ANGRY DECISION

11.4K 380 2
                                    

ANGRY DECISION

            Ang liit ng tingin ni Nik sa kalsadang dinadaanan niya. Ang higpit-higpit ng hawak niya sa manibela. Hindi mawaglit sa isip niya ang nakita niya kanina. Si Jane. Pero hindi siya si Jane. Siya si Jade.

            Then everything makes sense right now. From the very start that he met that woman.

            She was pretending to be in control, she was a virgin when he got her, everything they do in terms of sex was new to her, she was nervous when they met again. His cousins kept on saying the name Jade instead of Jane.

            Nagngalit ang bagang niya ng maisip na lahat sa bahay nila ay alam ang tungkol dito. Pasimuno ang lolo niya at kasabwat ang mga pinsan niya. Ang mga pinsan niyang inaasahan niyang tutulong sa kanya na malusutan ang problemang ibinigay ng lolo nila. Kaya para biglang-bigla ay umaayon ang mga ito sa kung anong sabihin ng lolo nila.

            He felt he was a fool. They made him look like a fool. Everyone of them. He doesn't think he deserved to be treated like that especially his family. Ano bang akala nila? Laro lang ang ginawa nila? Kung prank lang para sa kanila ang bagay na ito, sa kanya hindi. Pinaikot siyang mabuti ng lolo niya at ng mga pinsan niya at ng babaeng muling pumukaw ng damdamin niya.

            You cannot tell the difference when they are together. Fucking identical twins. She is not Jane. She is Jade my girlfriend. Jane is her twin. Jane is the escort. Jade here is the good girl. My girl.

            Malakas siyang napasigaw. Bumabalik lahat sa kanya ng makilala niya ang babae. Sa hotel, ang mga ginawa nila. The wild sex. Napalunok siya. Bakit ba siya bumabalik ng bumabalik sa babaeng iyon kahit ang pagkakakilala niya dito ay isang babaeng bayaran? Dahil gusto niya ang ginagawa nito sa kanya. Dahil ibinibigay nito ang hinahanap niya sa ibang babae.

            And when he thought that they are exclusive kahit na nga bilang kliyente lang siya ng babae, ikinasiya niya iyon dahil siya na lang ang nag-iisa dito. Wala na siyang kaagaw na kahit sino tapos malalaman niyang may boyfriend? Kahit na ba inamin ng babaeng iyon na hindi talaga siya ang escort, nalaman naman niyang may totoong boyfriend ito at half-brother pa ng ex-girlfriend niya.

            Mabilis niyang iniliko si Murky sa village nila. Kumayod ang gilid noon sa pader at alam niyang lumikha ng malalaki at malalalim gasgas sa sasakyan. Natanggal pa ang side mirror nito. Pero wala siyang pakialam. Ang gusto niya ay makauwi at kumprontahin ang lahat ng mga taong nanloko sa kanya.

            Kulang na lang ay banggain ni Nik ang gate ng mansion ng dumating siya doon. Sunod-sunod ang busina niya at wala siyang pakialam kung makabulahaw siya sa kapitbahay. Hindi pa nga tuluyang nabubuksan ang gate ay mabilis na niyang pinaharurot doon ang sasakyan kaya tumama ang headlights nito sa gilid ng gate. Sigurado siyang basag. Pagdating sa garahe ay pabalagbag niyang ipinarada ang sasakyan. Hindi na nga niya pinatay ang makina. Basta na lang siya bumaba at patakbong tinungo ang bahay.

            "Amere! Owie! Emer!"

            Parang kulog sa lakas ang boses niya ng pumasok sa loob. Umiinom pa ng wine si Amere na sumalubong sa kanya at kumunot ang noo ng makita siya.

            "Bakit may pa-roll call sa amin? Saan ang away? Bakit para kang susugod sa giyera?" Bungad nito sa kanya.

            Pinipigil niya ang sarili na masaktan ang pinsan niya kay huminto siya malayo dito.

            "Are you into this?" Nanginginig ang boses ni Nik sa galit.

            "Into what, Nik? Ano bang nangyayari?" Takang tanong nito at uminom sa hawak na baso ng wine.

BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon