Chapter 24

3.9K 143 42
                                    

Where the hell is Autumn and the kids?" ang galit na tanong ni Lyndon pagpasok nito sa kanyang bahay at walang mga maliliit at masasayang mga pamangkin na sumalubong dito.
     "Beer?" ang tanging sagot ni Ace, habang nakaupo ito sa mya sofa at nakakalat sa may coffee table ang mga lata ng beer.
     "Damn you Ace! Wag mong sabihin na tinuluyan mo ang babaeng iyun?" ang galit na sigaw ni Lyndon and with two long strides ay nasa harapan na niya si Lyndon at nakatayo ito, with his hands on hips.
    Matamlay siyang tumingala sa pinsan niyang mukhang anytime ay lalamunin siya, tinungga niya muna ang beer sa lata at inubos iyun.
    "Saan mo nakita yan? Sa Internet?" ang walang ganang tanong niya, habang nakaupo siya sa sofa at isinandal niya ang kanyang likod at ulo sa cushioned backrest.
     Umiling si Lyndon at naupo rin ito sa kanyang tabi, kumuha ng isang beer in can at binuksan iyun, lumagok muna ito ng beer bago nagsalita.
    "We saw you at the mall Ace" ang mariing sagot ni Lyndon sa kanya, "me and Autumn"
    Biglang napatingin si Ace kay Lyndon, walang nabanggit si Autumn ng tungkol dito.
    "Papunta kayo sa isang coffee shop, gusto ko sana kayong lapitan at komprontahin dahil sobrang galit ang naramdaman ko Ace, pero si Autumn, ang asawa mo pa ang mismong umiwas sa inyo" ang sabi ni Lyndon.
    Napapikit ng mahigpit ang mga mata ni Ace, at naisip niya si Autumn, ang reaksyon nito ang sakit na naramdaman nito noong mga panahon na iyun. Inalis niya ang kanyang likod mula sa pagkakasandal niya sa sofa, ipinatong niya ang kanyang dalawang siko sa magkabila niyang tuhod para itukod iyun at pinadaanan niya ng mga daliri ang kanyang buhok.
     "Anong nangyari Ace?" ang mahinang tanong ni Lyndon na bahagya siyang tiningnan nito.
    Kinusot ni Ace ang kanyang mga mata at huminga siya ng malalim bago niya ikinuwento ang mga nangyari. Sandali pa siyang tumitigil sa pagsasalita para huminga at pigilan ang lumuhang muli, pero, balewala ito, pumatak pa rin ang luha sa kanyang mga mata.
    Taimtim lang na nakinig sa kanya si Lyndon habang uminom ng beer walang ekspresyon ang mukha nito, kahit pa natapos na ang pagkukwento niya ay di muna ito nagsalita.
    Napabuntong-hininga muna si Lyndon, "you should terminate the partnership Ace" ang sagot ni Lyndon.
    Isang gulat na tingin ang ibinigay niya kay Lyndon, at napailing siya, hindi iyun pwedeng mangyari ang sabi niya sa sarili.
    "Bakit ka umiiling" ang takang tanong ni Lyndon sa kanya na halatang hindi nito nagustuhan ang di niya pagsang-ayon sa suhestiyon nito. Sana ganun lang kadali ang lahat, ang giit ni Ace.
     "I can't" ang mariing sagot niya, at kita niya ang galit sa mga kulay abo na mata ng pinsan na di niya inakala na magiging sandalan niya noong una at ngayon.
     "What the fuck are you saying you can't?" ang galit na tanong ni Lyndon sa kanya na hindi makapaniwala sa sinabi niya sagot rito.
     "Nababaliw ka na ba? Well siguro nga oo, dahil kung nasa katinuan ka, malamang kasama mo pa ang mag-iina mo" ang giit pa ni Lyndon.
     "Hindi sa ganun, hindi sa ayaw ko talaga, kaso, inalis na ako ni papa sa kumpanya" ang sagot niya kay Lyndon at nakita niya ang gulat sa mga mata nito.
     "Why?"
    "Nalaman na nila, hindi naman talaga sinadya ni chief na ipaalam kaso, may nakarating lang na litrato kina papa" ang malungkot na sabi niya sa pinsan.
    "Kaya mo ba ako tinanong tungkol sa Internet?" ang tanong muli ni Lyndon at tumangu-tango siya at saka muling uminom ng beer.
    "Damn, siguradong broken hearted ang pamilya mo" ang sabi ni Lyndon sabay inom sa lata ng beer.
    "Nasa hospital si lola" ang matipid niyang sagot, and Lyndon only clucked his tongue.
    "Ano bang pumasok sa kokote mo Ace?" ang inis na tanong ni Lyndon sa kanya.
    "I just wanted to prove that I could start on something, on my own" ang napapagod na niyang sagot, dahil nga sa iyun na lang palagi ang itinatanong sa kanya.
    "Prove what? You cannot have everything Ace" ang giit ni Lyndon, pero umiling ito, "no, I'm wrong, you already have everything" ang mariing sabi nito.
    "You have a beautiful and loving wife, beautiful children, and a successful business" ang giit pa nito sa kanya.
    Ace sighed, "alam naman natin na hindi naman talaga ako ang napili para mag manage ng negosyo, alam naman natin na I'm not the first choice" Ace argued.
    Lyndon shook his head, its like he said something stupid, "there was no first or second or.. Hundred choice Ace.. Because it has always been YOU" ang mariing sabi nito sa kanya.
    Ace just stared at him, dumbfounded, hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa bibig ng kanyang pinsan.
    Lyndon sighed, "napaka happy go lucky mo kasi, hindi ka nagseseryoso, but your dad saw your potential Ace and it was all ruse na ako ang napili ng tito" ang pag-amin ni Lyndon.
     Ace shook his head, hindi siya makapaniwala at kahit papaano ay isang matipid na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya, pero, balewala na iyun ngayon hindi ba? Balewala na ang lahat.
    "I still can't back out Lyndon, halos lahat ng funds ko nailabas ko na, and just imagine the fine that I have to pay para sa bridge of contract, kapag nag back out ako" Ace argued.
     "And" ang diin pa niya, "wala namang kasalanan si Selena, bakit siya madadamay? Pati ang negosyo namin?" ang giit ni Ace.
     Lyndon sighed out of frustration, napatingala pa ito at napasabunot ang kaliwang kamay sa buhok nito.
     "Are you stupid?" ang di makapaniwalang sagot ni Lyndon, "the hell with you!"
     "Wala naman kasi akong gusto kay Selena, she's just a business partner" ang giit ni Ace.
     "And what about her? Ganun din ba ang turing nito sa iyo? Isang business partner lang?" ang hamon na tanong ni Lyndon sa kanya.
     "Of course yes! Alam niyang may pamilya na ako at desenteng babae si Selena" ang giit nito.
    "Bulag ka kung gayun" ang umiiling na sagot ni Lyndon, at hindi na siya sumagot at itinuloy na lang pag inom ng kanyang beer.
     "Then, bakit mo pa ako pinapunta rito? Gusto mo bang humiram ng pera?" ang tanong ni Lyndon.
    Umiling siya, "no, I still have some savings, it's just that, kailangan ko lang na mag succeed sa business namin dahil nakasalalay na ang future ng mga anak ko rito" ang sagot ni Ace, at napabuntong-hininga siya.
    "Gusto ko lang na may makausap, or umaasa ako na baka pwede mo akong tulungan na makausap si Autumn"- hindi na niya natapos ang sasabihin dahil umiling na si Lyndon.
    "Ace, what another kidnapping attempt? God we're getting old for these adventures and, kaibigan ko na ang daddy ni Autumn, I'm not going to betray him and Autumn" ang sagot ni Lyndon.
   "Pero ako oo?"
   "Dahil ginusto mo yan, I was talking you out of it, right? Pero go ka pa rin" ang sagot nito sa kanya.
   Magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog ang kanyang phone, and parang hindi na siya nagulat ng makita niya ang pangalan ng caller na naka flash sa screen ng kanyang phone.
   Ace sighed and he excused himself, kay Lyndon at sinagot niya ang tawag.
    "Deven" ang matipid na bungad na bati niya sa matalik na kaibigan.
    "What the hell is going on Ace?" ang alalang tanong nito sa kanya, "Rain was getting worried about Autumn, ilang araw na daw niya itong tinatawagan pero hindi ito sumasagot, alam mong buntis ang asawa ko at hindi dapat mastress, ano bang nangyari? And to make the matters more exciting, I just received a call from your dad, na hindi na ikaw ang CEO for the DuPont sa ating kumpanya, and your dad asked me to supervise the whole corporation for a while.. And I'll ask again.. What the hell is going on?" ang galit na tanong ng kaibigan.
    Ace sighed, "I'll be there tomorrow Deven and I'll explain everything personally, please, ahm... Tell Rain that Autumn is okey" ang tanging sagot niya sa kaibigan.
    "Ace I'm worried about you" ang mahinang sabi nito.
    "Thanks but... (sighed) don't be, I'll be okey, for now" ang sagot ni Ace bago nito pinutol ang usapan nila ng matalik na kaibigan.
    "How's Autumn? Is she really okey?" ang mahina at alalang tanong ni Lyndon, halata sa mukha nito ang labis na pag-aalala.
    Ace sighed, at naalala na naman niya ang sinabi ng mga anak, at namuo na naman ang luha sa kanyang mga mata.
    Umiling siya, "I really don't know Lyndon, pero sabi ng mga anak ko na, hindi na lumalabas ng kwarto ang mommy nila" ang naluluhang sagot niya.
    "Shit" ang bulong ni Lyndon, mabilis nitong inubos ang beer sa lata at tumayo.
    "Well, it looked like your okey Ace, dahil sa nakakapagdesisyun ka pa sa sarili mo, I'm going, I'm going to check on Autumn, dahil siya ang mas nangangailangan ng lubos na atensyon ngayon" ang galit na sabi ni Lyndon bago ito naglakad patungo sa pinto. He swung open the door and went out quickly.
    At muli na namang nabalot ng kalungkutan ang buong bahay.

    Nagising si Autumn nang marinig niya ang malakas na iyak ni Brenna sa labas ng kwarto. Ilang araw na ba siyang nakahiga na lang at hindi lumalabas? Dalawa? Tatlo? Lima? Hindi na niya alam. Tila kasi tumigil na rin ang oras para sa kanya.
    Hindi na rin niya nakikita ang dalawang maliit na anak, sa labas na rin ang mga ito natutulog. Hindi niya alam kung sino ang kasama nito sa gabi sa pagtulog ng mga ito. Ang daddy niya kaya? Si manang Rose? Ang tanong niya sa sarili.
    Mas lalong lumakas ang mga palahaw ni Brenna, narinig niya na pilit itong pinapatahan ng kanyang daddy. Naririnig niya ang boses nito, while he tried to sooth and calm his grand daughter.
   Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang damdamin, nang marinig ang malakas na iyak ng anak. Ano na bang nangyari sa kanya? Hindi siya dapat nagkakaganito, ang giit niya sa kanyang sarili.
    Ang pagdaramdam niya sa nangyari sa buhay niya ay ang mga anak niya ang nagdurusa. Nakaramdam na siya ng panlulumo at pagsisisi. Unti-unti siyang bumangon at tumanaw sa bintana. Madilim na, marahil ay gabi na naman.
    Tama ba ang ginagawa niya? Tama ba na magdusa ang nga anak niya dahil sa napabayaan niya ang mga ito, dahil lamang sa kasalanan ng ama ng mga anak? Hindi.
    Hindi siya dapat manatili na nakalugmok. Oo nasaktan siya at nagdusa na siya, pero, hindi siya dapat manatili sa pagkakadapa niya. Kailangan na niyang bumangon.
    Tumayo siya at naglakad papalapit sa vanity table. Itinukod niya ang mga kamay sa magkabilang dulo ng lamesa at tiningnan niya ang sarili sa salamin.
    Maitim at malalim na ang paligid ng kanyang mga mata, at humpak na ang kanyang pisngi. Ang dating natural na kulay rosas niyang balat ay maputla na ngayon. At halatang malaki ang binawas ng kanyang timbang.
     "What are you doing Autumn?" ang bulong niya sa sarili, "hindi ka ganito, you're a fighter" ang sabi niya sa sarili habang kinakausap ang kanyang image sa salamin.
    Naisip niya na habang siya ay nagdurusa at lumuluha, ang asawa niya at ang babae nito ay malamang na nagdiriwang at masayang magkasama.
    Naalala niya ang sinabi ni Selena noong nasa mall sila, nag-enjoy daw ito sa rest house. At muling bumalik sa kanyang isipan ang naabutan niyang eksena sa kwarto nila.
   At unti-unting nawala ang sakit at dusa sa kanyang puso. At mabilis itong kinain ng galit. Galit para sa dalawang ahas sa buhay niya na sumira ng masayang pamilya ng mga anak niya. At galit sa sarili, dahil hinayaan niya na lamunin siya ng dusa at napabayaan niya ang mga anak niya.
    "They wanted you to be a bitch Autumn, you'll show them what a bitch you are" ang malakas na sabi niya sa kanyang repleksyon sa salamin.
    Itinali niya ang kanyang buhok at nagpalit siya ng damit, at tumayo siya sa harap ng pinto. Huminga muna siya ng malalim, bago niya binuksan ang pinto at humakbang papalabas ng silid.
   
   
   
   

The General's Daughter, The Accidental Groom Book 2 (completed) Self- PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon