Chapter 2

6.4K 136 23
                                    

Naging routine na ang buhay ni Summer, pagkaalis ng tatlong anak niya para ihatid ng kanyang daddy sa school ang dalawang little girls naman niya ang isusunod niyang asikasuhin.
    She'll gave them a morning baths, paglalaruin, then nap. Saka lang siya makakapag linis ng mga kwarto ng anak, habang nakasalang ang mga damit sa washer.
     Pagkagising ng mga anak ay saka naman siya magpeprepare ng pagkain para sa lunch, dahil half day lang naman ang mga anak niya.
    Then pagka uwi, at nakakain na ang mga bata, she always make sure that they will have their naptime, at pagkatapos ay saka naman niya itutupi ang mga nilabhan na damit. At maglilinis ng kitchen at salas.
    Pagkagising ng mga anak, ay gagawa na sila ng homeworks, then after that she'll prepare dinner for them. At yun naman ang time na pwede ng gawin ng mga anak ang gusto nilang gawin, either maglaro o manood sa TV.
    At sa gabi pagkatapos kumain, she'll make sure na nakapaglinis ng katawan ang mga anak, iisa-isahin niya ang mga ito sa kwarto, she'll hear their prayers, then tucked them to bed.
    Yan ang buhay niya, ang kanyang routine araw-araw, nababago lang ito every weekend dahil minsan ay umaalis silang mag-anak at may helper sila na nagpupunta sa bahay, na si manang Rose, ito rin ang kasama ng daddy niya sa bahay nito para mag-asikaso ng household. At dahil sa magaan lang naman ang gawain ni manang Rose sa bahay ng daddy niya ay every weekend ay nasa bahay naman nila ito, at may extra silang bayad para rito.

   
  
     Autumn looked at the pile of letters at invitations na naipon na nitong mga nakaraan na buwan. Napabuntong-hininga siya, she really wanted to go, kahit isa lang sa mga iyun, ang umaasang sabi ni Autumn sa sarili. She wanted to talk to Ace, at umaasa siyang papayag na ito this time.
     Maya-maya pa ay narinig na niya ang automatic gates na bumukas. Dumating na si Ace, agad siyang tumayo para salubungin ito. A
     “Where are my kids?” ang bungad na tanong ni Ace kaya Autumn pagkatapos niyang halikan ito sa labi, pagpasok sa loob ng bahay. Kauuwi lang niya galing sa isang business meeting.
      “Tulog na ang mga anak mo hindi ka na nahintay, it’s already eleven in the evening” ang sagot ni Autumn, pero di niya tinanong kung bakit late na itong umuwi at kung sino ang kasama nito. Ayaw niyang maging nagger, pero nanibago kasi siya dahil ngayon lang ito ulit late na umuwi at hindi nagpasabi kung saan pupunta.
      “I’m sorry kung late na ako umuwi, galing kasi ako sa isang business meeting” ang masayang sagot ni Ace, excited na siya na ikwento ang bagong negosyo na nasa isip niya.
     “Nag dinner ka na ba?” ang tanong ni Autumn habang pinagmamasdan si Ace, may kakaiba kasing tuwa ito sa mukha.
     “Ah oo, nag dinner na ako kasama yung kausap ko, I’ll have some coffee na lang” ang sagot ni Ace.
     “I’ve already brewed some, saan ko dadalhin?” ang tanong ni Autumn.
     “Sa kusina na lang doon na rin tayo mag-usap” ang sagot ni Ace sabay akbay kay Autumn at naglakad na sila patungo sa kusina.
     Naupo si Ace sa breakfast nook habang siya naman ay nagsalin ng kape sa dalawang mug, saka siya lumapit at inilapag ang kape ni Ace sa nook sa harapan nito at siya naman ay naupo rin sa tabi ng asawa.
     “How’s the kids?” ang tanong ni Ace sabay higop ng kape.
     Napabuntong-hininga si Autumn pero hindi dahil sa pagod, kundi sa satisfaction na nadarama, “Brooke as always, ipinagyabang ang marami niyang stars sa kamay at pinagalitan si Braxton dahil naiwan nito ang toy car sa kusina kanina, baka raw maisubo ni Britt” ang kwento ni Autumn.
     Napailing si Ace na may ngiti sa labi, “talagang magiging General yang anak mo na iyan” ang natatawang sabi ni Ace.
     “Ikaw? How’s your day?” ang balik tanong ni Autumn sa asawa.
     “Oh about that, may nakausap ako na isang future business partner, nakilala ko siya sa isang event, and she’s into resorts and restos” ang excited na sagot ni Ace.
     “Really? Kasama rin ba si Deven sa business venture na iyan?” ang interisadong tanong ni Autumn while she looked at her husbands excited face.
     “Ah, hindi Autumn, ito ang unang business venture ko sa labas ng Duoint-O’Shea corporation” ang sagot ni Ace, “tutal mahilig din naman tayo mag out of town, maganda yung may sarili tayong resort at restaurant na pwede nating tuluyan at pagkakitaan na rin, and Miss Carbonell was already having a chain of resorts and gusto niyang mag expand kaya naghahanap siya ng business partner, and I’m really interested” ang sagot ni Ace.
    Autumn was so proud of Ace, malaki ang nawalang pera rito noon, nang gamitin nito na pambayad sa kidnapping niya para magka ayos sila, at mabilis naman itong nakabawi, and now he’s spreading his wings by venturing into something new, ang proud na sabi ni Autumn sa sarili.
    “I’m so happy for you Ace” ang masayang sagot ni Autumn.
    “I’m doing this for us babe” ang sagot ni Ace sabay haplos sa kanyang pisngi, “oo nga pala pwede mo bang iwan muna kina chief ang mga anak natin?” ang tanong ni Ace.
    “Alam mong hindi tatanggi si daddy pero bakit?” ang interisadong tanong ni Autumn, are they going to have a date? Hindi na sila ulit makapag date ng sila lang na dalawa.
    “Ahm, pupunta tayo sa isang resort na pagmamay-ari ni Miss Carbonell, they would be having a lunch party, and she invited us, sa may Batangas” ang sagot ni Ace.
    Parang nanlumo si Autumn, she really wanted for them to spend some alone time together, silang dalawa lang, she wanted to go out with him, hindi kailangan na sa malayo kahit sa metro lang basta silang dalawa lang kahit pa isang oras lang.
     Pero, importante ito kay Ace, “ikaw na lang kaya” ang sagot niya na may pag-aalangan.
     “But she invited the two of us” ang giit ni Ace.
     “Ace masyadong malayo, paano si Brenna, hindi ba kaya nga ayaw mo akong magtrabaho dahil ayaw mong maiiwan ko sa bahay ang baby natin” ang pagpapaalala ni Autumn.
     Ace sighed, “then you should bring Brenna with us, casual lang daw ang party, lunch lang by the pool, so pwede natin isama si Brenna, you should bring your swimsuit with you” ang suggestion ni Ace.
    “What? Why?” ang tila gulat na sagot ni Autumn.
    “Para makapag swimming ka na rin kayo ni Brenna” ang giit ni Ace.
    “O-OK” ang tangi niyang naisagot.
    “Now, you knew about my day, how about yours?” ang interisadong tanong ni Ace sa kanya at hinawakan pa nito ang kanyang kamay.
    Autumn sighed, gusto niya talagang makausap na si Ace tungkol dito, kaya, inisip niya ng husto kung papaano mapapapayag ang asawa.
     “Ace nakatanggap na naman ako ng invitations mula sa iba’t ibang events and seminars, matagal na akong nagdedecline, maybe this time, can I go now? And I really wanted to go back to work” ang mabilis niyang sabi.
    Nakita niyang nabura ang ngiti sa mga labi ni Ace, “was this because of Brooke’s statement this morning about you just being a mom?” ang usisa ni Ace.
    “No! No of course not! Alam mo naman na noon pa gusto ko ng bumalik sa pagtatrabaho, and one year lang ako nakapag trabaho ulit dahil sa nabuntis ako” ang sagot ni Autumn.
    “Nagsisisi ka ba at nabuntis ka?” ang galit na tanong ni Ace.
    Umiling si Autumn, “of course not” ang mariin niyang sagot, “its just that I missed working” ang giit niya.
    “Pero paano si Brenna? Maliit pa si Brenna at Britt, iiwan mo na lang sila?” ang giit ni Ace.
    “Hindi pa naman ako babalik agad for now, na maliit pa si Brenna, maybe kapag five months na siya ay pwede na tayong kumuha ng nanny, or si Lola Olivia na lang, she was willing to spend six months here, then after that magpapahinga ako ng six months para mag-alaga sa mga bata” ang pagpapaliwanag ni Autumn.
     Sandaling tumahimik si Ace, tila ba pinag aaralan ang kanyang sinabi, then tumangu-tango ito, “you’ll start if Brenna’s ready” ang giit ni Ace.
    “Of course!” ang mabilis na sagot ni Autumn at niyakap niya ng mahigpit ang asawa, “thank you Ace” ang sagot ni Autumn.
     “Pwera na lang kung mabubuntis ka na naman” ang biglang sabi ni Ace sa kanya.
     “Ace, I think I should take something, tutal ayaw mo ng gumamit ng condom” ang giit ni Autumn.
     “Pero nagpapabreast feed ka pa, saka, baka may side effects yan sa katawan mo” ang alalang sabi ni Ace.
     “Of course I’ll religiously consult my OB, and tulad nga ng sinabi ko, kapag ready na si Brenna na mag bottle feeding kapag iiwan ko siya, then saka na ako magpipills” ang sagot ni Autumn. Hindi na sumagot pa si Ace at napabuntong-hininga na lang.
     “Now, how do you want to spend the night?” ang nakangiting tanong ni Autumn kay Ace, at isang pilyong ngiti ang dahan-dahang gumuhit sa pisngi ni Ace at agad niyang binuhat si Autumn patungo sa kanilang kwarto.

      “I’m so worried about them” ang sambit ni Autumn, kay Ace. Sakay sila ng AUV at bumibiyahe patungo sa nasabing resort sa Batangas.
     “Why?” ang takang tanong ni Ace sa kanya at saglit siyang sinulyapan nito, tumingin din ito sa rearview mirror para tingnan ang natutulog na anak sa child’s carseat, na nasa backseat ng kotse.
     “Alam mong hindi pabaya ang daddy mo Autumn, mukhang bumabawi nga ito sa mga apo niya, yung mga hindi niya nagawa sa iyo noon sa mga apo niya ibinubuhos” ang nakangiting sagot ni Ace.
     “That’s why I’m worried about them, baka ang authoritative mong anak na si Brooke, pagdating natin ay mala Hitler na” ang sagot ni Autumn.
     Napailing na lang si Ace at bahagyang natawa, saka muling itinuon ang atensyon nito sa daan.
     “You know you’re going to love her” ang biglang sabi ni Ace.
     Kumunot ang noo ni Autumn, “who?” ang takang tanong niya.
     “Selena, Selena Carbonell, she’s wow! She’s very knowledgeable, smart, and pretty, masarap siyang kausap at marami kang matututunan sa kanya sa business” ang humahangang sabi ni Ace.
     Isang ngiti lang ang naisagot ni Autumn, bakit parang hindi gumanda ang pakiramdam niya. Dahil ba sa papuri ni Ace sa ibang babae? No, hindi siya dapat mag-isip ng kung ano. Business lang ang lahat
      But still something was gnawing inside of her, parang biglang hinalukay ang kanyang laman loob. She had felt it before, noon, bago ang pangyayari sa condo. Napabuntong-hininga si Autumn, baka nagiging paranoid lang siya, everything’s going to be alright. Mas lalo na at napapayag na niya si Ace na makapag trabaho ulit.
     Halos isang oras pa ang iginugol nila na biyahe bago narating ang resort na pagmamay-ari raw ni Miss Carbonell. Ace parked his SUV.
     Napansin ni Autumn ang isang magandang babe na lumabas mula sa main entrance ng resort. Tumayo ito at tila ba naghihintay sa kanila.
     “There she is Autumn, si Selene Carbonell” ang masayang sabi ni Ace, at pagkapark ng sasakyan ay mabilis na lumabas ng sasakyan si Ace. Akala ni Autumn na pagbubuksan siya ni Ace ng pinto ng kotse, pero kumunot ang noo niya ng mabilis itong lumapit sa babaeng naghihintay.
      Nakita niyang nagbeso pa ang dalawa, at again, naramdaman na naman niya ang gnawing feeling sa kanyang kalooban. Its like her intuition was waving a red flag on her. Stop it Autumn, huwag kang paranoid, ang sabi ng kanyang isipan.
     Mukhang nakalimutan na yata siya ng asawa dahil sa naging abala na ito sa pakikipag usap sa magandang babae na kitang – kita ang kaseksihan nito sa suot na dress na may very low neckline. Obviously, Ace was having a generous view, of her generous boobs, ang sabi ni Autumn sa sarili.
     Autumn gritted her teeth, at lumabas siya ng sa sasakyan, binuksan niya ang backseat at kinuha niya si Brenna mula sa baby carseat nito sabay dampot na rin niya ng diaper bag. At dun lang yata siya napansin ng asawa. Agad siyang binalikan ni Ace.
     “Oh, babe let me carry that for you” ang sabi ni Ace sa kanya sabay kuha ng diaper bag sa kanyang balikat. Kinuha rin nito ang dala nilang overnight bag na nasa likod ng sasakyan.
     Hindi sumagot si Autumn, she’s definitely not going to like this day. Hindi niya alam, pero sinimulan na rin kasi ni Ace na bwisitin siya.
    “I’m sorry, na excite lang ako” ang paghingi nito ng sorry sa kanya peor hindi na siya sumagot, at she tried to understand him, baka nga sa sobrang excitement nito sa new business ay nagiging makalimutin na ito sa kanya.
      Habang bitbit niya si Brenna at akbay naman siya ni Ace, naglakad sila papalapit sa babaeng hanggang magkabilang dulo ng tenga ang pagkakangiti at nakatayo na hinihintay sila makalapit.
     “Oh Selena, meet my wife, Autumn ang my youngest child Brenna, babe, meet my future business partner, Selene Carbonell” ang pagpapakilala ni Ace sa kanilang dalawa.
     “Hi!” ang masayang bati nito sa kanya, it was too happy, based on her observation, and she learned something from her daddy about it, ang sabi niya sa sarili. Talaga ba na iba ang ipinapakita nito sa kanya? Or maybe she felt paranoid because, for the first time, since she got married and gave birth to her five children, she felt insecure.
     Lumapit ito sa kanya, at medyo maliit ito kumpara sa taas niyang 5’9, hinalikan siya nito sa pisngi sabay haplos sa pisngi ni Brenna na gising na ng mga sandaling iyun.
     “Oh she’s so cute! Sana makahanap na rin ako ng lalaki na bibigyan ako ng ganyang anak” ang nakangiting sabi nito habang nakatingin kay Ace.
     Kailangan na ba niyang itaas ang red flag? No, wag kang paranoid Autumn, she’s just being friendly at walang double entendre ang sinabi nito.
     She’s so beautiful though, para siyang Brazilian models ng Victoria’s Secret, ang ang sabi ni Autumn sa sarili.
     “C’mon I’ll show you to your room, let me carry that for you” ang mabait pang offer nito sa kanya para buhatin ang baby carrier ni Brenna na hawak ng isang kamay niya.
     “Oh no, no, that’s not necessary” ang pagtanggi niya rito.
     “Oh its OK, insist, guest ko kayo rito, saka magaan lang naman iyan” ang sabi pa nito sa kanya at kinuha na nga nito ang carrier sa kanyang kamay. Napasulyap siya kay Ace at kita niya sa mga mata nito ang lubos na paghanga sa babaeng si Selena Carbonell.
    

The General's Daughter, The Accidental Groom Book 2 (completed) Self- PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon