Chapter 30

4.4K 160 62
                                    

Naupo na sina Autumn at Lyndon sa front seats, magsisimula na nag maikling programa, para pagsalitain ang mga guest sa event na iyun.
     Isa-isa ng nag akyatan sa isang maliit na stage ang mga honorary guests, at nang may umakyat na maliit na may edad na babae at napasipol ng mahina si Lyndon.
     "Why?" ang pabulong ang takang tanong ni Lyndon ng marinig ang mahinang sipol nito nang makitang umakyat sa maliit na stage ang petite at matandang babae.
     "That's Mrs. Eva Lacsamana" ang bulong ni Lyndon.
     "And?" ang kunot noong tanong pa rin ni Autumn na hindi pa rin naintindihan ang katabi.
     "She's the dowager of the South" ang bulong pa rin ni Lyndon.
     "What?"
     Lyndon sighed, "hindi ba nabanggit ko sa iyo noon ang tungkol sa laro namin na sino ng daddy mo?" ang tanong ni Lyndon, at tumangu-tango siya.
     "Dahil sa marami akong group of friends at may intelligence naman ang daddy mo, madalas kaming magpalitan ng mga tanong at naghuhulaan kaming dalawa" ang paliwanag ni Lyndon.
     "Tsismoso lang kayo ni daddy.. ngayon?" ang sagot ni Autumn sabay irap kay Lyndon at napangiti.
     "Uh-uh" ang tutol ni Lyndon kasabay ng pag-iling nito and he wagged his index finger in her nose.
     "Hindi TSISMIS ang amin Autumn" ang giit ni Lyndon.
     "Alright, alright, so anong kinalaman ni Mrs. Lacsamana sa INTELLIGENCE nyo ni daddy?" ang interisadong tanong ni Autumn.
     "Si Mrs. Lacsamana ay ang asawa ni congressman Fidel Lacsamana" ang panimula ni Lyndon.
     "So?"
     "Let me finish" ang sagot ni Lyndon at nagkibit balikat lang si Autumn.
     "Congressman Lacsamana was or is known to be corrupt and womaniser, pero naging mas maingat na raw ito ngayon" ang sabi ni Lyndon.
     "Syempre, he could be jailed" ang mabilis na sagot ni Autumn.
     Umiling si Lyndon, "Mrs. Eva Lacsamana came from a wealthy and powerful family, and hindi lang dahil doon, kung bakit nakuha niya ang titulo na dowager, ang balita at ayun na rin sa intelligence ng daddy mo, marami ng ipinapatay si Mrs. Eva, at karamihan doon ay ang babae ng asawa niya. Actually ang kwento, second life na ni congressman ang buhay nito ngayon dahil pinatambangan na ito ng Mrs. Niya para matakot" ang kwento ni Lyndon.
     Kunot ang noo na napatingin si Autumn kay Lyndon at dahan-dahan niyang ipinaling ang ulo paharap sa entablado, pinagmasdan ni Autumn ang maliit na babae na abala sa pakikipag usap sa mga katabi nito na honorary guest. She looked so angelic, ang sabi ni Autumn sa sarili kaya parang ang hirap paniwalaan na kayang magpapatay nito. Well, hindi mo talaga pwedeng husgahan ang tao sa hitsura, minsan kung sino pa ang mukhang anghel, sila yung matinding magalit.
     Autumn looked down on her phone, she texted her dad para kamustahin ang mga bata, she already missed them, ngayon lang kasi sila nagkahiwalay ng mga bata ng matagal at sa gabi. Usually kasi, ay tinatapos niya ang trabaho para sa hapon ay nasa bahay na siya at makasama na ang nga anak.
    Mahina siyang natawa ng magpadala ng picture ang daddy niya sa kanya, picture iyun ni Brooke na nakamake up, napabuntong-hininga na lang si Autumn, nang maalala niya kung kagaano kamahal ang mga binili niyang make up, balewala lang ito nang makita ang mga anak sa phone, pati si Britt ay may make up.
     She texted her dad, na medyo gagabihin pa siya, and her dad answered for her to enjoy the night. Kasalukuyan siyang nakayuko ng magsalita na muli si Lyndon.
    "Whoah, kung nakakatunaw lang ang tingin, baka tunaw ka na ngayon I mean, really you should be a puddle of sweetness already" ang pabulong na sabi ni Lyndon.
    She knew Ace was in the vicinity, pero hindi pa niya ito talagang nasisilayan ng kanyang mga mata, nasa bandang likuran siguro nila sina Ace at Selena, dahil sa front row sila nakaupo no Lyndon.
    "Pwede ba, wag mo muna sirain ang gabi ko, at mabanggit ang magaling kong asawa na malapit ng maging ex" ang sabi ni Autumn na hindi man lang tumingala para magsalita at nanatili siyang nakayuko habang nagtitext.
     "I'm not talking about Ace, Autumn, look up on the stage" ang bulong ni Lyndon.
     Napatingin muna si Autumn kay Lyndon before her head quickly tilted upward to look on the stage in front of her. At biglang nagtama ang kanilang mga mata.
     Oh... My... God! Her ultimate idol! Demitri Montagno was only a few feet away from her, and his looking, oh no! He's not just looking, he was staring at her!
    Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Autumn, she was so excited na makita ang hinahangaan na interior designer, sana makamayan man lang niya ito! Ang umaasang sabi niya sa sarili.
    Biglang nag-init ang kanyang mga pisngi ng ngitian siya nito, at tumigil sandali ang tibok ng kanyang puso. Oh, my God!
    Umiwas ng tingin si Autumn mula sa mga mata ni Demitri, at itinuon na sa host ng event nang magsalita na ito.
    Lyndon gently nudged her elbow with his, "Bakit?" she answered through griited teeth.
    "Are you still breathing?" ang biro ni Lyndon sa kanya.
     "Barely" ang bulong na sagot niya, she felt so conscious, dahil sa ramdam niya na ang mga mata ni Demitri sa kanya.

The General's Daughter, The Accidental Groom Book 2 (completed) Self- PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon