Chapter 23

3.8K 138 57
                                    

Hindi makapaniwala si Ace sa mga sumunod pang pangyayari sa buhay niya. Isang hapon kasi ay nagtext ang kanyang father in law niya, na hintayin siya nito sa bahay niya.
     Nang mga sandaling iyun ay nabuhayan siya ng loob, tila ba magandang pangitain ang text message na natanggap niya sa kanyang biyenan. Nagmamadali siyang umuwi ng bahay, at hindi na niya tinapos pa ang oras sa opisina. Hindi na rin muna siya nakipagkita kay Selena para sa meeting nila sa progress ng construction ng resort nila.
    Mabilis siyang sumakay ng kanyang sasakyan at nag drive pauwi sa kanyang bahay. Ang bahay nila na tila ba isang malaking kahon na walang buhay. Madilim at puno ng lungkot.
    Pagdating niya sa gate ng kanilang subdivision ay agad niyang tinanong ang security kung nagpunta na ang kanyang father in law, at sinagot nga nito na hindi pa. Natuwa naman siya at nauna pa siyang nakarating para ihanda ang sarili sa paghihintay.
     At dahil naman sa kilala na ang matandang heneral ay patutuluyin na ito sa loob mamaya. Agad siyang nagmaneho pauwi at mabilis siyang bumaba ng kanyang sasakyan at nanatili siyang nakatayo sa loob ng gate para hintayin ang daddy ni Autumn.
    At ilang sandali na lang ang kanyang hinintay, kumunot ang kanyang noo ng makita niya, ang isang itim na battered van na papalapit sa kanilang gate. Sumilip siya at nakita niya ang mukha ng kanyang father in law na nakasilip sa bintana. Agad niyang binuksan ang gate ng kanilang bahay at hinintay niya na makababa ang heneral.
    Nagtataka man siya kung bakit isang lumang van ang gamit ng kanyang biyenan ay di na muna niya iyun pinansin. Hinintay niya itong lumakad papalapit sa kanya, at saka niya ito binati ng halos isang dalawang hakbang na lang ito mula sa kanya.
    "Chief" ang magalang na bati niya rito, at umatras siya para magbigay daan rito at makapasok sa loob ng gate. Pero nagulat siya ng may mga lalaking bumaba ng van at mabilis ang mga kilos nito na pumasok sa loob ng kanyang bahay, kasunod ng mga ito ay si Trace Velasco.
    "What's the meaning of this?" ang takang tanong niya sa kanyang father in law.
    "We're here to get my daughter's things" ang sagot nito sa kanya at dire-diretsong pumasok ito sa loob ng kanyang bahay.
    "W-what? No!" ang mariin na pagtutol niya, kukunin ang mga gamit ng asawa? Kapag natuloy iyun ay mawawalan na siya ng pag-asa na babalik pang muli si Autumn sa kanya.
    "Chief! Huwag naman ganito!" ang pakiusap niya sa matandang heneral.
    "Anong gusto mo? Search warrant? For what? Illegal drugs? A pussy in your closet? Or a fucking womanising dick?" ang mapang insultong tanong nito sa kanya, "kahit anong dahilan magagalugad ko ang loob ng bahay mo, pero" umiling ito, "kawawa ang mga apo ko dahil makakaladkad ang mga ito sa baho ng tatay nila, just because they have your surname"
     Nangilid na ang luha sa kanyang mga mata, hindi, ang inaasahan niya ay pupunta ang kanyang biyenan para makapag – usap sila, para maipaliwanag niya ang side niya, hindi ganito hindi ganito!
     "Chief, hayaan nyo muna akong makapagpaliwanag, kahit sa inyo na lang po" ang giit ni Ace, "walang namamagitan sa amin ni Selena, nadatnan niya lang kami sa isang hindi "-
     "Kahit ano pa ang ipaliwanag mo Ace, it won't change my decision na kunin ang anak ko, una, nakita ko sa aking mga mata kung paano mo unti-unting dinudurog ang puso at katauhan ng anak ko, she used to be so sure of herself, she believed in herself, pero nang dahil sa mga ginawa mo, mga sinabi mo sa anak ko, tinaniman mo siya ng insecurity sa kalooban niya. At tumubo iyun at tuluyan siyang nilamon, at IKAW ang gumawa niyun isama mo pa ang KNOWLEDGEABLE mong partner" ang galit na sagot ng dating PNP chief at halos manlaki ang butas ng ilong nito sa galit.
    At nagawi ang mga mata ni Ace kay Trace, si Trace na laging kasama ni Autumn at ng mga anak niya.
    Ace snorted and shook his head, "at sinong ipapalit sa akin ni Autumn si Trace, na pumapapel na?" ang sagot ni Ace at tiningnan ng masama si Trace na nanatiling nakatayo at deretso rin siyang tiningnan sa mga mata.
    Lumingon ang daddy ni Autumn kay Trace, at ngumisi ito, "alam mo, magandang ideya yan, tutal malapit naman na siya kay Autumn at sa mga bata" ang sagot nito.
    Mabilis na umiling si Ace, "hindi ako papayag, sa akin ang mga anak ko, at sa akin pa rin si Autumn!" ang giit niya.
    Umiling ang heneral, "ang mga anak mo?" tumangu-tango ito, "oo, walang makakaagaw sa iyo sa mga anak mo, pero siguradong may makikihati, pero kay Autumn?" umiling ito, "hindi na sa iyo si Autumn, simula ng purihin mo ang puta".. (sighed) ang partner mo sa harapan ng anak ko, babawiin ko na siya" ang sagot nito sa kanya.
     "Boys, unahin yung nasa kwarto, halikayo" ang utos ng dating PNP chief at mabilis na nagsunuran ang mga ito sa kanya.
    Iniharang pa ni Ace ang kanyang katawan pero itinulak lang siya ng mga ito at halos napaupo siya sa sahig.
    "Chief! Please, wag mo gawin ito! Parang awa mo na po?" ang mga paki usap niyang bumabagsak lang sa mga taingang kawali ng dating hepe.
    Napaupo na lang si Ace sa sahig at sumandal sa dingding at pinagmasdan na lang niya kung paanong hakutin ng mga tauhan nito ang mga gamit ng kanyang asawa. At hindi na napigilan ang mga luha na dumaloy sa kanyang mukha. Wala siyang pakialam kung pag-usapan pa siya o tawanan ng mga pulis na nasa loob ng kanyang bahay. Pero, sa kaabalahan ng mga ito ay mukhang hindi siya nito pinapansin.
   Hindi niya alam na tanging si Trace lang ang nakamasid sa kanya, pinagmamasdan siya nito kung paano unti-unting nadudurog ang kanyang pagkatao at damdamin.
   Mabilis ang kilos ng mga ito at ilang sandali lang ay naisakay na ng mga ito ang lahat ng gamit ng kanyang asawa. At kung kanina ay napuno ang kanyang bahay ng mga abalang pulis, ngayon naman ay nakabibingi na ang katahimikan sa kanyang bahay.
    Mabilis siyang tumayo at sumakay ng kanyang sasakyan. Mabilis niyang pinaandar ang kanyang sasakyan para sumunod sa kanyang father in law. Magmamakaawa siyang muli, baka sakaling pakinggan siya ni Autumn, ang umaasang sabi niya sa sarili.
    At nang marating nga niya ang bahay ng heneral ay muli niyang kinatok ang bakal na gate, ayaw man niyang gumawa ng eksena ay sumigaw na siya sa labas ng gate.
    "Chief!... Autumn!" ang palahaw niya, "mag-usap muna tayo!"
    Mabilis na lumabas ang galit na galit na daddy ni Autumn, "Ace, kung wala kang kahihiyan sa sarili mo? Isipin mo ang mga anak mo" ang sabi nito sa kanya na halatang nagpipigil ng galit.
    "Chief, hayaan nyo lang sana ako na makapag paliwanag" ang giit niya.
    "Wag mong idamay ang mga apo ko DuPont sa kahihiyan na ginagawa mo ngayon, dahil binabalaan na kita" ang banta nito sa kanya, at iniwan na siya nito sa labas ng bahay at pinagsarahan ng pinto ng bahay.
    Naupo si Ace sa labas ng gate ng bahay, at napayukod ang kanyang ulo. Please, hindi sa kanya nangyayari ito. Please lang! Sana panaginip lang ang lahat, sana magising na siya sa bangungot na ito.
    Sandali pa siyang umupo sa labas ng bahay, at dahil sa nakatalikod siya mula sa harapan ng bahay ay hindi niya nakita na sumilip ang kanyang biyenan sa may bintana at pilit siyang tinanaw sa labas, sa isang kamay nito ay hawak ang cellphone at may kausap ito sa kabilang linya.
    Maya-maya pa ay lumabas ang matandang heneral at lumapit sa may gate para pagsabihan siya. At nang tawagin nito ang kanyang pangalan ay mabilis siyang lumingon at tumayo.
   "DuPont, you really need to get your ass off my property, and go home, I tell you, you have to ready yourself" sandali itong huminto, "may gustong kumausap sa iyo, at umuwi ka na" ang sabi nito sa kanya, "you know, after what you have done, I still have the piece of me that pity you, and you really need it this time, I hope you get through this, para na lang sa mga apo ko" ang huling sabi nito sa kanya, bago ito mabilis na naglakad pabalik sa loob ng bahay.
    Kunot ang noo ay nagtaka siya kung ano ang ibig sabihin nito, may gustong kumausap sa kanya? Sino kaya ito? At bakit kakaawaan siya ng daddy ni Autumn.
   Mabigat man ang loob ay naglakad siyang papalapit sa kanyang sasakyan at pumasok siya sa loob, at parang tuod siya na nagmaneho pabalik ng kanyang bahay
   Matagal pa siyang tumayo sa harapan ng kanyang bahay, nanlalambot ang buo niyang katawan. Hindi na niya kayang pumasok pa sa loob ng kanyang bahay, isa na lang itong structure na walang buhay.
     Napabuntong-hininga siya, pero naalala niya ang sinabi ng daddy ni Autumn, may kakausap sa kanya? Kaya ayaw man ay napilitan na lang siya na pumasok sa loob ng bahay.
    Dumiretso siya sa kusina, naalala niya ang kusina na iyun, na puno ng buhay, nakita niya si Autumn na nakatalikod sa kanya, nakataas ang gulo-gulo na kulot na buhok nito, habang nakaharap sa mya kitchen counter at abala sa pagluluto ng pagkain ng mga anak.
    Nagawi ang mga mata niya sa dating busy at maingay na dining table, kung saan naroon ang kanyang mga anak na nakaupo at maingay na magkukwento ng mga pangyayari sa school, pero ang mga upuan ay nanatiling nakaayos at hindi na nagamit.
    Ang mga highchairs kung saan naroon ang kanyang dalawang maliliit naanak niya ay nakaupo, ay ngayon ay nasa tabi at hindi na nagagamit. Malungkot at tahimik ang buong kabahayan.
    Kumuha siya ng beer sa loob ng ref, binuksan niya iyun at mabilis na tinungga ang laman. Sumandal siya sa kitchen counter, at natuon ang kanyang mga mata sa kitchen isle. At naalala niya ang umagang inihiga niya roon si Autumn para tikman ito at bago sila nagniig.
    "Autumn" ang sambit niya at pumatak na naman ang luha sa kanyang mga mata. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya at inubos niya ang laman ng lata.
    Hindi niya alam kung magagawa pa niyang pumasok sa loob ng kanilang kwarto at mahiga sa kama nila ni Autumn. Labis lang siyang mangungulila sa asawa.
    Muli siyang kumuha ng beer nang maramdaman niya ang kanyang phone sa bulsa na nagba vibrate. Agad niyang dinukot ang kanyang phone sa harapang bulsa ng kanyang pantalon. Tiningnan niya ang numero na naka flash sa screen ng kanyang phone at nang makita ang pangalan ng tumatawag ay kinabahan si Ace, huminga muna siya ng malalim bago niya ito sinagot.
    "Pa?"- ang bungad na bati niya pero pinutol iyun ng galit na boses ng kanyang papa.
    "What.. The.. Hell.. Is.. Going on?!" ang galit na bungad na tanong nito sa kanya.
    "I don't know what you mean dad!" ang balik tanong niya.
    "Don't play dumb with me! God! Ganito ba ang pagpapalaki namin sa iyo?" ang giit nito, pero hindi siya sumagot at nanatiling tikom ang bibig.
    "You know what? We just saw a picture of you, on internet, and guess what?! The caption was, gorgeous family" ang sabi nito.
     "Walang masama hindi ba? Kasi nakasama kayo sa mga listahan ng gorgeous family, at may mga litrato, and lo and behold! Gorgeous family, pero hindi si Autumn ang nasa litrato na kasama mo. Who the hell is she Ace?" ang galit na tanong nito.
    Naguguluhan si Ace, "picture? What picture?" ang naguguluhan na tanong niya.
    "Oh, talagang istupido ka, pero para maalala ng walang laman mong utak kundi babae, nasa mall kayo at kasama mo si Britt at ang babae mo!" ang galit na sabi nito sa kanya.
    Naalala ni Ace noong nag shopping sila, so Britt ang kasama niya at si Selena, hindi niya akalain na lalabas iyun sa Internet? Bakit wala man lang siya nabalitaan tungkol doon? Ang takang sabi niya.
    "Matagal na yun dad, at nagkamali lang kung sino man ang naglabas ng picture na iyun, it was just a mis understanding, she was my business partner"-
    "Yeah I know about the fucking business venture of yours!" ang galit na sagot ng daddy niya, "tinawagan ko ang daddy ni Autumn, and I know EVERYTHING, your mom knows everything and she's crying her heart out right now, and we have to take your lola to the hospital dahil tumaas ang dugo nito!"
     Muli na namang kumirot ang puso ni Ace ng marinig ang nangyari sa dalawang babaeng pinakamamahal din niya.
     "Nalaman namin ang nangyari kay Autumn, naaawa kami sa nangyayari kay Autumn, at ikaw ang may gawa nito! Gustuhin man namin na pumunta ngayon para damayan ang mga bata at si Autumn, ay hindi namin magawa dahil nasa hospital kami ngayon at binabantayan ang lagay ng lola mo! Gago ka!" ang galit na sigaw ng papa niya.
    "Pa"-
    "Ano bang gusto mong patunayan sa pagpasok mo sa negosyo na iyan ha Ace?"
    "I just wanted to prove that I could build a business of my own" ang giit ni Ace.
    "Iyan ang gusto mo, pagbibigyan kita, simula bukas hindi ka na CEO ng DuPont-O'Shea corporation, magsimula ka sa negosyong gusto mo, galing sa sarili mong pera! Wala na kaming pakialam sa iyo!" ang galit na sabi nito bago nito pinutol ang usapan.
    Napabuntong-hininga na lang si Ace, paano ang mga anak niya? Wala siyang pagkukunan na income dahil palabas ang pera niya dahil sa construction ng resort. Napapikit a lang si Ace.
    With a heavy heart he dialled a number, he needed someone to talk to, hindi na niya kakayanin ang sunud-sunod na dagok sa kanya.
    "Yes?" ang sagot sa kabilang linya.


The General's Daughter, The Accidental Groom Book 2 (completed) Self- PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon