Chapter 7

3.3K 107 16
                                    

Days passed at sinunod na lang niya ang mga gusto ni Ace, kahit pa pakiramdam niya ay unti-unti nang nawawala ang boses niya sa bahay. She felt degraded and unimportant, na mas lalong nagpababa ng kanyang self esteem. Pero kahit pa ganun ang kanyang nadarama ay itinago na lang iyun ni Autumn, para lang hindi na sila magtalo pa ni Ace.
     Maybe Ace was really striving hard to provide for his family, maybe he’s striving hard for them? baka naman panandalian lang ito at lalampas din sa kanilang buha,  ang mga sinasabi ni Autumn sa sarili para hindi siya mag-isip ng mali sa asawa, kahit pa sa bawat araw ay bumibigat ang nadarama niya sa dibdib.
    Maybe, she’s being selfish? Dahil sa kabila ng pagpupursige ni Ace na mapaganda pang lalo ang buhay nila ay pinagdududahan pa niya ito. Hindi ba dapat ay suportahan niya si Ace, bilang asawa nito ay dapat inuunawa niya ang asawa? Maybe she’s wrong, and she felt guilty about it.
     Pero sa mga nagdaan din na araw ay lagi pa rin itong umuuwi ng late at kasama nga nito si Selena, na busy lang sila sa pagpaplano ng kanilang new business ventures. He said that their busy planning and after office hours mula sa kumpanya nito, saka lang sila makakapag meeting ni Selena, and soon ay pipirma na sila ng contract bilang magbusiness partner.
     Autumn tried to understand Ace, baka nga sa sobrang dedication nito sa bagong negosyo na papasukin nito ay nagiging mas busy lang ito kaysa sa dati. Siguro dahil sa ito ang unang negosyo ni Ace sa labas ng kumpanya ng kanyang ama at lolo. Ito ang magiging unang negosyo na si Ace mismo ang mag tatayo. And all she could do, was to support him and be his understanding wife.
     Pero hanggang kailan ito kakayanin ni Autumn? Hanggang kailan niya kayang masaktan para lang manatiling buo ang kanilang pamilya?

    Malapit na ang valentine’s day, at kung dati ay si Ace ang laging may supresa sa kanya, this time, she wanted to surprise him. Naisip niyang ibook in advance ang villa na tinuluyan nila sa Zambales noon. The place where they made love for the first time. Tutal Friday naman ang valentines, then Sabado kinabukasan, at naurong naman next weekend ang family day ng mga anak niya kaya, may weekend sila na pwedeng mag stay sa villa ng sila lang ni Ace. Iiwan na lang niya ulit sa daddy niya ang apat na anak at isasama niya si Brenna.
    Excited niyang kinontak ang resort para ibook ang villa at napakaswerte niya dahil sa ang unang magpabook niyun ay nag cancel kani-kanina lang. She made a reservation and book from Friday night hanggang Sunday ng umaga.
     After that ay balak niyang magpa-spa, napaka tagal na niyang hindi man lang nakapag massage man lang at mani and pedi na rin. She wanted to look good para kay Ace, try na rin kaya niya na ipatanggal ang stretchmarks niya? Ang tanong niya sa sarili. Pero, hindi naman siya pwedeng magtagal sa labas kaya, massage and manicure at pedicure muna. She’ll call manang Rose para samahan sandali ang mga bata.

    “Dad? Hi! Pwede ko ba hiramin muna si manang Rose? Sandali lang po, pupunta lang ako sa mall para lang may kasama ang mga bata.
    “Ako na lang, wala naman akong ginagawa, nabuburyong6na ako rito sa bahay, minsan nga ay dalhin mo ang mga bata rito, nang magka ingay naman dito sa bahay” ang sabi ng kanyang
     Natawa naman si Autumn, “naku dad, wag po kayong mag-alala at sa weekend, balak ko pong yayain si Ace sa Zambales, dalawang gabi kami mawawala at iiwan ko po ang mga bata sa inyo, except kay Brenna at kailangan ko pong isama” ang sagot niya.
    “Naku, kailangan ko na palang planuhin ang activity namin ng mga apo ko, bibili ako ng tents at magcacamping kami sa labas, bonfire at marshmallows” ang excited na sabi nito.
    Natawa si Autumn sa narinig na excitement sa kanyang daddy, he was really making up for the years na hindi niya ito nakasama, at sa mga apo ito bumabawi.
     “That sounds great dad, sige hintayin ko na lang po kayo, bye love you” ang pagpapaalam niya sa kanyang daddy.
    

     Agad siyang nagpunta sa isang malapit na mall sa kanilang lugar, namili siya ng bagong damit. Sa loob kasi ng ilang taon na pagsasama nila ni Ace ay ngayon lang siya ulit bibili ng mga bagong damit. Maybe, a new negligee too.
    Nagpareserve na rin kasi siya sa isang restaurant sa Zambales para makapag dinner sila. At ayaw naman niyang, mag shirt at jeans lang. She wanted to look pretty, kaya naghanap siya ng magandang dress. A little bit sexy, she guessed, but, hindi naman masyadong revealing.
    At naalala niya ang sinabi ni Selena, if yoy have it, flaunt it. Sadly hindi naman ganun kalaki ang hinaharap niya kaya, hindi na siya kukuha ng may low neckline. But, she knew her best assets was her legs and butt.
    Maybe she’ll get a dress with a short fitted skirt, ang sabi niya sa sarili. Nagpunta siya sa isang kilalang boutique ng mga dress, she was so happy ng makakita ng dress na sa tingin niya ay bago sa paningin ni Ace. She was so excited, at napunan ng panibagong saya ang kanyang dibdib, kaya ang nga hakbang niya ay may saya na rin na para bang may spring ang mga paa niya at kay sigla ng kanyang bawat paghakbang.
    Pagkatapos ay dumiretso siya sa isang Spa para magpamassage, facial, manicure at pedicure. And she felt so relaxed. Parang natanggal ang stress niya. Gusto niya pa sanang magpa parlor para magptrim at magpakulay ng buhok pero, kukulangin na siya ng oras.
     She was on her way papalabas ng mall, sumakay siya ng elevator, at nang papasara na ito ay may humabol pa na sumakay at nagulat siya nang makita ang kilalang mukha. It was Lyndon.
    “Lyndon!” ang gulat na sabi niya at nanlaki rin ang mga mata nito nang makita siya.
    “Autumn!” ang masayang bati nito sa kanya at nagyakap silang dalawa. She missed him, ang tagal na kasi na hindi sila nagkita at medyo busy na rin kasi ito.
     “How are you?” ang masayang tanong nito sa kanya.
     “I’m good! Its been so long, nagmamadali ka ba? Can we catch up and have some coffee?” ang tanong ni Lyndon sa kanya.
     Gusto mang tumanggi ni Autumn, pero hindi niya magawa at si Lyndon ay isa sa mga naging mabuti niyang kaibigan.
    “I’ll call dad first and check on Brenna” ang nakangiting sagot niya.
    “Oh God, I missed your kids lalo na si Brooke, minsan ay dadalaw ako sa inyo” ang sagot nito.
    Pagkalabas nila ng elevator ay kinuha niya ang kanyang phone sa bag, para tawagan ang daddy niya.
    “Dad? Hi, kamusta po ang mga bata?” ang bungad na tanong niya.
    “The kids were great, nagluto ako ng spaghetti”
    “With my help!” ang narinig niyang sigaw ni Brooke sa background at hindi niya napigilan ang ngumiti.
    “So Brenna po umiiyak na ba at gutom?” ang alalang tanong niya.
    “Kanina, pero, naalala ko yung binili mong gatas niya at mga feeding bottles, aba! Eh bakit naka seal pa ang mga lata ng gatas?” ang takang tanong nito sa kanya.
    “Ahm, eh, hindi ko pa po natatry dad” ang sagot niya at di na niya sinabi ang naging usapan nila ni Ace.
     “Anyway, binuksan ko na yung isa at tinimplahan si Brenna and guess what?” ang tanong pa ng daddy niya.
    Kinabahan si Autumn, “what dad?” ang tanong niya.
    “She loves it, naubos ang isang bote at nag round two pa” ang masayang sagot ng daddy niya, at di niya napigilan ang makaramdam ng tuwa.
    “Really dad?” ang di makapaniwala niyang pa tanong na sagot.
    “Yup, I don’t see why, kung bakit hindi pa ka pwedeng magstart na magtrabaho and pwede mo na rin iwan sa akin ang mga apo ko sa Friday kapag nag Zambales na kayo” ang sagot pa nito.
    Ayaw man na mapahiwalay sa mga anak pero, magandang balita iyun para kay Autumn, they could spend the weekend with each other, at makakapag bindinh6na silang mag-asawa na sila lang. At, this could be the start para unti-unti nang maging ready si Brenna at makabalik trabaho na siya, ang umaasa niyang sabi sa sarili.
    “Bakit mo nga pala naitanong?” ang tanong ng daddy niya sa kanya.
    “I met Lyndon here dad, he’s with me right now” ang sagot niya.
    “Oh really? Ikamusta mo ako sa kanya” ang bilin ng daddy niya.
     “Lyndon, dad said kamusta ka na raw” ang sabi niya kay Lyndon na matiyagang naghihintay sa tabi niya, at ngumiti ito.
     “Tell him I’m good, and ask him, kung kailan namin itutuloy ang sino, namin” ang sagot ni Lyndon. Kumunot ang kanyang noo dahil sa pagtataka kung ano ang sinasabi nitong “sino”.
     “Dad, kailan nyo daw itutuloy ang sino ninyo?” ang sabi niya sa kanyang daddy.
     “Huh, punta lang siya anytime, oh sige na, I saw Britt playing on her spaghetti, don’t hurry up anak, alam ko naman na ngayon ka pa lang nakalabas para sa sarili mo, mag-enjoy ka muna and don’t worry about the kids, if everything gets out of hand tatawag lang ako sa Crame for back-up “ ang bilin sa kanya ng daddy niya ikinataba ng kanyang puso.
    “Thanks dad” ang sagot niya saka niya ibinalik ang kanyang phone sa bag.
    “OK?” ang tanong ni Lyndon.
    “Yeah, everything’s fine, better than I expected” ang masayang sagot niya na may malapad na ngiti sa kanyang mga labi.
    “Oh, let me carry that for you” ang alok ni Lyndon at kinuha nito ang dala niyang bag sa kamay.
    “Thanks, pauwi ka na rin ba?” ang tanong niya kay Lyndon habang naglalakad sila para pumunta sa isang kilalang coffee shop na nasa loob ng mall.
    “Yeah, may sinadya lang ako kanina, ikaw, mukhang nagshopping ka ah” ang sagot nito sa kanya at bahagya pang itinaas ang bitbit nitong mga shopping bag.
     “Medyo, alam mo na, malapit na ang valentines day” ang nakangiting sagot niya, “ikaw may kadate ka na ba?” ang tanong niya. Napansin niya ang malungkot na ngiti nito sa mga labi.
    “Hmm, hindi ko pa sure” ang matipid na sagot nito sa kanya. Ang love life ni Lyndon ay nananatili pa rin na isang misteryo sa kanya. Ni wala pa nga silang nabalitaan na girlfriend nito, or boyfriend, just to amuse themselves. Masyado lang ba itong pihikan sa babae? Ang tanong niya sa sarili.
    “Kamusta ang bahay mo?” ang muling tanong niya.
    “Malaki pa rin para sa isang nag-iisa na gaya ko, pero, I know that sooner ay madadagdagan na rin ang titira sa bahay na iyun, and thank you sa magandang pag-aayos mo sa bahay, I really love going home, knowing na marerelax ako sa hitsura ng bahay” ang sagot nito sa kanya.
    “You’re welcome and I’m glad to know na, nagustuhan mo talaga ang ginawa ko sa bahay mo na design” ang masayang sagot niya.
    They chatted while walking at nang makita na nila ang coffee shop, at nang papalapit na sila ay bigla siyang napatigil sa paglalakad. At napansin iyun ni Lyndon at kumunot ang noo nito na tiningnan siya.
    “What’s wrong?” ang tanong nito sa kanya.
    Hindi siya agad nakasagot dahil napako ang kanyang mga mata sa dalawang nauunang naglalakad sa kanila. Hindi siya pwedeng magkamali, it was definitely Ace at hindi rin siya pwedeng magkamali na ang kasama nitong babae ay si Selena, na nakahawak pa sa braso ng asawa, habang naglalakad ito. Hindi sila nakita ng mga ito dahil nga sa nauuna ang mga ito sa kanila ni Lyndon.
     “Si Ace yun hindi ba?” ang tanong ni Lyndon sa kanya na sinundan ng tingin ang mga mata niya kung saan nakatuon ang mga iyun.
    “Uh, yes” ang sagot niya at nanatili pa rin siyang nakatayo.
    “Sino yung babae na kasama niya?” ang galit na tanong ni Lyndon, na nakadama ng galit sa pinsan ng mga sandaling iyun. Nag-init ang ulo ni Lyndon at parang gusto nitong mabilis na lapitan ang pinsan at suntukin ito sa mukha. Nababaliw na ba si Ace? Ang tanong ni Lyndon sa sarili.
    “Ah, si Selena yun” ang sagot niya at nakita nila na sa coffee shop rin ang tungo ng dalawa, pinagbuksan pa ng pinto ni Ace si Selena, na ngumiti ng matamis sa asawa na parang tuta na nakangiti kay Selena.
    “Ah, pwede ba na sa ibang coffee shop na lang tayo magpunta?” ang tanong niya kay Lyndon, sumama na rin ang pakiramdam niya, at hindi niya alam kung bakit naduwag siyang humarap sa mga ito.
    “Alright, may alam ako na coffee shop sa labas ng mall, are you okey?” ang alalang tanong ni Lyndon sa kanya, dahil sa namutla na pala siya.
    “Oh, I’m fine, I’ll explain everything later, gusto ko na muna na makalabas na” ang pakiusap ni Autumn na ang pakiramdam niya ay inalisan ng hangin ang loob ng mall at nahirapan na siyang huminga.
    Tumangu-tango si Lyndon at inilapat nito ang palad sa kanyang likod para alalayan siya maglakad patungo sa kabilang direksyon.
    Naalala niya ang sinabi ng kanyang daddy, follow her intuition. And hers was waving a red flag, and it was blaring on her head.

The General's Daughter, The Accidental Groom Book 2 (completed) Self- PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon