na-pick niya kagabi at hindi biro ang ginawa nila kaya nagtataka siya kung bakit hindi nito kinuha ang pera.
BINABASA MO ANG
BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)
Romance(PHYSICAL BOOK Now sold out) A bad night that could change their lives forever... Dahil sa pustahan ay napilitan na mag-roleplay si Nik. Baduy at nerd ang kailangan niyang i-pull off ngayong gabi at kailangang makakuha siya ng magandang babae na gan...