"The unimaginable always becomes the unforgettable." - George Beene
What am I going to do? What the hell am I going to do?
Iyon ang paulit-ulit na sinasabi sa isip ni Jade habang nakapako ang tingin niya sa lalaking nagsisimulang magburles sa harap niya. Wala siyang nakikitang kahit na konting hiya sa mukha nito habang isa-isang tinatanggal ang pagkakabutones ng mustard colored polo. Napalunok siya nang tuluyang mahubad iyon at tumambad sa kanya ang malapad nitong katawan. Nagmamalaki ang pectoral muscles. Nagsusumigaw ang mga pandesal sa tiyan.
Wala sa loob na hinilot niya ang sintido at gusto yata niyang ibaling sa iba ang paningin niya lalo na nang makita niyang hinawakan nito ang butones ng suot na pantalon at tinanggal iyon. Para yata siyang nangilabot dahil narinig niya ang pagtunog ng zipper nito at tuluyang nahubo ang suot na chinos.
Kristo, patawarin mo po ako.
Hindi niya alam kung bakit iyon ang nasabi niya. Pakiramdam kasi niya ay punong-puno na ng kasalanan ang mga mata niya bukod pa sa makasalanang ginawa niya sa banyo kanina kasama ang lalaking ito. Tumingin siya sa mukha ng lalaki at kita niyang parang nagmamalaki pa itong ipakita sa kanya ang magandang pangangatawan. Tanging boxer shorts na lang at ang salamin na makapal ang grado ang naiwan sa katawan.
"Do you want me to remove this myself or you want to do the honors?" Nakangiting tanong niyo sa kanya.
Ano nga ba? Ano nga ba ang gagawin niya? She wanted to be in control pero paano niya gagawin iyon kung kahit pagtatanggal ng boxer shorts ng lalaki ay hindi niya alam?
Tumaas ang kilay nito sa kanya at humakbang palapit. Parang gusto ng kumaripas ng takbo ni Jade dahil parang kapre itong palapit sa kanya. Grabe ang kabog ng dibdib niya.
"What do you want to do,-" ibinitin nito ang tanong. Parang gustong malaman ang pangalan niya.
"J-Jane," sa isip ay humihingi siya ng tawad sa kapatid. Hindi niya kayang ibigay ang totoong pangalan niya dito. Dahil ngayong gabi, hindi siya si Jade. Siya si Jane na handang magpaligaya sa kahit na kaninong lalaki.
"What do you want to do, Jane?" Seryosong tanong nito habang nakatitig sa mukha niya. Naramdaman niyang marahang humaplos sa kurba ng katawan niya ang kamay nito.
Pinilit niyang ngumiti. "I-I want to have sex?" Gusto niyang murahin ang sarili. Bakit ba kasi parang ang daming pasakalye ng lalaking ito? Kung magsi-sex sila, dapat na silang mag-umpisa para makaalis na siya dito.
"You're in control, Jane. If you tell me to kiss you, I'll do it. If you tell me to touch you, tell me where and how. Whatever you want me to do." Napapikit siya nang maramdaman ang kamay nitong gumapang sa braso niya at dumako sa neckline ng damit niya at marahan iyong ibinababa.
"I-I want you to k-kiss me," napabuga siya ng hangin ng sabihin iyon.
Ngumiti ito. "Fine then," at bago pa siya makakilos ay naramdaman niya muli ang malambot nitong labi sa mga labi niya. Tumitikhim sa simula hanggang sa unti-unting lumalalim ang halik. Ang mga kamay ay unti-unting gumagapang sa katawan niya.
"Can I remove your clothes?" Paalam nito.
Tumango siya at naramdaman niyang tuluyan nitong ibinaba ang dress na suot niya hanggang sa ang g-string panty na regalo ni Jane sa kanya ang natitirang suot niya.
Kitang-kita niya ang pagnanasa sa mata ng lalaki habang taas-baba ang tingin sa katawan niya. Bahagya pa itong kumagat labi at kitang-kita niya na lalong namukol ang nasa pagitan ng hita nito na natatago sa suot na boxers.
BINABASA MO ANG
BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)
Romance(PHYSICAL BOOK Now sold out) A bad night that could change their lives forever... Dahil sa pustahan ay napilitan na mag-roleplay si Nik. Baduy at nerd ang kailangan niyang i-pull off ngayong gabi at kailangang makakuha siya ng magandang babae na gan...