Chapter 6

3.7K 128 29
                                    

"Thank you dad for looking after Britt" ang malambing na sabi ni Autumn sa kanyang ama habang nakaupo sila sa may breakfast nook at umiinom ng kape. Simula ng naging lolo na ito at nagretiro sa pagiging PNP chief ay naging mas malapit na ang relasyon nilang mag-ama. They spend so much time together now, they make up for the years na naging malayo sila sa isa't isa, physically and emotionally.

At ngayon nga ay iiwan na naman niya ang kanyang isang anak sa daddy niya habang siya naman ay dadalhin si Brenna sa pedia nito para mabigyan na ito ng appropriate na gatas para sa anak at masanay na ito na mag bottle feed.

"Alam mo naman na gustong-gusto ko na magbantay ng mga apo ko", ang nakangiting sagot ng daddy niya pero biglang kumunot ang noo nito, senyales na may iniisip ito.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo Autumn na magtrabaho na ulit? Not that I'm against your decision alam ko na passion mo ang interior designing, but what about your kids? Pumayag na ba talaga si Ace?" ang sunud-sunod na tanong ng daddy niya.

Autumn sighed and smiled widely, "napag-usapan na po namin ito ni Ace dad, at pumayag na po siya na magtrabaho ako kapag ready na si Brenna, and I think she is, saka six months lang naman po ang set up, dahil ang nagpresinta na mag-aalaga sa kanila ay ang lola at mama ni Ace, with his papa of course" ang paliwanag ni Autumn.

"Naku mukhang mawawalan ako ng papel ah" ang nakakunot na noong tanong ng daddy niya.

"Of course not dad" ang giit ni Autumn at nginitian ang ama, "and like I've said six months lang sila rito for vacation. Then pagbalik nila sa France, saka naman ako ulit titigil sa pagtatrabaho, then ganun po ulit" ang paliwanag ni Autumn.

"Tell me honestly anak, naiinip ka na ba na mag-alaga ng mga bata?" ang usisa ng ama.

Mabilis na umiling si Autumn, "dad that would never happen, kahit mamatay ako sa pag-aalaga ng mga anak ko, its just that" tumigil si Autumn at napabuntong-hininga, naalala niya ang mga papuri ni Ace kay Selena sa pagiging magaling nito sa napiling career, she also wanted to have those achievements again in her life, "hanggat may opportunity po ako na maituloy ang career ko, gusto ko po sana na, igrab iyun, hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganung pagkakataon, and I'm very lucky to have all of you para tulungan ako na maituloy ko iyun by helping me with the kids dad" ang dugtong ni Autumn.

Nakita ng kanyang ama ang matinding kagustuhan niya, kaya ngumiti ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

"Naintindihan kita anak, and I will support you sa anumang desisyon mo na sa tingin mo ay makabubuti para sa iyo at para sa iyong mga anak, I'm not only at your back but I'll be your front guard as well" ang sagot ng kanyang daddy.

Isang ngiti ang isinagot ni Autumn sa kanyang daddy tumayo siya sa barstool at niyakap ang ama ng mahigpit. Mukhang ang daddy niya ang magiging kakampi niya sa mga panahon na ito. She wanted to confide on her dad, about her gut feelings, pero nahihiya siyang aminin sa ama ang insecurity niya.

"Kamusta naman ang lakad ninyo nung Sabado?" ang tanong ng kanyang daddy bago ito humigop ng kape.

Biglang natigilan si Autumn, at mukhang napansin ng daddy niya ang reservation niya.
"OK naman po dad, ahm, maganda po ang resort, maganda yung prospect na business partner, I mean she's beautiful yes, but also ahm, knowledgeable" ang pagtatama niya sa kanyang nasabi. Pero alam niya na hindi iyun nakalusot sa isang magaling na General.

"May problema ba Autumn?" ang alalang tanong ng daddy niya, and his stare could pierce inside her, she wanted to talk to someone about her gut feelings, maybe his dad was that person. He's intelligent and fair, naalala niya noong umalis siya sa condo noon, para layasan si Ace. Ang daddy niya ang nagsabi sa kanya na hindi kikilos si Ace nang ganun kung hindi siya nito mahal at pinahahalagahan. Maybe his dad could enlighten her.

The General's Daughter, The Accidental Groom Book 2 (completed) Self- PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon