Chapter 8

3.3K 122 16
                                    

“May problema ba sa inyo ni Ace ngayon Autumn? Huwag mo sanang masamain ang tanong ko” ang mabilis na dugtong nito and he raised his hand palms out to her, “its just that, kung nambababae yang gago ko na pinsan, ay hayaan mo akong puntahan ng dalawang yun, at” napabunting-hininga ito, “God! Nag-init pati ang tenga ko kanina ng makita ko yung dalawa” ang galit na sabi ni Lyndon.
     They were seated on a table for two, facing each other sa isang coffee shop sa labas ng mall. They already ordered coffee bago nagsalita si Lyndon para tanungin siya.
     Umiling siya at malungkot na ngiti ang unti-unti na gumuhit sa kanyang pisngi, “ahm, tulad ng sinabi ko kanina, siya so Selena Carbonell, hindi ko alam kung paano o saan sila magkakilala pero, o already met her personally nang ipakilala siya sa akin ni Ace bilang bagong business partner nito” ang paliwanag niya.
     “And you believed him” ang sagot ni Lyndon, and it was not said as a question but as a statement.
     “Of course, may – may tiwala naman ako kay Ace na hanggang doon lang ang relasyon nito Kay Selena” ang sagot niya na may bahid ng kasinungalingan dahil sa pinag isipan na rin naman niya ng pagdududa ang asawa.
     Napabuntong-hininga si Lyndon, “if you put it that way, anong business naman ang papasukin ni Ace?” ang interisado na tanong ni Lyndon, bago nito iniangat ang tasa ng cappuccino at hinigop ang mainit na kape.
     “Ahm, resorts, yung may hotel and pools by the sea” ang sagot ni Autumn before she daintily sipped her cup of flat white.
     Lyndon was startled at kumunot ang noo nito and his blue eyes squinted, “resorts? Why?”-
    “Gusto niya kasi na kapag nagtatravel kaming pamilya ay may pwede na rin kaming tuluyan, kaya business and leisure in one na raw ang magiging negosyo niya, with Selena as a partner” ang sagot ni Autumn.
    Umiling si Lyndon na tila ba hindi makapaniwala sa narinig, “I know what you meant but” he snorted, “kung gusto niya pala ang ganoong na klase na business, he could have asked me at ang dami kong kakilala na nasa ganung business, like yung kaibigan ko na si Drake Birmingham, ng Birmingham Hotels, or, he already have YOU, you know the ins and outs of the business dahil na rin sa mga nakatrabaho mo, bakit hindi ikaw ang nilapitan niya, it could have been a pure family business at wala siyang magiging problema, of course, iba naman ang situation nila ni Deven, dahil matagal ng kaibigan ng pamilya ang mga O’ Shea, but, sino nga ulit yung babae?” ang usisa ni Lyndon.
     “Selena, Selena Carbonell, she’s a Brazilian, and she’s very pretty” ang mariing sabi ni Autumn na namilog pa ang mata niya sa likod ng kanyang salamin.
    Hindi napigilan ni Lyndon ang bahagyang matawa, “I doubt na may mas gaganda pa sa iyo” ang sagot nito sa kanya na may malapad na ngiti sa labi.
    “Thank you, kaya love na love kita eh” ang nakangiting sagot ni Autumn kay Lyndon na isang matalik niya na kaibigan. She could be herself with him, he’s one of a few na nasasabi niya ang mga saloobin niya.
    “Yun na nga ang masakit, kaibigan lang turing mo sa akin, bakit kasi nauna si Ace na makilala ka?” ang biro nito sa kanya at hinawakan pa nito ang kanyang kamay at hinalikan ang makinis na balat ng kanyang kamay.
     “Kunwari ka pa, alam ko na hindi ako ang type mo” ang natatawang sagot ni Autumn sabay hila sa kanyang kamay na tila ba nasaktan siya sa sinabi ni Lyndon at kumunot ang kanyang noo at ngumuso.
     Isang ngiti na lang ang isinagot sa kanya ni Lyndon at kinindatan siya nito bago muling hinigop ang kape.
     She really enjoyed this day, kahit pa ang pagkakita niya kina Ace at Selena ay nagdulot ng sakit sa kanya ay natakpan naman ito kahit panandalian lang ng masayang company ni Lyndon. She misses going out, ni hindi na nga rin sila masyadong nakapag bonding ni Rain na buntis na rin para sa pangatlong anak nila ni Deven, and it was a girl this time, after having two boys. At dahil medyo maselan ang pagbubuntis ni Rain ngayon, kaya hindi ito masyadong naglalalabas.
     Kaya naman na miss niya ng sobra ang company ng isang adult na pwede niyang kausapin at makipag tawanan.
     “Kailan ko ba siya makikilala Lyndon?” ang mahinang tanong niya while she held the cup of coffee in her hand while she swirled the remaining contents of her coffee.
     Lyndon sighed, “its... tsk... complicated” ang mahinang sagot ni Lyndon while he too looked at his cup.
     “How complicated?” ang mariin pero malambing pa rin na tanong niya sa matalik na kaibigan.
    “VERY complicated” ang may diin nitong sagot na may malungkot na ngiti sa mga labi nito.
    Hinawakan ni Autumn ang kamay ng kaibigan, “I want to see you happy Lyndon, yung genuinely happy” ang sabi niya sa kaibigan.
    “Thank you, anyway, back to this Carbonell, you know, her name does sounds a bell, hindi ko lang alam kung saan o kanino ko narinig ang pangalan nito” ang kunot noong sabi ni Lyndon who’s trying to figure out kung saan nga ba nito narinig ang pangalan ng babae.
     “Baka sa mga kaibigan mo” ang saad niya, “or sa isang event that you attended? Oh speaking of event, you won’t believe it” ang excited na sabi niya kay Lyndon, na napataas ang dalawang kilay sa mga mata nito dahil sa ipinakita niyang excitement. He face wore that amused eyes and smile, na lalong nagpagwapo sa British na mukha nito.
     “What is it?” ang masayang tanong nito sa kanya.
     “I finally received my ultimate invitation” ang masayang sagot niya, her eyes twinkling, she planned to tell Ace first, pero dahil sa naging reaction nito noong isang gabi ay hindi na niya ito nasabi. Kaya ang excitement na nadama at enthusiasm na dapat ay si Ace ang unang nakakita ay kay Lyndon niya nailabas. Kitang-kita sa mukha niya ang tuwa ng mga sandaling iyun kaya hindi napigilan ni Lyndon na mapangiti rin ng malapad.
     “The international expo this 2020?” ang umaasang tanong ni Lyndon sa kanya.
     “Uh-huh” ang sambit niya kasabay ng mabilis na pagtaas-baba ng kanyang ulo.
     “Talaga! I’m so happy for you Autumn, ang tagal mo ng hinintay ito, and I’m also invited” ang masayang sagot ni Lyndon.
     “Really?” ang gulat na sagot ni Autumn.
     “Next month na yun diba? What did Ace said?” ang masayang tanong nito sa kanya, ngunit napansin nito na nawala ang kanyang ngiti sa mga labi, kaya kumunot ang noo nito.
     “What did he say Autumn?” ang usisa ni Lyndon sa kanya.
    Tumikom sandali ang kanyang bibig, saka siya napabuntong-hininga, “hindi.. hindi ko pa nasabi sa kanya” ang nanlulumong pag-amin niya kay Lyndon at saka niya ikinuwento ang naging usapan nila tungkol sa pagbabalik niya sana sa trabaho at ang naging reaksyon nito noong isang gabi.
    Halata sa mukha ni Lyndon ang inis at galit, at tumikom ang mga kamay nito na nakapatong sa lamesa. Na tila ba gustong manuntok nito ng mga sandaling iyun. His beautiful lips turned into a straight line.
    “He’s stupid! That jerk!” ang galit na sabi ni Lyndon na halatang nagtitimpi ng galit para sa pinsan.
     “I’m going to talk to him” ang galit na sagot nito at akmang tatayo na ito sa upuan kaya nagulat si Autumn at hinawakan sa braso si Lyndon para pigilan ito at hilahin pabalik sa kinauupuan nito.
     “Lyndon please, huwag na, I’ll try to talk to him again” ang pakiusap niya.
    Lyndon hesitantly took his seat again, and he looked at her worried face. Kunot ang kanyang noo na may pag-alaala sa kanyang mga mata, kaya nang makita iyun ni Lyndon ay napabuntong-hininga na lang ito, at sandaling kinagat ang mga labi.
    “Autumn if you need my help, if you want me to talk some sense into Ace’s brain, lapitan mo lang ako, you can text or call me anytime and I’ll come running and I’m gonna punch that stupid cousin of mine” ang mariing sabi sa kanya ni Lyndon.
    She was really touched with Lyndon’s show of great concern for her kaya hindi niya mapigilan ang mapangiti.
    “I will thank you” ang sagot niya.

The General's Daughter, The Accidental Groom Book 2 (completed) Self- PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon