THE DARE

17.1K 485 3
                                    

The Dare

TWO HOURS AGO

            Tamad na tamad na si Nik habang nakaupo sa harap ng office table niya at tinitingnan ang text message na na-receive niya mula sa pinsang si Amere. Kailangan daw nilang magpipinsan na pumunta sa ancestral house nila bukas ng gabi dahil mayroon na namang meeting na ipinatawag ang Lolo Red nila. Sinubukan niyang tawagan ang pinsang babae pero ayaw nitong sagutin ang tawag niya. Tiningnan din niya ang supot na naroon din sa harap niya na ipinadala ng pinsan.

            Kalokohan itong ginagawa sa kanya ng mga pinsan niya. Kung bakit kasi naisipan niyang pumayag sa pustahan ng mga ito. Buwisit na pustahan. Alam naman niya sa sarili niya na marupok siya pagdating sa magagandang babae tapos pumayag siya sa mga hamon ng mga pinsan na hindi siya makikipagsex sa babaeng ipapakilala ng mga ito. Malay ba niyang ang sikat na model na si Catalina Smith ang ipapakilala ng mga iyon. That woman was sexy, like a goddess. Matatanggihan ba niya kung ito na mismo ang naghuhubad ang romoromansa sa kanya nang maiwan silang dalawa sa isang kuwarto?

            Padabog na kinuha ni Nik ang plastic at binuksan iyon. Lalo siyang napasimangot ng ilabas ang isang brown chinos. Sa tabas pa lang noon ay alam na niyang high waist at pangit ang fit noon sa kahit na kanino. Isinunod niyang ilabas ang mustard colored na polo at nakakabit doon ang isang checkered bow tie.

            "Fucking unbelievable," he muttered that with full of disgust. Inis niyang ibinato sa mesa niya ang mga damit.

            Bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok doon ang pinsang si Amere. Pormang-porma ang babaeng pinsan sa suot na tight high waisted fitted ankle pants na binagayan ng black tube top at red three inched Louboutin stiletto. Nakalugay din ang curly nitong buhok at fully made up ang mukha. Hindi mahahalata na kapwa babae din ang gusto nito.

            "You got the package?" Nakangiting nakatingin si Amere sa mga damit na nakapataong sa table niya at dinampot iyon at iniladlad. Lalong lumapad ang ngiti sa mukha ng pinsan ng makita ang color combination ng mga damit. "The shoes. Oh my god, hindi ko kinaya ang shoes," humalakhak na ito ng tuluyan nang makita ang leather pointed shoes na sobrang kintab na pinaglumaan pa yata ng lolo nila.

            "Sigurado ako si Oswaldo ang may pakana niyan," lalo siyang nainis dahil alam niyang sinadya iyon ng isa pang pinsan.

            "Hey, he doesn't like to be called Oswaldo. He prefers to be called Owie. Mas may dating daw iyon." Naupo sa couch na naroon si Amere.

            "Owie my ass. Pangit pa rin pakinggan. Do I have to do this? Magbabayad na lang ako," inis kong tinapunan ng tingin ang mga damit.

            "Money? Oh no. Owie and Emer doesn't like your money. Me too. We thought about getting your favorite toy if you don't want to do this dare," ngumisi ng nakakaloko si Amere.

            "W-what favorite toy?" Kinabahan siya. Parang alam na niya ang tinutukoy nito.

            "Si Murky." Kumagat-labi pa ito sa kanya. "Parang marami akong mabibingwit na mga girls kapag ginamit ko si Murky."

            "What?! No. No! You cannot do that. Ipapahanda ko ang pera na pinag-usapan natin. Hindi puwedeng masali sa pustahan si Murky!" Hindi puwedeng kahit turnilyo ng paborito niyang sasakyan ay mahawakan ng mga pinsan niya. Alam ng lahat kung gaano niya pinakaiingatan ang classic Mustang car na ipinamana pa ng tatay niya. Totally restored iyon at tuwing linggo lang niya ginagamit kapag nagbi-breakfast siya sa BGC. Kahit nga ang mga nagiging babae niya ay hindi niya pinapasakay doon.

            Ang lakas ng halaklak ni Amere. "Then, do the dare. Napakadali lang naman ng gagawin mo. Isusuot mo lang iyan then pick up some hot and sexy chick then send us some proof. A selfie with the woman. O sige, baka sabihin mo naman masyado ka naming pinapahirapan. Kahit hindi na maganda okay lang. Basta maikakama mo na ganyan ang itsura mo."

BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon