Almost one-week na hindi nakita ni Nik si Jade. One-week talaga niyang tiniis na hindi makita o makausap ang babae. He even blocked his number para kung tawagan man siya ay hindi na rin niya makausap. Hindi na nga din niya inaasahan na magkikita pa sila. Sigurado siya na pagkatapos na magbukingan ng lahat, hindi na sila magtatagpo nito. Kaya ng sabihin sa kanya sa reception na nandito ang babae ay nagulat siya pero ayaw na rin niya itong harapin pa. Para saan pa? Mag-e-explain ba ito sa kanya? Ng ano? Alam na naman niya ang lahat. Everything that she did was part of a devious plan from her grandfather at hindi niya matanggap na ang nagpagamit ang babaeng ito.Pero iba pala kapag nakita na niya ng personal si Jade. Her innocent face looking at her with full of awkwardness. Halatang pinipilit lang ang sarili na patatagin sa harap niya. Parang nagulat pa nga ng makita siyang pumasok sa conference room.
"What are you doing here?"
Hindi agad nakasagot ang babae. Tila nag-iisip ng kung ano ang isasagot sa kanya.
"How did you end up here? I told the reception to send you away. Ayaw kitang makaharap," matigas na sagot niya dito at tinungo niya ang pinto para lumabas.
"Nik, I am sorry."
Napahinto siya ng marinig ang boses ng babae. The soft voice that he heard the first time that they met in the hotel. The same voice that he wanted to hear over the phone that gave him an excitement and made him do kinky things.
Tumingin siya dito at nakayuko lang si Jade. Hindi katulad ng babaeng nakilala niyang escort. Wala ang tapang, wala ang lakas ng loob na kung ano-ano ang mga sinasabi sa kanya. Ito ba talaga siya? Is this the true Jade Infante? The good twin?
"A-alam kong sobrang foul 'yung ginawa namin sa iyo at hindi ko alam kung tatanggapin mo pa ang sorry ko," kumagat ito ng labi at nahihiyang tinapunan siya ng tingin pero muli ding yumuko. "Pero gusto ko pa rin na mag-sorry talaga. Alam kong mali na manloko ng tao lalo na nga at personal mo ng buhay ang naapektuhan."
Saglit niyang tinitigan ang babae. Ramdam naman niya na hindi ito nagda-drama lang. Ramdam niyang talagang bukal sa loob nito ang paghingi ng tawad sa kanya.
Isinara niya ang pinto at naupo sa katapat nitong silya. Nanatili siyang nakatitig kay Jade.
Nakasuot lang ng simpleng white t-shirt si Jade na naka-tuck in sa maong pants na suot nito. Walang mamahaling relo o alahas na suot. Walang luxury bag na gamit. Simpleng itim na shoulder bag lang ang nakasukbit sa balikat nito na wala pang tatak. Nakalugay lang ang mahabang buhok. Simpleng-simple hindi katulad ng Jane na nakilala niyang laging naka-porma.
"What scheme did you do para makapasok ka dito? Did you seduce Amere para lang makausap mo ako?" Humalukipkip pa siya sa harap nito.
Parang napapahiyang tumingin sa kanya si Jade.
"Hindi ko naman magagawa iyon. Lahat ng mga sinabi ko sa iyo, lahat ng ginawa ko parte lang naman iyon ng drama ko bilang si Jane."
Tumaas ang kilay niya. "And how can I be so sure that you are the good twin?" Napailing siya. "Sobrang identical kayo ng kakambal mo. I could not even tell the difference kung magkasama kayo. How can I be so sure that you are not your evil twin?"
Halatang nasaktan sa sinabi niya si Jade. Kita niya ang pamumuo ng luha sa mata ng babae. And when she looked at those eyes, she saw the warmth in her eyes, and he was sure that this is Jade.
BINABASA MO ANG
BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)
Romantik(PHYSICAL BOOK Now sold out) A bad night that could change their lives forever... Dahil sa pustahan ay napilitan na mag-roleplay si Nik. Baduy at nerd ang kailangan niyang i-pull off ngayong gabi at kailangang makakuha siya ng magandang babae na gan...