Walang tigil sa kakaiyak si Jade habang nakakulong sa sariling silid. Hindi niya pinapansin ang pagkatok doon ng kakambal. Kahit ilang beses na pabalik-balik si Jane, hindi talaga niya binubuksan ang pinto. Lumabas lang siya para kunin ang telepono niya pero bumalik din siya uli sa kuwarto at nagkulong. Ang daming missed calls ni Nik pero hindi siya nagre-return call. Ang dami ring text messages. Masakit pa ang mukha niya dahil sa paso ng mainit na kape, masakit ang katawan niya dahil sa pananakit ng babaeng iyon, masakit din ang damdamin niya dahil sa sobrang pagkapahiya.Panay ang hikbi niya habang muling tinitingnan ang video. Walang patid ang luha niya sa mga mata habang paulit-ulit na nakikita kung paano siya bugbugin ng babaeng noon lang niya nakita at si Gail, walang ginawa. Tumulong pa ito para lalo siyang masaktan at ipinakalat pa ang video.
Pinahid niya ang mga luha sa pisngi habang nag-i-scroll at binabasa ang mga comments. Gusto niyang manliit. Nakakadurog ng pagkatao ang mga nababasa niya.
Gurl, nakakahiya ka. Pa-Starbucks-Starbucks ka pa pero diyan ka lang pala mahuhuli ng legal wife. Buti nga 'yan lang inabot mo. Kung ako kay legal wife, kakalbuhin pa kita.
Bakit hindi pa mamamatay ang kabit? Ang kakapal ng mga mukha. Alam ng may sabit, kakabit pa rin. Ang lalandi!
Kabit pa more, ghorl! Ayan ang napapala ng mga makakati. Sana tuluyang hinubaran ni legal wife at sinilihin ang pekpek! Mga kabit salot!
Napahagulgol si Jade sa mga masasakit na comments na nababasa niya. Ang dami. Gusto nga niyang sagutin isa-isa at ipagtanggol ang sarili pero alam naman niyang hindi siya mananalo. Ang dami ng shares. Kanina lang nangyari pero thousands of shares na at libo na rin ang mga comments. Kalat na kalat na. Mayroon pa ngang screen shot ng mukha niya na sinasampal ng babae.
Nagagalit siya kay Jane. Kasalanan ito ni Jane. Kung hindi ito pumatol sa may asawa hindi naman ito mangyayari. Ang ayos ng buhay niya, mag-uumpisa na nga sila ni Nik pero dahil sa nangyaring ito, tingin niya ay wala na siyang mukha na ihaharap pa sa mga tao.
Napatigil siya sa pagngalngal ng marinig na parang sumisigaw si Jane sa labas ng silid. Pinahid niya ang mga luha at lumapit sa pinto. Idinikit ang tenga doon para marinig ang sinasabi ng kapatid niya.
"Gago 'yang asawa mo! Akala ba niya ako ang sinaktan niya? Kakambal ko iyon! Sinabuyan niya ng kape sa mukha at binugbog pa. Nasaan 'yang asawa mo at talagang wawasakin ko ang mukha niyan!"
Ang lakas-lakas ng boses ni Jane. Nagsisisigaw talaga. Binuksan niya ng konti ang pinto at sumilip at nakita niyang nakatayo ang kapatid sa gitna ng sala at parang doon nagmo-monologue. Nasa itsura talaga ni Jane na galit na galit dahil namumula pa ang mukha nito.
"Ginulo ko ba kayo? Ano ba ang ginawa ko? Ako nga ang tinarantado mo 'di ba? Pinaasa mo ako. Ako na ang lumayo para matahimik na ang asawa mong luka-luka tapos ganito pa ang gagawin niya? 'Tangina, Bowie! Napakagago ng asawa mong impakta!" Parang mapapatiran ng ugat sa leeg si Jane sa lakas ng sigaw.
"Ipinahiya niya ang kapatid ko. Hindi na siya nakuntento sa pambubugbog at pagpapahiya? Kailangan pang i-video tapos ipost sa social media? Napaka-gago! Mapapatay ko talaga iyan kapag naharap ko ang babaeng iyan." Humihingal sa galit si Jane at napaupo ito at napapailing tapos maya-maya ay nakita niyang yumuko tapos ay humihikbi.
"Ako na lang sana. Sa akin na lang sana ginawa iyon. Matatanggap ko pa. But not with Jade. She doesn't deserve that. She's the good one." Napahagulgol si Jane at napasubsob sa kamay habang nanatiling hawak ang telepono ng isang kamay. "She's been there for me all the time. I might look brave and strong but without my sister, I am nothing. I cannot face this life without her. She's been my strength since the tragedy that happened to me, so she doesn't deserve what your wife did to her."
BINABASA MO ANG
BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)
Romantik(PHYSICAL BOOK Now sold out) A bad night that could change their lives forever... Dahil sa pustahan ay napilitan na mag-roleplay si Nik. Baduy at nerd ang kailangan niyang i-pull off ngayong gabi at kailangang makakuha siya ng magandang babae na gan...