Gulat na gulat si Jade sa bilis ng mga pangyayari kaya wala siyang nagawa ng sapilitan siyang isakay sa kotse ni Nik. Hindi siya makakilos sa sobrang pagkataranta at lalong parang hindi siya makahinga dahil parang lumilipad na sa bilis ang sasakyan ng lalaki."A-ano 'to? Bakit mo ako kinidnap?!" Sa wakas ay nasabi niya.
Kunot na kunot ang noo ni Nik ng tapunan siya ng tingin tapos ay muli nitong itinuon ang pansin sa kalsada.
Malakas niya itong hinampas sa braso. Isa. Dalawang beses hanggang sa sunod-sunod na hampas na ang ginawa niya. Ang takot na nararamdaman niya kanina ay napalitan na ng galit dahil sa ginawa nito sa kanya.
"Ibaba mo ako! Ihinto mo ito!" Wala siyang tigil sa kakahampas sa braso ng lalaki.
"Tumigil ka na, ha? Masakit na. Hindi na nakakatuwa," seryosong sagot nito pero nanatiling nakahawak ang mga kamay sa manibela.
Isang malakas na hampas pa uli ang ibinigay niya dito bago painis na sumandal sa kinauupuan. Tumingin siya sa labas at hindi niya alam kung saan sila papunta ng lalaking ito.
"Ano ba 'to, Nik? 'Di ba ang sabi ng lolo mo gawin mo na ang mga dapat mong gawin? Alam mong may kailangan pa kaming asikasuhin sa simbahan," inis na sabi ni Jade.
"Mahal mo ba ang lolo ko?" Walang kangiti-ngiting tanong nito.
Umirap siya. "Oo." Humalukipkip pa siya.
"Bakit hindi ko maramdaman?" Sinamaan siya nito ng tingin.
Tumaas ang kilay dito ni Jade. "Ano 'to? Interrogation?"
"Kung magpapakasal ka sa lolo ko, kailangang malaman ko na hindi mo siya lolokohin."
"Kahit naman paulit-ulit kong sabihin sa iyo na hindi ko siya lolokohin, hindi ka naman maniniwala. Dahil ang alam mo babaeng bayaran ako," sagot niya dito.
"Because that's what you are. Ibang tao ka ba?"
Hindi maintindihan ni Jade kung bakit parang nasaktan siya sa sinabi ni Nik. Kahit alam niya sa sarili niya na hindi siya ganoong klaseng babae, nasasaktan siya para sa kapatid niya. Ganoon kababa ng tingin ng mga tao sa katulad ng kapatid niya. Walang karapatang magmahal, walang karapatang lumigaya, walang karapatang seryosohin. Lahat ng bagay ay dapat lang tapatan ng pera.
"At hindi mo matanggap na ang katulad kong bayaran ang nagustuhan ng lolo mo?" Napahinga siya ng malalim. "Hindi ko alam kung ano ang sintemyento mo. Matanda na si Red at-"
"Please stop calling him Red. Only family can call him that name. Family, friends, acquaintances but not you. Don't call him Red," halatang pigil na pigil ni Nik ang galit na nararamdaman.
Inirapan niya ito. "O sige, si honey. Okay na iyon?"
Parang lalo lang nag-alsa ang galit ni Nik sa narinig na sinabi niya. Napahinga siya ng malalim at napailing. Kung makikipag-usap sa kanya si Nik, sigurado siyang walang kapupuntahan ang usapan na ito.
"Mr. Lopez, kung ang ikinagagalit mo ay dahil may nangyari sa atin tapos magpapakasal ako sa lolo mo, huwag kang mag-aalala. Si Honey ang pinaka-open minded na-"
"Don't call him honey!" Sigaw ni Nik.
Gulat na napatingin si Jade kay Nik. Galit na galit talaga ang itsura nito. Parang uusok na ang ilong at magbubuga na ng apoy.
"Galit na galit? Anong meron? Ang gulo mo. Ayaw mong tawagin ko siyang Red. Ayaw mo rin na tawagin kong honey. Ano ang itatawag ko? Lolo? Tito? Manong? Mang Red? Ano?"
Hindi nakasagot si Nik at nakita niyang huminga ito ng malalim at parang pilit na kinakalma ang sarili.
"Look, my grandfather is a lonely man. I mean he has been a widow for so many years and he didn't have any interaction with the opposite sex. He spent his time taking care of us. Me and my cousins. We are his family. So, I think this marriage thing is just his way of making fun of us. This is just a play o baka may nakapang-uto lang kanya na gawin ito." Napakunot ang noo niya dahil nakita niyang parang sementeryo ang tinutumbok nila ng lalaki.
BINABASA MO ANG
BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)
Romance(PHYSICAL BOOK Now sold out) A bad night that could change their lives forever... Dahil sa pustahan ay napilitan na mag-roleplay si Nik. Baduy at nerd ang kailangan niyang i-pull off ngayong gabi at kailangang makakuha siya ng magandang babae na gan...