THE EX-GIRLFRIEND

11.6K 394 12
                                    



Alam ni Nik ang tensyon sa paligid niya ng magharap sila ni Gail. Kahit ang mga pinsan niya ay nanatiling nakatingin lang sa kanila ni Gail ng humarap ang babae sa kanya.

Kita niya ang parang nahihiya nitong pagngiti. Halatang nilalakasan lang ang loob na humarap sa kanya.

"How are you, Nik?" Titig na titig ito sa mukha niya.

Gail was still the same. She was still gorgeous, smart. She still has that angelic face na talagang kinabaliwan niya. But he didn't imagine that under the angelic face was the hardhearted woman that gave him pain ten years ago.

"I think we should go to the dining. Check muna namin kung nakahanda na ang pagkain," narinig niyang sabi ni Lolo Nik at sinisenyasan nito ang mga pinsan na sumunod. Agad naman na nagtayuan ang mga pinsan niya at sumunod sa lolo. Nakita pa niyang ngumiti ng nakakaloko si Amere sa kanya pero hindi niya iyon pinansin.

"Nagkita lang kasi kami ni Lolo Red and he invited me here since matagal din naman akong nagpupunta dito dati," nakangiti pa rin si Gail sa kanya.

Hindi siya sumagot. Naalala niya ang mga nangyari sa kanila ng ex-girlfriend. She was his childhood sweetheart. Mga bata pa lang naka-kompromiso na sila sa isa't-isa. Magkaibigan ang mga pamilya nila. At bata pa lang, alam niyang mahal na niya si Gail. Hanggang sa mag-high school ito ang girlfriend niya. Hanggang mag-college. Wala siyang ibang naging girlfriend kundi si Gail lang. Napaka-loyal niya sa babae. Hindi siya tumingin sa iba, wala siyang ibang nakikita kundi ito kahit na nga napakaraming babaeng umaaligid sa kanya noon. Sigurado siya sa sarili na si Gail ang pakakasalan niya but graduation came, she runaway with his best friend Seth. They got married six months after in America.

Hindi siya sumasagot. Nakikinig lang siya sa sinasabi nito. Kinakapa din kasi niya ang nararamdaman niya. He was head over heels in love with Gail back then. Ilang beses niyang sinubukan na bawiin ito kay Seth noon. Muntik pa nga siyang manggulo sa kasal ng mga ito kung hindi lang siya napigil ng mga pinsan. And after that, wala na siyang babaeng sineryoso. Doon na siya nagwala. Iba-ibang babae halos gabi-gabi pero walang seryoso. No feelings involve. He became a womanizing asshole at hindi niya pinagsisisihan iyon. Women wanted to be like that. Sila ang gumagawa ng dahilan para hindi sila irespeto ng mga lalaki.

Just like Gail. Halos ilagay niya sa pedestal. Ibinigay niya ang lahat at kahit ang buhay niya ay kaya niyang ibigay pero sa huli, sinaktan pa rin siya at iniwan.

"It's been what? Ten years since we last saw each other," sabi pa nito.

"Your wedding," malamig na tugon niya.

Napangiti ito ng mapakla. "Sana nga nanggulo ka na lang noong wedding ko para hindi na natuloy iyon."

He rolled his eyes and shook his head. "What do you want, Gail? Closure?"

Humakbang palapit sa kanya si Gail. Nasa itsura na parang gustong umiyak.

"Your forgiveness. Nagkamali ako, Nik. Hindi dapat kita sinaktan," tuluyan ng namuo ang luha sa mga mata ni Gail.

Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya makaramdam ng kahit katiting na kurot sa puso sa nakita niyang itsura nito. Samantalang dati lumungkot lang ang mukha ni Gail ay nag-aalala na siya. Ngayon, wala siyang nararamdaman. Ganoon ba siya pinatigas ng panahon?

"Ang tagal na noon. Okay na ako. I am happy for you. For you and Seth." Tanging tugon niya.

"Naghiwalay na kami. Three years after our marriage, nag-divorce na kami. We had so many differences. Hindi katulad natin na napakarami nating mga bagay na pinagkakasunduan."

"And yet, you still dumped me." Napahinga siya ng malalim at napailing. "Gail, kung anuman ang nangyari sa atin, tapos na iyon. Nasaktan ako pero okay na ako. Ten years is enough for me to move on. You don't need to ask forgiveness from me. Dapat nga ako ang magpasalamat sa iyo kasi that's the time that I realized there is still life after you." Walang kakurap-kurap na sambit niya.

Kita niya ang paglatay ng sakit as mukha ni Gail sa sinabi niya pero pinilit nitong ngumiti.

"I guess I really deserve that. Gusto ko lang naman na maging okay tayo. Gusto kong mabalik ang dating pagsasamahan natin. We were best friends too, Nik."

            Napakamot siya ng ulo. Nakita niyang dumadating si Amere at alanganing ngumiti sa kanya.

            "Kain na muna tayo. Pinapatawag na kayo ni Lolo." Nakatingin ito ng makahulugan sa kanya tapos ay lumapit kay Gail. "Tara, Gail. Dito ka na mag-dinner. Favorite mo pa rin ba ang humba?"

            Ngumiti si Gail at parang nahihiyang tumingin din sa kanya. "Yeah. Hindi naman nagbago iyon. Nik practiced cooking that food for me." Narinig niyang sabi ng dating nobya.

            "I don't cook anymore," malamig na tugon niya at nauna ng nagpunta sa dining. Kung puwede lang siyang umalis at hindi na dito maghapunan ay ginawa na niya. Pero siguradong sermon lang ang aabutin niya sa lolo niya kapag umalis siya ngayon.

            Naupo sila sa harap ng hapag. Nakahain ang mga pagkain pero parang wala siyang gana. Kanina pa mainit ang ulo niya. Naiinis na siya sa mga nalaman niyang sinabi ni Jane at hindi rin siya natutuwa na nandito si Gail.

            Walang imikan silang kumakain. Si Amere at Gail ang madalas mag-usap. Sumasabat-sabat si Owie at Emer at nakikita niyang nakatingin ang lolo niya sa kanya. Alam niya na binabasa nito ang reaksyon niya sa pagdating ni Gail dito. Alam naman kasi ng matanda kung ano ang pinagdaanan niya ng iwan siya ng babae.

            "How's Jane?"

            Napaangat siya ng ulo at tumingin sa lolo niya. Halatang naghihintay ito ng isasagot niya.

            "In the hospital," matipid na sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.

            "Who is Jane?" Si Gail ang nagtanong noon.

            "Lolo Red's fiancée." Hindi niya ito tiningnan habang nakatutok ang pansin sa pagkain.

            "Lolo Red? You're getting married? Congratulations!" Biglang sumaya ang tono ng boses ni Gail kaya napailing na lang siya.

            "You should see Jane. She's hot. Totally hot," komento ni Amere.

            Tiningnan niya ng masama ang pinsan at ngumiti ito ng nakakainis sa kanya.

            "Si Nik, single pa din." Sabat ni Owie. Napailing siya at nakita niyang mga nakangisi ang mga pinsan niya at parang nahihiyang tumingin sa kanya si Gail.

            "And I think he is looking for a girlfriend too. And I think I could also hear wedding bells kasi kailangan na rin magpakasal ni Nik." Sabi naman ni Emer.

            Napahinga siya ng malalim at napailing lang. Dapat talaga hindi na lang siya umuwi dito. Sirang-sira na ang gabi niya.

            "Why don't you invite Gail for a date? I mean for old times sake. Marami din naman kayong pinagsamahan and malay mo naman. May mapag-usapan kayo." Nakangiti sa kanya ang lolo niya.

            Nagbungisngisan ang mga pinsan niya at ngumiti rin si Gail. Halatang natuwa sa sinabi ng lolo niya.

            "I don't think I have time for that shit."

            Pare-parehong napatahimik ang mga pinsan niya sa sagot niya. Si Gail ay napahiya at napayuko lang pero muling nag-angat ng mukha at tumingin sa lolo niya.

            "It's okay, Lolo Red. I think Nik is still mad at me. I deserved it." Pumikit-pikit pa ito na parang pinipigil mapaiyak.

            Tingin niya ay nasira na ang mood sa paligid. Kung kasalanan man niya, wala siyang pakielam. Kanina pa rin naman sira nag mood niya.

            Hindi na siya makatiis. Tumayo sila at iniwan ang mga naroon. Bahala na kung sermunan siya mamaya ng lolo niya. Gusto rin naman niyang sermunan ito dahil sa mga nalaman niyang pinaggagagawa nito kasama si Jane.

BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon