"Nik! What happened?!"Napatingin siya kay Amere at kita ni Nik ang natatarantang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Maging ang mga taong nakapalibot sa kanila ay nakatutok din ang pansin sa kanya. Noon lang niya napansin na basag ang salamin na mesa na pinagpapatungan ng mga alak na kanilang iniinom. Ang kamay niya ay may mahabang sugat at umaagos ang dugo.
Napalunok siya. Ano nga bang nangyari?
Basta ang pagkakaalala niya, nakita niyang hahalikan ni Sam si Jane at automatic na bumagsak ang kamay niya sa mesa.
Dahil hindi niya matanggap na matapos ang lolo niya, lesbiyana naman ang kaharutan ng babaeng iyon.
Kinuha ni Amere ang kamay niya at tiningnan iyon.
"This is a big cut, Nik. Pumunta tayo sa ospital." Sabi pa ni Amere.
Umiling siya at dumampot lang ng tissue doon at inilagay sa dumudugong kamay tapos ay tumayo. Nakita niyang nakatingin lang sa kanya si Jane maging si Sam at lalo siyang nabuwisit ng makitang nakapulupot pa rin ang kamay ni Sam sa bewang ng babae.
Gusto na lang niyang umalis. Wala na nga siya sa mood tapos ganito pa ang makikita niya. Nakakainit ng ulo dahil kung sino-sino na lang ang pinapatulan ng babaeng iyon.
Narinig niyang tumawag ng maintenance si Emer at ipinaayos ang nabasag na mesa. Ipinalinis ang mga bubog doon. Siya? Hindi na niya kayang magtagal dito. Lumakad siya para umalis doon pero siniguro niyang paglabas niya ay hindi rin niya iiwan si Jane doon.
"Nik! Nik!" Alam niyang si Amere ang tumatawag sa kanya pero hindi niya iyon pinakinggan. Pagdaan niya sa harap nila Jane at hinawakan niya ito sa kamay at hinila paalis doon. Wala na siyang pakielam kung ano man ang isipin ng mga pinsan niya. Basta ang alam niya, ayaw niyang makita ang babae na nakikipaglandian sa kapwa babae.
"Ano ba?! Bitiwan mo ako!"
Alam ni Nik na talagang nagpipiglas si Jane sa pagkakahawak niya sa kamay nito. Hindi nga niya iniinda ang sakit ng kamay niya dahil ang may sugat na kamay ang nakahawak sa kamay ni Jane. Wala siyang pakialam kahit na makabangga siya ng tao. Ang mahalaga, makaalis siya doon.
Paglabas sa bar ay dire-diretso sila sa parking ni Jane. Ang sama ng tingin sa kanya ng babae pero hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay nito.
"Ano na naman ang problema mo, Nik?" Parang kakain ng tao ang mukha ni Jane sa paraan ng pagkakatingin sa kanya.
"Wala akong problema. Hindi lang maatim ng sikmura ko na nakikipaglandian sa kapwa mo babae," napasimangot siya ng maalala kung paano magkiskisan ng katawan si Sam at si Jane. Kung sa ibang pagkakataon siguro siya nakakita ng dalawang magandang babae na naglalandian sa harap niya, baka ma-turn on pa siya. Big turn on iyon sa mga lalaki. Pero ang makita na si Jane mismo ang gumagawa noon, hindi talaga niya kinakaya. Sasabog na ang galit niya.
"Wala kang pakialam! Trabaho ko iyon." Pilit nitong hinihila ang kamay sa pagkakahawak niya pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak doon. Lalong dumugo ang sugat niya.
"At nakakadiri ang trabaho mo." Pabiglang nasabi niya.
Tinaasan lang niya ako ng kilay tapos ay inirapan. "Nakakadiri? Pero bakit hindi ka nandiri sa akin ng may mangyari sa atin?"
"Because I thought you were different. Pero hindi ko akalain na wala kang pili. Kahit na lang sino. Matanda, tomboy. Ano pa?"
Napailing si Jane at pilit pa ring inaagaw ang kamay niya pero hindi ko talaga binibitiwan iyon.
BINABASA MO ANG
BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)
Romance(PHYSICAL BOOK Now sold out) A bad night that could change their lives forever... Dahil sa pustahan ay napilitan na mag-roleplay si Nik. Baduy at nerd ang kailangan niyang i-pull off ngayong gabi at kailangang makakuha siya ng magandang babae na gan...