Chapter 18

3.7K 120 20
                                    

Nakaramdam ng sobrang selos si Ace nang mga sandaling iyun, hindi lang para sa atensyon at papuri ng mga anak sa inakong tito ng mga ito, pero mas lalo na ng malaman niya na umarteng parang mag-asawa si Autumn at Velasco.
     Pero masisisi niya ba ang asawa? Samantalang siyang daddy ay wala ng mga panahon na iyun?at nakaramdam ng kirot ang kanyang puso.
    “My classmate asked me if tito Trace was my new daddy” ang sabat ni Brooke habang tinutusok nito ng tinidor ang sausage na nasa plato nito.
    “What?” ang gulat na tanong ni Autumn sa anak.
    “Yeah mom, Cassandra asked me if I have a new daddy just like her” ang sagot ni Brooke.
    Ace cleared his throat, “what did you say?” ang tanong niya sa anak.
    “I said no, that, he was just my tito” ang nakangiting sagot ni Brooke sa daddy niya at isang ngiti naman ang iginanti ni Ace sa panganay na anak. Pero, nanatiling gumugulo ang imahe na iyun sa kanyang isipan. Na si Autumn ay nagkakaroon ng ibang asawa. Hindi niya yata kakayanin iyun, baka... Baka ikamatay niya kapag nangyari iyun, ang sabi ni Ace sa sarili.
    “Are we going to play again tito Trace?” ang umaasang tanong ni Braxton na ang mga tingin na ibinigay nito kay Trace ay puno ng paghanga.
    “Ahm” nag-alangan itong sumagot dahil na rin sa naroon na si Ace.
    “We’re going out Braxton” ang mabilis na sabi ni Ace, ayaw niya na mapalapit ng husto ang damdamin ng mga anak sa ibang tao. Ayaw niya na may umagaw ng atensyon ng kanyang mga anak. Babawi siya sa mga ito. Babawi siya sa asawa at mga anak.
     “Where are we going?” ang intersadong tanong ni Beooklyn.
    “I don’t know? You want to go shopping?” ang tanong niya sa mga ito.
     “Can you buy me a new toy dad?” ang umaasang tanong ni Braxton.
     “Anything you want” ang nakangiting sagot ni Ace, dahil sa nakuha na niyang muli ang loob ng mga anak, ang loob na lang ni Autumn ang kailangan niyang makuha na muli.
     “Dad, I really needed a new dress dad” ang sabat naman ni Brooke na nagtaas pa ang mga kilay.
     “Alright princess” ang nakangiting sagot ni Ace sa panganay na anak na may pagkaspoiled pero sweet at loving na anak.
     “I’m not a princess dad” ang pagtatama nito sa kanya.
    “Really? And what are you?” ang usisa ng lolo ng mga ito na natutuwa sa pagiging esmarte ng apo.
    “I’m just a daughter of a very wealthy man lolo” ang sagot nito sa daddy ni Autumn na nagpatawa sa kanilang lahat ng nasa lamesa.
    “C’mon mom!” ang angal ng mga anak niya, dahil nanatili siyang nakatayo sa labas ng sasakyan, habang ang tatlong anak niya ay nakasakay na sa loob ng sasakyan ni Ace, kasama rin ng mga ito si Britt na naka upo na sa baby car seat nito.
    Nakatayo si Autumn sa labas ng sasakyan habang karga si Brenna, at tinitiis niya ang malakas na pag complain ng mga anak niya.
     “I’ll stay here with lolo” ang sagot niya habang nakasilip sa mga anak.
     And with Trace! Ang gigil na sabi ng isipan ni Ace, mukhang nagiging malapit na ang dalawa, at hindi niya ito magugustuhan. Halata niya sa mga tingin ni Trace na may gusto ito sa asawa, at baka naghihintay lang ito ng pagkakataon at ahasin si Autumn sa kanya, ang giit ni Ace sa sarili.
    “Sumama ka na Autumn” ang sabi ni Ace kay Autumn na umiwas ng tingin sa kanya.
    “Dito na lang ako” ang mariing pagtutol niya.
    “Please mom! Dad wouldn’t know what dress that would fit me” ang angal ni Brooklyn na naghalukipkip pa ng mga braso nito.
     “Yeah mom!” ang sabat din ni Braxton, at kung bakit naman sa pagkakataon na iyun ay umaabot din si Brenna sa daddy nito at umiiyak.
