Chapter 27

4.1K 140 45
                                    

Halos manginig ang kamay ni Ace at nanlambot ang kanyang katawan ng makita niya na galing ang sulat sa isang kilalang abugada.
"Kilala mo naman siguro kung sino ang abugada na iyan Ace" ang sabi Ni Deven sa kanya habang tinitingnan siya nito.
He still wanted to deny his thoughts, the reality, kahit pa kinabahan at nanlamig na ang buo niyang katawan.
"Yeah, she's a good defense lawyer" ang sagot ni Ace at sinubukan niyang pagaangin ang dating ng boses niya kahit pa namamalat na iyun.
Deven knew na in denial pa ang kaibigan and he wanted to sound lightly, pero hindi iyun ang kailangan ni Ace. Hindi siya nagpunta rito para ibaby ito, but to talk some sense to his best friend.
"She's not just a good lawyer Ace" ang giit ni Deven, "de campanilla na ang batang abugada na iyan" ang paalala nito sa kanya.
"And she's not only a defense lawyer, she's an annulment lawyer na wala pang naitatalo na kaso, alam mo ba kung gaano katagal ang itinatakbo ng annulment case na nahawakan niya?" ang tanong nito sa kanya, at hindi siya makatingin sa kaibigan.
"Six months" ang mariing sabi nito sa kanya, at nanikip na naman ang kanyang dibdib sa narinig.
"Pero, bakit ako nakatanggap ng sulat mula sa abugada ni Autumn at hindi sa family court?" ang takang tanong niya.
"Open it nang malaman natin, I just wish na hindi nga annulment case ang laman niyan" ang sabi ni Deven na mukhang nadarama rin ang kaba na nadarama niya ng mga sandaling iyun.
Habang pinupunit ang gilid ng sobre ay umaasa siya na nagkamali lang ng address ang abugada, o kaya naman ay? - hindi niya alam kung ano.
Halos manginig ang mga kamay niya habang binubuklat ang puting papel, at kapwa tumigil ang paghinga ng magkaibigan, para bang suspense movie na kapag binuklat nila ang papel ay magugulat na lang silang dalawa.
Napapikit muna si Ace at napabuntong-hininga, saka niya dahan-dahang binuklat ang papel, at binasa ang laman nito. At parang gumuho na ang kanyang mundo, para siyang nadaganan ng mabigat na bato at hindi na siya makahinga. Unti-unti nang nangilid ang luha sa kanyang mga kulay abo na mata.
Deven took a swig on his beer at bumilis din ang tibok ng puso nito kinabahan din siya para sa kaibigan,at mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso nito nang makita na ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.
"Well what is it? What did it say?" ang di na mapigilan na tanong ni Deven sa kanya, at nakaramdam na siya ng panlalambot ng katawan. At mabagal niyang ipinatong ang sulat sa ibabaw ng counter.
"Ahm... it was a letter from Atty Ferrera... gusto niya akong makausap bukas regarding.... sa ipafile nila na annulment case" ang sagot ni Ace na unti-unti nang nahihirapan na magsalita.
"God dammit!" ang malakas na sabi ni Deven at napahilamos ang isang kamay nito sa mukha.
Sinulyapan ni Ace ang kaibigan at kitang-kita ang labis na pagkabalisa sa mukha nito. Akala niya na magiging OK na ang lahat, pero ang pag-asa sa kanyang puso ay unti-unti nang nauubos.
"Nakausap mo na ba si Autumn?" ang tanong nito sa kanya.
Umiling siya at tumungga ng beer, at narinig niya ang malakas na buntong-hininga ng kaibigan.
"You want me to come with you? I'm no lawyer, but" at hindi na nito naituloy pa ang sasabihin at napabuntong-hininga na lang sabay lagok ng beer.
"No, it's OK, isasama ko na lang ang abugado ko" ang malungkot na sagot ni Ace.
"Just think Ace, baka nandun si Autumn, of course nandun si Autumn!" ang excited pang sabi ni Deven, "kunin mo ang pagkakataon na iyun para magkausap kayo, magpaliwanag" ang giit pa nito.
Biglang nagliwanag ang mukha ni Ace, sa sinabi ni Deven. Of course! Nandun si Autumn, at magagawa niya itong kausapin. Siguradong wala ang daddy nito, dahil mag-aalaga ito ng mga bata sa bahay. Baka ito na nga ang opportunity na hinihintay niya.
Tumangu-tango na lang siya, bilang sagot sa kaibigan at sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Nang mapansin ni Deven ang isa pang set ng mga papel na nasa ibabaw ng kitchen isle.
"What's that?" ang tanong ni Deven, sabay turo ng mga papel na nakapatong sa may lamesa malapit sa kanya.
Sinundan ng tingin ni Ace kung saan nakaturo ang daliri ng kaibigan, at tumaas ang mga kilay niya at napakamot ang isang kamay sa kanang mga mata niya.
"Spreadsheet, cash flow ng mga expenses sa resort" ang sagot ni Ace at nakita niya ang pag-iling ni Deven.
"Hindi mo na sana itinuloy iyan Ace"
"Bakit ba lahat kayo dini discouraged ako?!" ang galit na tanong niya, he was getting frustrated already! Ni isa man lang sa kanila ay walang nagsabi na, "Ace I'm so proud of you" dahil sa nagawa niyang isang malaking hakbang sa karera niya.
Pero bigla siyang natigilan, no, hindi lahat, mayron isa na nagsabi sa kanya, na "she's so proud of him" at iyun ay walang iba kundi si Autumn.
Deven sighed, "its not about the business Ace, but about THE WOMAN, on your business" ang giit ni Deven.
"What? Selena?" he asked sounding exhausted, at napailing siya, "how many times do I have to explain myself about her?!"
"Siya ang dahilan kung bakit ka iniwan ni Autumn Ace" ang paalala ni Deven sa kanya.
"Which was a misunderstanding! Autumn was just having this... Insecurity thing, on her" ang sagot ni Ace.
"Paulit-ulit ko ng sinasabi na WALA kaming relasyon, kundi mag business partner lang, kung nilawakan sana ni Autumn ang isip niya at hinayaan niya akong magpaliwanag,
Deven looked at him, aghast, "do you hear yourself Ace?" ang do makapaniwalang tanong nito sa kanya.
Napahilamos si Ace sa kanyang mukha, he's so tired, he's so tired of explaining himself, when all he ever wanted was to explain himself only on Autumn. But, her mind was closed. He already explained himself to her about his dream, of having a business of his own. Pero bakit, hindi niya iyun, naintindihan?ang sabi ni Ace sa sarili.
"Kahit pa wala kayong relasyon Ace, alam mo na ang dahilan ng lahat ng ito ay ang Selena na iyun" ang giit ni Deven.
"And what? I'll just throw away the millions that I have invested? For me to pay a legal fine for bridge of contract? Ano ako, nagtatapon ng pera?" ang galit na tanong ni Ace.
"I thought importante ang future mo?" ang galit din na balik tanong ni Deven.
"I know! And this is it! This is my future! This is for my kids future!" ang giit muli ni Ace,
Deven was known for his Irish temper, and his French best friend is testing him, "you know what?" ang sabi ni Deven, at tumayo na siya, pagod na siya sa pag esplika sa kaibigan.
"I came here to talk sense to you, and to help you save your marriage, but... , ikaw itong sarado ang utak" ang sabi ni Deven.
"If you wanted to help me then, help me talk to Autumn or at least explain to her about everything" ang sagot niya sa kaibigan.
Napailing si Deven at pinisil ng hinlalaki at hintuturo nito ang buto sa ilong. Deven sighed, "Hindi si Autumn ang kailangan kong kausapin Ace, dahil wala naman kay Autumn ang problema, napakatigas ng ulo mo, at dahil diyan, isa-isang mawawala ang lahat sa iyo" ang sagot ni Deven bago ito naglakad. At narinig na lang niya ang pagsara ng pinto.




"Anak, that was a big step that you're making sigurado ka na bang talaga?" ang seryosong tanong ng kanyang daddy sa kanya.
"I have to do this dad, kailangan ko na na mag move on sa buhay ko" ang sagot ni Autumn, habang abala siya sa pagluluto ng tanghalian nila.
Napabuntong-hininga ang kanyang daddy at dinampot nito ang isang hiwa ng sitaw na nakalagay sa strainer. Pansahog ito sa pinakbet na niluluto niya. Hinawakan iyun ng daddy niya at pinagmasdan.
"I'm only saying Autumn, is that, wala ka na bang nararamdaman na pagmamahal diyan sa asawa mo?" ang biglang tanong nito sa kanya.
Natigilan si Autumn sa paghahalo ng kanyang ginigisa, at napabuntong-hininga siya. Inilagay niya ang mga hiniwang kalabasa na paborito ng kanyang mga anak, hinalo ng kaunti at nilagyan niya ng kaunting tubig ang kaserola bago niya ito tinakpan. At saka siya dahan-dahang humarap sa kanyang daddy na nakatuon ang mga mata sa kanya at naghihintay ng sagot.
"Dad, bakit nyo naman po naitanong iyan?" ang kunot noong tanong niya sa kanyang daddy.
Nagkibit-balikat muna ito at ibinalik sa lalagyan ang isang hiwa ng sitaw na hawak nito, "Autumn, hindi mo na ba mahal si Ace?" ang muling tanong nito sa kanya.
"My feelings doesn't have anything to do with this" ang sagot niya, dahil hindi rin niya alam ang isasagot, pero nang mga sandaling iyun, galit ang nadarama niya para sa asawa.
"You're wrong" ang tutol ng daddy niya, "your feelings has EVERYTHING, to do with this, kung mahal mo pa ang asawa mo, you could save your marriage and family" ang sabi ng ama.
"What?!" she exclaimed at hindi makapaniwala sa sinabi ng ama, "dad you can't be serious"
"I'm dead serious, look, have you ever talked to him and hear his side of the story?" ang tanong ng ama niya. Alam niya ang mga naging desisyon niya at aksyon para sa anak, pero ikinagulat niya ang hakbang na ginawa ni Autumn, na magpapabago ng lahat.
"At ano? Pakikinggan ko ang mga pagsisinungaling niya?" ang tanong niya sa ama, "I don't even care kung walang nangyari sa kanila ng Selena na iyun, which I doubt was not true" she exclaimed, "mas inuna niya ang babaeng iyun kaysa sa amin, pilit ko siyang inintindi, ilang beses siyang nanghingi ng sorry sa mga ginawa niya, only to do it again on the next day, hindi na niya ako nirespeto as a mother of his children, kung purihin niya ang babaeng iyun sa harapan ng mga anak ko! And he didn't treated me as a partner, kaya tingin niya sa akin ay walang alam!" ang galit na sabi ni Autumn.
"And after all that happened, he wanted me back, he said, he wanted me back?" ang tanong ni Autumn and she spat those words, "pero ano bang ginawa niya para bumalik ako sa kanya?" ang tanong ni Autumn.
"Gusto niya lang akong makausap just to clear his name, to clear Selena's name, pero tuloy pa rin ang lahat" ang sabi ni Autumn.
"Hindi siya gumawa ng isang mabigat na hakbang para bumalik ako sa kanya dad, mas pinili pa rin niya si Selena, after he knew, what I felt for that slut! Itinuloy pa rin niya ang kung anong meron sa kanila ni Selena, and my feelings didn't matter to him, gusto lang niya na intindihin ko siya at ako hindi niya kayang intindihin" ang sagot ni Autumn.
"It should be a give and take, relationship but all he has done to me was to take, everything that I have to give, and it left me with nothing" ang mariing sabi ni Autumn na halos maluha na sa pagsasalita.
Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa at napayuko sandali si Autumn, nawala na ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.
"You're right dad, my feelings has EVERYTHING to do with this, and what I felt for him right now, is nothing" ang mariing sabi niya sa kanyang daddy na tiningnan siya sa kanyang mga mata.
Tumayo ito mula sa pagkakaupo nito at naglakad sa kanya papalapit, at ikinulong siya nito sa mahigpit na yakap ng kanyang mga bisig.
Hinalikan nito ang kanyang noo at gumanti rin siya ng yakap sa ama, "I'm sorry for what I said Autumn" ang bulong nito.
"No, dad, I know you mean well" ang sagot niya sa ama.
"I just wanted to know, kung talagang determinado ka sa desisyon mo" paliwanag nito, "I'll support you and your kids, hanggang sa humihinga ako".
"I know dad, thank you" ang bulong niya.


Naghihintay sina Ace at ang abugado niya sa may lobby ng Ponceta Law Firm, they were fifteen minutes early at may kausap pa daw ito. After a few minutes more ay napansin niya ang secretary nito na dinampot ang telepono.
"Yes, Atty, nandito na po sila kanina pa.... OK po" ang huling sabi nito bago ibinalik ang receiver ng phone. Tumayo ito at lumapit sa kanila.
"Mr. DuPont, Atty. Ferrera will see you now, right this way" ang sabi ng secretary at naglakad ito na nauna sa kanila. Sumunod sila sa secretary at naglakad papalapit sa wooden double doors.
Bigla siyang kinabahan, sa kabila ng pinto ay naroon si Autumn, ito na ang pinakahihintay niyang pagkakataon, ang sabi niya sa sarili.
The secretary placed her hands on the knob and swung the door wide open, while Ace held his breath.

The General's Daughter, The Accidental Groom Book 2 (completed) Self- PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon