Chapter 36

4.6K 148 53
                                    

"What is it this time Ace?" ang tanong ni Lyndon sa kanya, habang pinagmamasdan nito ang lata ng beer na hawak niya ng mga sandaling iyun.
     "Wala...na.. Ba.. Akong.. Karapatan na imbitahan ang pinakamalapit kong pinsan?" ang tanong ni Ace kay Lyndon ka nakatayo pa rin sa mga tabi ng lamesa.
     Napabuntong-hininga si Lyndon at naupo sa isang side ng sofa, dumampot ito ng isang beer at binuksan ang lata, saka tinungga ang laman.
    "You look like shit" ang sabi ni Lyndon sa kanya.
    He laughed without humour, "I feel like shit too" ang sagot niya.
    "Bakit, naglalasing ka na naman? Ano na naman ang nangyari sa iyo" ang tanong ni Lyndon na pinagmasdan ang pinsan na dahil sa maling choices ay naging miserable ang buhay. Huh, gaya niya, magaling lang siya, magdala, ang sabi ni Lyndon sa sarili.
     "Bakit, sa tingin mo ba ay may problema na naman ako? Huh, I'm celebrating" ang sagot ni Ace na tumawa pa ng malakas.
    Kumunot ang noo ni Lyndon at napabuntong-hininga at pinagmasdan ang pinsan
    "Ano naman ang isini celebrate mo Ace? Ang business ninyo ni Selena?"
    "Yup, dahil sa nag withdraw na ako sa partnership" ang sagot ni Ace kay Lyndon na nagulat sa kanyang sinabi.
    "Are you serious? Well, that's good, pero, paano ka naka withdraw sa partnership, it would take years of litigation, before you divorced yourself in partnership?" ang takang tanong ni Ace.
    "Negotiating settlement" ang sagot ni Ace sabay kuha na naman ng isa pang lata ng beer binuksan niya ito at muling tinungga ang laman.
    "Then, what was her demands?" ang tanong ni Lyndon habang pinagmamasdan siya.
    "The whole business, she asked for the whole business" ang sagot ni Ace.
    "Did you gave her, her demands?" ang tanong ni Lyndon na nakaramdam ng awa sa pinsan.
    Umiling si Ace, "no not yet maybe tomorrow" ang sagot ni Ace.
    "If you needed the funds I can lend you Ace" ang offer ni Lyndon.
    Umiling si Ace, "Hindi mo ako kayang tulungan Lyndon" ang sagot ni Ace.
    "Why?" ang takang tanong ni Lyndon at kumunot pa ang noo nito.
    "Because she's also asking for a whole week, with me" ang sagot ni Ace, na ikinagulat ng husto ni Lyndon.
    "You can't be serious" ang giit ni Lyndon.
    "Ha ha ha, just think, I'm going to be a sex slave for a week!" ang sigaw ni Ace.
    "Don't do this Ace, masasaktan mo lalo si Autumn" ang giit ni Lyndon.
    Biglang lumuha si Ace, "gagawin ko ito para sa kanya, gagawin ko ito kahit babuyin ako ng isang linggo para lang kay Autumn, para hindi niya ako iwan at sumama kay Demitri sa New York" ang umiiyak na sabi ni Ace.
    "What? Walang nabanggit sa akin si Autumn tungkol dito" ang sagot ni Lyndon.
    "Kinausap na niya ako Lyndon, tinanong niya ako kung, wala na ang partnership namin ni Selena, pero, nang mga sandaling iyun, ay hindi pa ako pumapayag sa demand nito, kaya sumagot ako na hindi pa"
    "Then, she told me she's going to New York with Demitri" ang dugtong pa ni Ace.
    "I'm desperate, wala na akong ibang paraan para makawala sa demands ni Selena, kundi ibigay ang gusto nito, kaya, bukas na bukas din, ay mag papakaputa ako para lang makawala sa kuko ng babaeng iyun"ang galit na sabi ni Ace.
    "I know, I deserve this dahil sa kinausap na ninyo ako, pero hindi ako nakinig, I just hoped na sana, kahit sa ganitong paraan ay hindi umalis si Autumn, dahil, mababaliw na ako ng tuluyan!"
    "Ace, Ace! Listen to me, huwag ka munang magpunta may Selena, please, nakikiusap ako sa iyo" ang giit ni Lyndon.
    "Wala na akong oras Lyndon, kailangan ko ng ibigay ang demands niya para makawala ako sa kontrata" ang sagot ni Ace.
    "Goddammit! I said, maghintay ka! Maghahanap tayo ng ibang paraan!" ang galit na sagot ni Lyndon at nag iisip na siya kung paano matutulungan ang pinsan.
    "Dito ka lang! Wag kang aalis" ang bilin ni Lyndon, tumayo na siya at akmang lalabas na. Pero, wala siyang tiwala sa pinsan niya. Baka kasi biglang umalis ito at gumawa ito ng desisyon na mas lalong ikalala ng sitwasyon.
    Paano niya ito maiiwan, kailangan niya munang tawagan si Autumn. Ang sabi niya sa sarili. He dialled Autumn's number.
    "Cmon please answer it Autumn" ang sambit niya sa sarili at hindi na siya mapakali, habang naglalakad siya paroon at parito.
   "Lyndon?" ang sabi ni Autumn sa kabilang linya.
   "Autumn, can I see you? Now?" ang tanong ni Lyndon.
   "Wait Lyndon" ang sagot ni Autumn, at narinig niya ang malakas na iyak ni Brooke sa kabilang linya at ang pagmamakaawa nito. Nang marinig iyun ni Lyndon ay kumirot ang puso niya.
    "I'm sorry Lyndon, hindi ko maiwan si Brooke" ang sagot ni Autumn and she sounded exhausted.
    "Naintindihan ko, ako na lang ang pupunta diyan ngayon Autumn, please, hintayin mo ako, kailangan kitang makausap!" ang mariing sabi ni Lyndon.
    "Okey, hihintayin kita" ang sagot ni Autumn sa kanya bago naputol ang kanilang usapan. Ang problema na lang niya si Ace. Kailangan na may magbantay dito, at baka bigla itong umalis at puntahan si Selena at isuko ng tuluyan ang Bataan.
    Pero sino? Sino? "think Lyndon, think!" ang malakas na sabi niya sa sarili at biglang nagliwanag ang mukha ni Lyndon. Kinuha niya muli ang phone para tumawag.
    "Trace?"

The General's Daughter, The Accidental Groom Book 2 (completed) Self- PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon