Chapter 39

6.8K 178 52
                                    

Inihatid na siya ni Trace sa harapan ng kanilang bahay, lumabas siya ng sasakyan ni Trace at ganun rin ito. Medyo late na ng makabalik sila sa Maynila.
     Naglakad na sila papalapit ng gate ng bahay, at tumayo sina Autumn at Trace sa harapan nito. She faced Trace na nakatayo sa likuran niya.
    "Trace, pasok ka muna sa loob?" ang yaya ni Autumn kay Trace na hindi man lang nakitaan ng pagod sa kabila ng mga ginawa nila kanina.
    "Hindi na po ma'am, may pupuntahan pa kayo hindi ba?" ang sagot ni Trace sa kanya.
    Tumangu-tango si Autumn, "oo nga pala, yung pangalan ni Ace na nagpabooked ng beach hut, baka kapag nawala si Selena, siguradong si Ace ang magiging suspect" ang alalang sabi ni Autumn.
    Umiling si Trace, "ma'am nakalimutan kong sabihin sa inyo, na hinanap ko po ang resort na pagmamay-ari ni Mrs. Lacsamana, at ang pinuntahan po natin kanina ay resort na pag-aari ni ma'am Eva, kaya, malilinis po ang pangalan ni sir Ace" ang sagot ni Trace.
    "Ipanalangin na lang natin na walang maghahanap kay Selena, ayokong masama ang pangalan ni Ace sa mga magiging suspect sa pagkawala nito" ang sagot ni Autumn.
    "Kayo pa ba ma'am? Eh well orchestrated ang plano ninyo, kaso, kanina parang hindi kayo anak ng general" ang nangingiting sabi ni Trace sa kanya.
    Isang ngiti rin ang gumuhit sa mga labi niya, kasunod ng pagkunot ng kanyang noo.
   "Talaga? And what am I then, am I a daughter of what?" ang interisadong tanong niya kay Trace habang nakatayo sila at nakatingala si Autumn rito.
    "Hmmm, para po kayong anak ng godfather ng isang mafia" ang nakangiting sagot ni Trace at napakamot ito ng ulo.
    Isang mahinang tawa ang lumabas sa mga labi ni Autumn, at bigla niyang niyakap si Trace na nagulat sa kanyang ginawa. Napataas ang mga kamay nito at nanlaki ang mga mata. Maya-maya ay isang ngiti na ang gumuhit sa mga labi nito at unti-unting bumaba ang mga braso nito sa likod ni Autumn para marahan siyang yakapin.
   "Thank you Trace, kung hindi dahil sa iyo, baka tuluyan ng lumubog si Ace at hindi ko na siya magawa pang iahon" ang mahinang sabi ni Autumn habang nakalapat ang isa niyang pisngi sa dibdib nito.
    "Walang anuman iyun" ang mahinang sagot ni Trace.
    "Napaka swerte ng babaeng mapapaibig mo Trace, dahil gagawin mo ang lahat para maprotektahan mo siya" ang mahinang sabi niya rito.
    Natigilan si Trace sa kanyang sinabi at isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito pero bigla itong nagulat ng kumawala si Autumn sa pagkakayakap at mabilis siyang hinalikan ni Autumn sa kanyang pisngi.
    Namula ang pisngi ni Trace, at nilinaw niya ang kanyang lalamunan, "Sige po ma'am, ahm, uuwi na po ako, goodluck po sa lakad ninyo" ang nahihiyang sabi nito kay Autumn at tumango pa ito bago tumalikod at naglakad pabalik sa sasakyan nito.
   Pinagmasdan ni Autumn ang papaalis na sasakyan ni Trace, at nang hindi na niya ito matanaw ay agad siyang pumasok sa loob ng gate at sa loob ng kanilang bahay.

   
    Pagpasok ni Autumn sa loob ng bahay ay hindi na siya nagulat ng makita ang kanyang daddy na naghihintay sa kanya sa loob. Nakaupo ito sa may sofa, at nagbabasa ng libro.
    Nagtama ang kanilang mga mata, at tumayo ito para salubungin siya, at pumaloob siya sa mahigpit na yakap nito.
    "How did it go?" ang mahinang tanong ng kanyang daddy sa kanya habang magkayakap sila sa may salas.
    "It's over dad" ang sagot ni Autumn at hindi niya napigilan ang lumuha. Ang labis na emosyon na naramdaman niya nitong nakaraan na dalawang araw, took its toll on her, at ngayon niya nailabas lahat ng naipon na emosyon niya. Lungkot, excitement, kaba, galit, at tuwa.
    Hinayaan lang siya ng daddy niya na lumuha at mailabas niya ang lahat ng naghalo-halo niyang nararamdaman. Habang patuloy lang na hinaplos nito ang kanyang ulo at buhok.
     Nang mahimasmasan na siya ay marahan inilayo niya ang kanyang mukha sa dibdib ng ama at nakita niya ang marka ng kanyang luha sa shirt nito.
    Marahan siyang natawa, "dad, I ruined your shirt" ang mahinang sabi niya.
    Umiling ito, "pwede naman iyang labhan, now, it's getting late, hindi ba at may lakad ka pa?" ang paalala ng daddy niya sa kanya.
    Ngumiti si Autumn at tumangu-tango, "dad, pwede ko bang iwan muna sa iyo ang mga bata?" ang tanong niya sa ama at namula ang kanyang pisngi.
   Hinalikan siya ng kanyang daddy sa kanyang noo, "take all the time you need, masyado matagal na kayong nagkalayo, hayaan mo ang mga bata sa akin" ang sagot ng kanyang daddy. At niyakap niya itong muli.
   

The General's Daughter, The Accidental Groom Book 2 (completed) Self- PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon