"Mukhang na-brief ka ng maigi ni Jane, ah."Tumingin siya kay Redentor Lopez at nakangiti ang matanda sa kanya. Wala na ang nakakatakot na seryosong mukha kanina na nakatingin sa apo nito. Tumingin siya sa gawi na dinaanan ni Nik at nakita na niya itong palabas ng simbahan.
"I didn't know that you can act like that. When Jane introduced you to me, akala ko napaka-soft mo but what you did to Nik, I am impressed. He was so pissed at you." Parang tuwang-tuwa pa ito sa nangyari kanina.
Nahihiyang ngumiti siya sa matanda at napayuko.
"May pinaghuhugutan kasi ang inis ng apo ko kaya siya nagkakaganyan. Akala niya talagang papakasalan kita." Natatawang sabi na ngayon ng matanda.
"P-pero, Sir nabanggit ni Jane na talagang magpapakasal ka daw."
Kumumpas ito sa hangin. "I said stop calling me Sir. Call me Red. Ayokong tinatawag akong Sir. Feeling ko tumatanda ako." Sinundan niya ito na maglakad at tingnan ang paligid ng simbahan. "Stella, would love this church." Tumatango-tango pa ito. "She loves everything classic."
Hindi napigil na mapangiti ni Jade. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mukha ng matanda habang iniikot nito ang tingin sa loob ng antique na simbahan.
"You should meet her some day. Si Stella. I know you'll love her. Jane met her once and you know, they clicked." Tumitig sa mukha niya ang matanda. "Hindi ko akalain talaga na may kakambal si Jane. The resemblance was uncanny, but I know you two are very different."
"Nakiusap lang po talaga si Jane na gawin ko ito." At para na rin makaganti sa mga pang-iinsulto ng animal mong apo.
Gustong-gusto iyong idugtong ni Jade pero pinigil niya ang sarili. Naglalakad pa rin sila ng matanda papunta sa harapan ng simbahan.
"Red, okay lang na magtanong ako?"
Tumingin sa kanya ang matanda at tumango sa kanya. "Something wrong?"
"Bakit mo ito ginagawa? Bakit kailangan mo pang magsinungaling sa mga apo mo? Bakit kailangan mong ipakilala sa kanila na katulad ko o ni Jane ang babaeng papakasalan mo? May girlfriend ka naman. Bakit hindi na lang siya ang ipakilala mo?" Hindi ko na natiis na hindi itanong iyon.
Ngumiti ito. "Hindi ako nagsisinungaling sa mga apo ko. Everyone of them knows my plans. Well, except for the idiot Nikolaus. Masyadong magaang ang buhay ng batang iyon kaya binibigyan ko naman siya ng konting problema. He is not getting any younger. He would be turning thirty-one this year and yet wala pa ring seryosong relasyon na pinasukan ang apo kong iyon. I am getting old, Jade. And I want to see my grandkids to be married with a wife that will take care of them, kids of their own. Pero sa nakikita ko, mukhang malabong mangyari iyon lalo na kay Nik."
"Hindi kaya mas lalo lang maging kumplikado kung pini-pressure mo siya na mag-asawa? I mean, ayaw niyang magpakasal ka sa katulad ni Jane pero para mangyayari iyon, kailangan niyang mag-asawa. What if, kung anong klaseng babae na lang ang madampot niya para lang hindi matuloy ang kasal mo? Hindi ka ba nag-aalala doon?" Seryosong tanong niya dito.
Saglit na tumingin sa kanya ang matanda tapos ay parang nagpipigil ng ngiti.
"You're worried about him." Paniniguro nito.
Kumunot ang noo niya at naramdaman na nag-init ang pisngi sa sinabing iyon ng kaharap.
"W-worried? Ako? Kanino? Sa apo 'nyo?" Hindi makapaniwalang sagot niya. Sunod-sunod ang iling ni Jade. "Hindi ako nagwo-worry sa kanya. Bahala siya kung sino ang madampot niyang babae. Bakit ako magwo-worry? Curious lang ako." Ano ba ang mga sinasabi ng matandang ito?
Pero lalo lang lumapad ang pagngiti ng matanda at muling tumingin sa altar.
"I think I'll go to the church office. Doon kasi kami magkikita ni Stella. We will set the date. Will you be okay here? By yourself?"
Ngumiti siya ng alanganin at tumango. Humalik sa pisngi niya ang matanda at marahan pa iyong tinapik bago siya tuluyang tinalikuran.
Napahinga siya ng malalim at muling iginala ang paningin sa loob ng simbahan. Dinukot niya ang telepono sa bulsa dahil nagba-vibrate iyon. Napasimangot siya ng makitang si Jane ang tumatawag sa kanya.
"Hindi ko na talaga uulitin ito, Jane. Sabihin mo na kay Red na hindi na ako sasama uli sa kanya. Ikaw na ang trumabaho nito," mahinang sabi niya sa kapatid habang naglalakad palabas ng simbahan.
"Bakit na naman? Ang dali-dali nga lang ng gagawin mo. Sasamahan mo lang si Red sa simbahan. Kailangan lang na makita kayo ni Nik ungas na laging magkasama para mas kapani-paniwala ang drama na magpapakasal talaga si Red." Tumatawang sabi ni Jane.
"Hindi nga lang kami nakita. Sinamahan pa kami dito sa simbahan tapos walang tigil ng pang-iinsulto sa akin ang gagong iyon." Simangot na simangot talaga ang mukha niya. "Kapal ng mukha. Pati bag ko, relos ko, damit ko napansin pa. Paano ko daw na-afford 'yun. Bakit kasi pinasuot mo 'tong mga 'to sa akin?"
"Talaga?" Lalong lumakas ang tawa ni Jane. "Siguradong tuwang-tuwa si Red at effective ang drama niya sa paborito niyang ungas na apo. Hindi na ako puwede na magsasasama pa kay Red. May exclusive client ako and ang gusto niya, huwag na akong kumuha ng ibang clients."
Kumunot ang noo ni Jade. "Exclusive? Kailan ka pa pumayag na exclusive ka sa isang client? Ayaw mo ng ganoon 'di ba?"
"Iba 'to, eh. Well, he's married but separated. Parang si Red. Gusto lang ng companion. Kausap. Gusto lang niyang lagi akong kasama at makinig sa mga reklamo niya sa buhay. He's paying good kaya hindi ko matanggihan. Kaya sige na. Ikaw na muna ang bahala kay Red. I'll be travelling to Macau tomorrow with this client." Puno ng pakiusap ang boses ng kapatid.
"Jane naman. Ipinasok mo ako sa ganitong problema tapos iiwan mo ako sa ere? Hindi ko trabaho 'to. May negosyo akong pinapatakbo." Reklamo niya dito.
"Hindi mo problema? Baka nakalimutan mo na 'yang si Nik ungas ang first time mo. Hindi kung sino lang si ungas sa buhay mo, Jade."
Napairap siya nang marinig iyon. "Gusto ko na ngang kalimutan iyon 'di ba?"
"Mukhang malabo 'yun. Sige na. Sandali na lang 'yan. Si Red naman ang bahala sa iyo. Sige na, ha? See you after two weeks."
"Two weeks? Jane! Two weeks kang sasama sa client mo?" Hindi siya makapaniwalang gagawin iyon ng kakambal. Kilala niya itong hindi nagtatagal sa isang kliyente.
"Told you, this one is special. Bye! Love you," bago pa siya makasagot ay wala na siyang narinig mula sa kapatid. Napahinga na lang siya ng malalim at ibinalik ang telepono sa bag.
Napailing na lang siya at naglakad palabas ng simbahan. Mag-iikot-ikot na lang muna siya paligid ng simbahan habang hinihintay si Red. Wala sa loob na napangiti siya. Maganda rin talaga dito. Napaka-nostalgic ng paligid. Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit sikat-sikat ang simbahan na ito sa mga nagpapakasal.
Papatawid na sana siya sa kabilang kalye ng may biglang humintong sasakyan sa harap niya. Nakilala niyang kotse iyon ni Nik at bumaba ito. Bago pa siya makapagsalita ay sapilitan na siyang isinakay nito sa sasakyan at mabilis na pinaandar paalis doon ang kotse
BINABASA MO ANG
BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)
Romance(PHYSICAL BOOK Now sold out) A bad night that could change their lives forever... Dahil sa pustahan ay napilitan na mag-roleplay si Nik. Baduy at nerd ang kailangan niyang i-pull off ngayong gabi at kailangang makakuha siya ng magandang babae na gan...