    Napabuntong-hininga si Autumn, hindi niya alam kung anong gagawin, nahahati ang katawan niya, gusto niya na tumanggi dahil ayaw pa niya na pakampante na nagbalik na sa dati si Ace, pero may part naman sa kanya na ayaw niyang tanggihan ang mga anak.
    “Autumn please, para sa mga bata” ang mahinang sabi ni Ace.
   Huh, para sa mga bata? Oo para sa mga bata! Pero siya ba ay naisip nito kahapon na kailangan siya ng mga anak nito?! Para sa mga bata rin ang sinabi niya rito kagabi pero tinaggihan sila nito.
    Pero hindi siya si Ace at kahit kailan ay di niya kayang tiisin ang mga anak. Kaya kahit pa ayaw niya ay napakagat labi na lang siya,
    “OK, OK!” ang sagot niya, na nagpatigil ng mga angal ng anak, “I’ll get Brenna’s bag” ang sagot ni Autumn at naglakad siya pabalik sa loob ng bahay para kuhain ang backpack na niya na laman ang mga gamit ng kanyang mga anak.
    Hindi na rin siya nagpalit ng damit at tanging pinalitan niya ng luma niyang rubber shoes ang tsinelas na suot. Mas madaling maghabol sa mga anak na malilikot kapag naka sneakers, ang sabi niya sa sarili.
     Ace strapped Brenna sa isa pang baby car seat na nasa second row ng backseat habang ang tatlo ay isinecure ni Ace sa third row ng backseat. At isinuot ang mga seat belts nito.
    Autumn sat on the passenger seat at napansin niya ang malapad na ngiti sa mga labi ni Ace, pagsakay nito sa driver’s side at tiningnan pa siya nito at kinuha ang kanyang kamay na nakapatong sa kanyang hita.
    “Autumn I’m sorry about everything”-
    “Save it Ace, mabuti pang wala na lang lumabas na apology sa mga bibig mo kung hindi mo rin naman kayang pangatawanan, I don’t need to hear it, just show it, not to me, but to your kids” ang sagot niya kay Ace. At hinila niya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito at tumingin siya sa labas ng bintana.
    Ace sighed, mukhang mahihirapan siyang amuin ang asawa pero, hindi siya susuko. He made a mistake, aminado naman siya, at alam niya na masakit ang mga salitang nabitiwan niya sa kanyang asawa.
    The kids noise lessen the awkwardness that she felt, she’s trying not to give into him kaya parang napipilitan na lang siya na umiwas kay Ace. But then, she was taken out of surprise ng abutin ni Ace ang isa niyang kamay at hinawakan niya iyon ng mahigpit.
    And she realised that he was driving with one hand, and that made her head turned to him and looked him in his beautiful gray eyes.
    “Ace! Bitiwan mo ang kamay ko! Nagdidrive ka with one hand!” ang mariing sabi ni Autumn.
    Alam ni Ace na nasa parte sila ng kalsada na hindi masyado delikado at wala pang masyadong sasakyan, kaya ginawa niyang hawakan ang isang kamay ni Autumn. At hindi nga siya nagkamali, lumingon si Autumn sa kanya and he was able to make an eye contact.
    “Mangako ka muna na kakausapin mo ako” ang giit ni Ace, but his attention was on the road in his front and on his back.
    “Don’t be stupid” ang giit ni Autumn, pero ng hindi pa rin binitiwan ni Ace ang kamay niya ay wala na siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga.
     “Oo na, OK I’ll talk to you, but please, ano ka ba? Kasama natin ang mga anak mo delikado yang ginagawa mo!” ang mariing sabi ni Autumn.
     Hinalikan muna ni Ace ang likod ng kanyang palad bago nito binitiwan ang kamay niya at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa pisngi nito sabay kindat sa kanya.
    Napairap na lang si Autumn, kahit pa nakaramdam siya ng kilig sa kanyang katawan. Ace always made her feel that way, at naiinis na naman siya sa sarili.
   
    Nagpunta sila sa pinakamalapit na mall at ipinasyal muna nila ang kanilang mga anak. They strolled around at pinaglaro muna nila ang mga ito sa playroom at nakabantay naman silang dalawa ni Ace sa may loob para kina Britt at Brenna.
    Pagkatapos ay nagpunta naman sila sa maliit na amusement center sa loob, at si Ace ang nagbantay sa tatlong anak na lahat ng rides ay gustong sakyan.
   Nang lahat ay masakyan na ng mga ito ay nagyaya na ang mga anak na kumain, at dahil sa ngayon na lang sila ulit nakalabas na mag-anak at dahil sa bumabawi si Ace ay pumayag siya sa gusto ng mga anak na kumain sa fast food. Dati kasi, sa tuwing lumalabas sila ay sa isang restaurant sila kumakain para makakain ng kanin, sabaw, at gulay ang mga anak.
     Pero dahil nga sa bumabawi siya at naglalambing ang mga anak niya sa kanya ay napapayag si Ace.
     Autumn just gave him an incredulous look, at kunot ang noo nito na tiningnan siya sa mga mata na tila ba nagtatanong ang mga iyun.
    Nagkibit-balikat lang si Ace, “minsan lang naman mommy” ang nakangiting sabi ni Ace kay Autumn, at natuon ang mga mata ni Ace sa mga labi ng asawa. Matagal na niyang hindi nahahalikan ang mga labi ni Autumn, and he damn misses her so much, with her lying next to him, ang sabi niya sa sarili.
    Pinagmasdan ni Ace si Autumn na naka t-shirt at shorts na maong at tinernuhan nito ng lumang sneakers. Her hair was pulled up into a tight bun. Nagalalakad si Autumn sa kanyang unahan habang hawak sa isang kamay si Brooke, at sa dibdib naman nito ay nakastrap ang carrier kung saan nakasakay si Brenna.
    Habang si Ace naman ay nakasunod na naglalakad sa likuran ni Autumn, at sa magkabila niyang kamay ang dalawang anak na lalaki at si Britt naman ang nakasakay sa carrier na nakastrap din sa kanyang harapan.
    At nang makita na ng mga anak ang favorite na fast food chain ay excited na nagtatatalon ang mga ito.
   Nahirapan pa sila na makahanap ng vacant na lamesa dahil na rin sa weekend at halos lahat ng tao ay nasa mall. Ilang sandali pa silang naghintay bago sila nakakuha ng lamesa at mabilis silang naupo roon.
    “Finally!” ang sabi ni Brooke nang lumapat na ang pwet nito sa mahabang upuan.
    “Are you complaining Brooke?” ang tanong ni Ace sa anak na panganay, at nakataas ang isa niyang kilay. Nakuha naman agad ng anak ang gusto niyang ipahiwatig na sila ang may gusto na kumain sa lugar na iyun kaya bawal ang umangal.
    “No dad” ang mahinang sagot ni Brooke, na tanging daddy at lolo lang nito ang nakakapagpatungo.
    “Alright, what do you like to eat?” ang tanong ni Ace sa mga anak na mabilis na nagsalita para sabihin ang mga gusto.
    Autumn watched Ace, while he patiently listened to his kids requests at nang makuha na nito ang order ng mga anak, ay natuon naman ang mga mata nito sa kanya.
    “How about you Autumn?” ang tanong ni Ace na nakatayo at nakalapat ang mga palad sa ibabaw ng lamesa, habang karga pa rin nito si Britt sa carrier.
    “You know what I like” ang mabilis na sagot ni Autumn, and she waved her hand.
    “You want that here?” ang makahulugan at pilyong tanong ni Ace sa kanya, nakataas pa ang dalawang kilay nito at pinanlakihan pa siya ng mata.
    At nang makuha niya ang pilyong pilyong mensahe nito ay namula ang mga pisngi, “that’s not what I meant!” ang mariing sagot niya kay Ace.
    “What mom?” ang usisa ni Brooklyn na nakaupo sa tabi ni Brooke at Braxton.
    “Nothing” ang mabilis niyang sagot, “wash your hands first, over there, you see the washing area?” ang sabi ni Autumn sa mga anak na agad na sumunod at naghugas ng mga kamay, habang nakatanaw siya sa mga ito.
    Nang bumalik ang tatlo ay agad na may mga kwento ito, na binuhat daw ni Brooklyn si Braxton para maabot nito ang gripo at sabon. And as a kuya, kitang-kita sa mukha nito ang pagiging proud sa kanyang ginawa.
    “You’re such a big boy now Brooklyn and a good kuya” ang papuri naman ni Autumn sa anak.
   

    Pagkatapos kumain ay nagpunta na sila sa department store, at nagsimula nang magtuturo ang mga anak. Kahit pa na kaya nilang bilhin ang gusto ng mga anak, ay di nila pinalaki ni Ace ang mga ito na nakukuha agad ang gusto. Kung bilhan man nila ito ay kung kailangan talaga ng mga ito, o di kaya ay may okasyon.
     Kaya ang pagsashopping ay isa ring excitement sa kanilang mga anak. Pagkatapos na mamili ng mga laruan ay nagpunta naman sila sa mga damit na pambata. Ace was patient enough sa paghihintay sa kanilang tabi habang sila naman ng mga anak ay abala sa pamimili lalo na ng para kay Brooke.
    At nang makapili na ito ay damit naman nina Britt at Brenna ang piangkaabalahan na piliin ni Autumn, nang may isang pamilyar na boses na nagsalita sa tabi nila.

The General's Daughter, The Accidental Groom Book 2 (completed) Self- PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon