Chapter 25

4.4K 138 47
                                    

"Mommy! Mommy!" ang masayang bati ng mga bata kay Autumn, nang pumasok na ito sa loob ng bahay. Galing lang ang mga ito sa eskwela at kasusundo lang ng lolo ng mga ito.
     Isang malapad na mga ngiti at mahigpit na mga yakap at halik ang isinalubong niya sa mga anak, she inhaled deeply, trying to smell their sweet scents.
     "Are you guys already hungry?" ang nakangiting tanong niya sa mga anak.
     "Yeah mommy, we missed your cooking, can we have spaghetti with meatballs?" ang umaasang tanong ni Braxton.
    Autumn smiled on her son, "of course, but later, you have to eat rice and vegetables first for lunch" ang sagot ni Autumn.
    "Vegetables?!" Brooklyn whined, at bumagsak pa ang mga balikat nito.
    Natawa Si Autumn at hinalikan sa ulo ang anak, "yessss vegetables" ang nakangiting sagot niya, "then you can have ice cream for dessert" ang bulong niya rito.
    Nanlaki ang mga mata ni Brooklyn, "wow! Thanks mom, you're the best mommy!" ang masayang sabi nito bago ito tumakbo.
    Tumaba ang kanyang puso sa narinig, halos ilang linggo na rin a ng nakaraan mula ng lumabas siya ng kanyang silid, at sinimulang maging inang muli sa mga anak niya.
    Nalaman din niya na kinuha na ng kanyang daddy ang lahat ng kanyang mga gamit sa bahay ni Ace at hinayaan niya muna ang mga iyon sa kanilang bodega sa may likod bahay.
    Ayaw niya munang buksan any mga bagay na may kinalaman at may kaugnayan sa dati niyang buhay kay Ace.
    Si Ace naman ay sinusundo pa rin a ng mga bata sa umaga, pero sa gabi ay dadaan lang ito para kamustahin ang mga anak sandali at aalis na. Tuwing Sabado o Linggo ay sinusundo naman ni Ace ang mga bata, para mag spend ng oras sa mga ito.
    Hindi niya pa ito nagawang silipin man lang sa tuwing pupunta ito sa kanila para sunduin ang mga bata. Alam niya na gusto siyang makausap nito dahil sa sinabi na rin ng kanyang daddy at Lyndon, sa tuwing dumadalaw ito sa kanila. Pero, hindi pa siya handa na makaharap, mas lalo na, na makausap ang dating asawa.
     Pero hindi iyun pwedeng mangyari habambuhay at alam niya iyun.
     "Mommy?" ang tanong ni Brooke nang hapon na iyun, kasalukuyan silang nakaupo sa likod bahay at doon sila kumakain ng ipinangako niyang spaghetti sa mga anak.
    "Yes? Honey?" ang sagot na tanong niya sa panganay na anak, habang abala siya ng pagsubo ng spaghetti kay Britt.
     "Can dad go here?" ang sagot na tanong nito sa kanya.
     Nabigla siya sa itinanong ng panganay na anak, at napahinto siya sa ginagawang pagsubo kay Britt. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay na hawak ang kutsara na gamit niya na pansubo kay Britt. Napabuntong-hininga siya at dahan-dahan niyang inilapag ang plato na hawak sa lamesa kasunod ang kutsara na hawak niya.
    She looked at her daughter, "why did you ask that Brooke, your dad comes here everyday right?" ang sagot niya.
     "Yeah, mommy but, he didn't goes inside lolo's house like he used to, and, you're okey now mom right? You're not sick anymore, why aren't we going home?" ang naguguluhang tanong ni Brooke.
     Umiwas ng tingin si Autumn sa nagtatanong na mga mata ng anak, alam niyang hindi magtatagal at mapapansin ng mga anak niya ang kakaibang sitwasyon ng kanilang pamilya.
     "Ahm, Brooke, me and lolo will talk about it, okey?" ang sagot niya.
     "Why mommy?" ang takang tanong pa rin ni Brooke, her brown eyes wide and round.
     "We just have to talk about it sweetie, okey?" ang malambing na hiling niya sa anak at hinaplos niya ang pisngi nito.
     "We also asked dad why can't he get inside lolo's house" ang sabat naman ni Brooklyn, na ikinagulat niya.
     "Really?... Ehem,.. And.. Ah.. What did.. He say?" ang kinakabahan niyang tanong sa anak.
     "He said that, it depends on lolo" ang sagot ni Brooklyn, sabay subo ng spaghetti at maingay na ngumuya.
     "And we also asked daddy why, aren't we going home to our house" ang muling sabi nito.
    "Really" ang matipid niyang sagot, at hindi na siya makatingin sa mga anak. Ayaw niyang makita ang sakit sa mga mata ng kanyang mga anak kapag nalaman ng mga ito na hiwalay na ang mga magulang nila.
     "He said that it depends on you mommy" ang sagot ni Brooklyn.
     She didn't want this, parang siya na naman ang naiipit sa sitwasyon nila, parang siya na naman ang gumawa ng mali at kailangan na magpaliwanag sa mga anak. Ace is really getting into her nerves already.
     "Don't you want to come back home mommy?" ang tanong ni Braxton sa kanya.
    Isang matipid na ngiti ang isinagot niya sa anak, "I am home honey, here, with all of you and with lolo" ang sagot niya.
    "But this is not our real home mom" ang naguguluhan na sagot ni Braxton.
     Alam niya na hindi pa maintindihan ng mga anak ang ibig niyang sabihin, kaya ngumiti na lang siya at iniba ang usapan.
     "So who wants to go grocery shopping with me?" ang masayang tanong ni Autumn at hindi nga siya nagkamali, nagtaas ng mga kamay ang tatlo niyang anak.
     At nagulat silang lahat ng si Britt ay nagtaas din ng kamay, kaya isang malakas na tawanan ang namayani sa likod bahay, na parang musika sa mga tenga ni Autumn.

The General's Daughter, The Accidental Groom Book 2 (completed) Self- PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon