LAST CHAPTER
Natataranta na si Jade habang isa-isang chini-check ang mga supplies sa kitchen. Ang mga beers, ang mga hard liquors. Lumabas pa siya para tingnan ang bar area kung kumpleto nga ang mga naka-display na mga alak doon. Imported alcohols na nakahilera sa rustic themed design façade ng bar.
Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng paligid at hindi niya mapigil ang hindi mapangiti. Ibang-iba ang Wingstop ngayon kumpara sa dating tindahan niya. Sabagay, halos hindi na nga makikilala ang Wingstop ngayon. Wala na ang bakas ni Dick sa bawat sulok ng tindahan. Ang lahat ng makikita dito ngayon ay idea na ni Nik. He was the one designed the newly renovated restaurant.
Napaka-homey ng bar. The place was tailored to those who wanted inspiration and style. It was designed like the rustic watering hole of the past.
Napakaganda pagmasdan ng distressed wood design na binagayan ng bricks. Wooden tables and chairs with black designed legs. They were built for men who know how to handle their drinks.
And today is their opening day. Nik even bought the vacant lot beside Wingstop. Lalong lumaki ang area. Now, it is a fully functional resto-bar.
Inayos niya ang mga nasa ibabaw ng tables. Napkin holders, condiments. Paulit-ulit niyang ibini-brief ang mga staff nila. From Noemi and Jay-ar, nadagdagan pa ng tao ang restaurant. Hindi na kakayanin ng dalawa niyang staff ang pag-aasikaso dito. Naka-uniform din ang mga ito. All black pants, polo-shirt, and apron. Provided din ang black rubber shoes at black caps para lalong bumagay sa design ng restaurant.
Kung maarte noon si Dick sa Wingstop, mas maarte si Nik. Iyon ang napatunayan ni Jade. Hindi basta-basta papasa kay Nik ang kung ano-anong design lang. Mula sa pintura, mga materyales na ginamit, pati sa mga utensils kailangan high end. Pati ang kitchen talagang ipinabago nito. Lahat mamahaling gamit ang ipinalit. Walang problema sa kanya kung gumastos ng malaki basta masunod ang gusto niyang mga design. At hindi naman ito nagkamali. Napakaganda ng bagong resto-bar nila.
Tumingin siya sa relo at nakita niyang malapit ng mag-ala-siyete. Iyon ang oras na nakalagay sa invitation nila na open ng restaurant. Nag-invite sila ng mga friends, social media personalities para sa boost ng marketing, naka-cover din ang radio station nila Nik. Full force ang marketing campaign nila para makilala ang bago nilang business venture.
Napahinga siya ng malalim at pumunta sa kitchen. Naabutan niya si Nik na nagmamando sa mga staff na naroon. Napangiti siya at pinagmasdan ang lalaki habang itinuturo sa mga staff ang mga ihahandang pagkain. First time niyang nakitang naka-chef's uniform si Nik at napakagat-labi siya habang pinagmamasdan itong nakatalikod. Kahit maluwag ang chef's pants na suot, hindi pa rin naitago noon ang maumbok na pang-upo ng lalaki.
"Ate, may mga guest na pong dumadating." Si Noemi ang nagsabi noon sa kanya. Sumilip si Jade at nakita niyang ang mga pinsan iyon ni Nik kasama si Red at si Stella.
"Nik!" Tawag niya sa lalaki at sumenyas dito na may mga dumating na. Nauna na siyang lumabas at sinalubong ang mga ito.
Ang ganda agad ng ngiti sa kanya ng pamilya ni Nik. Kahit kailan, hindi niya naramdaman sa mga ito na hindi siya gusto. Masayang-masaya ang mga ito ng sabihin ni Nik na magpapakasal na sila. Si Red ang unang-unang natuwa at parang maiiyak pa nga. At least daw, may magandang kinahantungan ang disaster na naging plano niya noon para sa paboritong apo.
"Hi, Jade." Nakangiting bati ni Amere at humalik sa pisngi niya. "This place is lit! It really shows Nik's personality. Si Nik talaga ito," tumitingin pa sa paligid ang babae.
BINABASA MO ANG
BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)
Romantizm(PHYSICAL BOOK Now sold out) A bad night that could change their lives forever... Dahil sa pustahan ay napilitan na mag-roleplay si Nik. Baduy at nerd ang kailangan niyang i-pull off ngayong gabi at kailangang makakuha siya ng magandang babae na gan...