Chapter 33

4.1K 127 43
                                    

Pinagmasdan ni Autumn ang mga natutulog na anak sa kanilang mga silid. Nang gabing iyun ay umuwi na rin sila agad. Parang madudurog ang puso niya, habang pinagmamasdan ang mga anak na tulog na tulog sa mga kama nito.
Napabuntong-hininga siya, at tahimik niyang isinara ang pinto ng kwarto nito. Nagpunta siya sa kusina at nagsalin ng kape sa isang mug. Lumabas siya sa likod bahay at naupo sa isa sa mga lounger.
Bumalik na naman ang diwa niya sa mga nangyari kanina sa villa. Ang naging palitan nila ng mga salita ni Ace.
Nasaktan siya, dahil umasa pa rin siya na magkakaayos sila ni Ace, kapag nakapag usap sila. They were so happy that day. Iyun lang ang hinihingi niya kay Ace, pero, hirap siyang ibigay iyun sa kanya.
She would compromise, kung pumayag man si Ace na iwan so Selena at kung hilingin man ni Ace na tumigil siyang muli sa pagtatrabaho, gagawin niya, para sa mga anak niya.
Umasa siya ng mga sandaling iyun, pero, muli siyang nabigo. Nabigo na buksan ang mga mata ni Ace sa tunay na nangyayari.
At ang masakit pa niyun, ay ng magpaalam na ito sa mga anak nila. They were so hopeful na, they would spend the whole weekend together. Pero, nagkaproblema daw sa site at kailangan nitong puntahan agad. Halos madurog ang puso niya habang pinakikinggan ang pagmamakaawa ng mga anak sa daddy nila, na tanging sagot ay isang pangako na, he would make up to them and they would spend the whole weekend, together sa beach sa Zambales.
She wanted to ran into them and yell at Ace, na huwag gumawa ng mga pangako na hindi naman nito kayang tuparin at sasaktan lang nito ang damdamin ng mga anak niya. Pero, hindi niya ginawa. Nanatili siya sa loob habang pinakikinggan ang pag-iyak ng mga anak.
Bagsak ang mga balikat na pumasok ang kanyang mga anak sa loob ng bahay, at mga basa ang mga mukha nito dahil sa pag-iyak.
Autumn tried to swallow her emotions, and she tried to push back her sorrows and made her face and attitude happy. Nitong nga nakaraan na araw, she already mastered the, ability to change her emotions quickly para sa kanyang mga anak.
"So, who wants to go swimming? I surely love to take a dip now" ang masayang sabi niya sa mga anak.
"Mom? Whys did dad go away?" ang tanong ni Brooklyn sa kanya.
"What did your daddy tell you Brooklyn?" ang balik tanong niya sa anak, habang pinapalitan ng damit si Britt at sinusuutan niya na ng swimsuit ito.
"He said that he's working" ang sagot ni Brooklyn.
"Then that's true, your dad's very busy with his business Brooklyn" ang sagot niya sa anak na, habang nakatuon ang mga mata nito sa kanyang maliit na anak na binibihisan ng panligo na damit.
"I don't think that's true mom" ang sagot ni Brooke, na halata ang matinding galit sa boses nito.
"Really why?" ang tanong niya sa anak na di niya tiningnan dahil abala pa siya sa maliit na anak.
"I think you said something on dad that's why he leave" ang sagot ni Brooke.
Her head snapped up para tingnan si Brooke na may pag aakusa sa mga kulay brown nitong mga mata.
"Why did you say that?" ang kunot noo na tanong niya sa anak, na ikinagulat niya.
"Because, my friend in school, they were like us mom, his dad was not living with them anymore, and his dad told them, that, their mom said something that made their dad leave!" ang galit na sabi ni Brooke.
"Brooke, not everything that your classmate said is true" ang giit niya sa anak, pero nangilid na ang luha niya sa mga mata.
"It's true mom, I heard you said something on dad while we're inside the car, I just didn't understand, but, still you said something, then, he wanted to leave? It's your fault mom!" ang galit na sabi ni Brooke.
Nangilid ang luha sa mga mata ni Autumn nang marinig iyun sa labi ng mga anak, she swallowed hard.
"T-that's not t-true... Brooke" ang giit niya sa anak.
"It's true mom" ang sabat ni Brooklyn at napatingin siya sa mga anak na ang mga mata ay nakatuon sa kanya na puno ng pag-aakusa. Parang gusto siyang ipako ng mga anak sa mga tingin ng mga ito.
"You're bad mom!"
"I hate this life!"
"I hate you mom!"
"I want dad!"
"It's your fault mom!"
Her heart broke into many pieces that very moment, "I said it is NOT true!" ang sigaw niya.
Natigilan ang kanyang mga anak, dahil sa unang pagkakataon ay sinigawan niya ang mga ito, but she was frustrated. Bakit siya ang sumalo lahat ng galit ng anak?
"You know what, if your going to be miserable because you think I'm a bad mom, then go to your rooms and pack your things! We're leaving, we're going home!"
"But you promised!"
"I'm tired Brooke, I'm tired of your accusations on me, move little lady, we're leaving" ang galit na sabi niya sa panganay na anak. Brooke's small pink lips quivered and she ran inside her room and slammed shut the door.
Hindi na napigilan ni Autumn ang lumuha ng mga sandaling iyun. At ngayong gabi, habang nakaupo siya sa lounger, iniisip pa rin niya ang mga sinabi ng anak
Was she a bad mom? Tama ba na inintindi na lang niya si Ace at sinuportahan na lang niya ito? Siya na ang mali at sarado ang isip niya at hindi niya inintindi si Ace? Siya ba ang nagkulang? Siya ba ay naging makasarili? Kung siya nga ang nagkamali, then isa nga siyang masamang ina at asawa.
"Autumn?" ang pagtawag ng kanyang daddy mula sa likuran niya, at mabilis niyang pinahid ang kanyang mga luha.
"Daddy" ang sagot niya, with her hoarse voice, at lumingon siya sa kanyang likuran para sundan ng tingin ang kanyang daddy na humakbang papalapit sa kanyang tabi at naupo sa katabing lounger.
"You're crying" ang sabi ng daddy niya sa kanya.
"Wala po ito, wala naman yatang bago sa pag-iyak ko dad" ang nakangiting sagot niya sa kanyang daddy, ngunit malungkot ang kanyang ngiti.
"What happened Autumn?" ang tanong ng daddy niya sa kanya.
She blinked back her tears and she breath deeply, saka niya ikinuwento sa kanyang daddy ang mga nangyari.
"Umasa ako dad, na, that day, I had that feeling na maayos na ang pamilya namin, I'm ready, para sa mga anak ko, dahil nakita ko kung gaano sila kasaya, pero," napabunting-hininga siya, "he couldn't leave her, Selena, she's toxic, pero hindi iyun nakikita ni Ace" she said with desperation in her voice.
Saka niya ikinuwento ang mga nangyari pagkaalis ni Ace, ang mga akusasyon ng mga anak niya, ang mga paninisi, na kahit sinong ina, ay siguradong mapupunit ang puso ng mga sandaling iyun.
Fresh tears flowed in her face, "I was thinking, tama ba ang mga anak ko dad? Na kasalanan ko ang lahat kung bakit nasira ang pamilya namin?" ang umiiyak niyang tanong.
"Kung.. Kung tiniis ko na lang sana, kung nilawakan ko na lang ng husto ang pag-iisip ko sa business niya, at sinuportahan na lang niya ito, baka, baka, buo pa kami? Oo, siguro, durug - durog ang puso ko ang pagkatao ko pero, at least buo ang pamilya ko para sa mga anak ko" ang mga tanong niya.
"Siguro, kung hindi lang ako naging makasarili? At tinanggap ko ang lahat para lang makita kong masaya ang mga anak ko?"
"Kasalanan ko nga ang lahat" ang sabi niya sa sarili habang patuloy na dumadaloy ang mga sariwang luha sa kanyang pisngi.
"But.. Will I be.. An effective mom, kung basag-basag na ako? Kung nawala na ang pagkatao ko? Kung pati katinuan ko ay sinubukan na?" ang tanong niya sa sarili, umiling siya, "siguro, hindi, I won't be an effective mother to my kids, kung basag-basag na ang kanilang ina"
"Autumn" ang mahinang sabi ng kanyang daddy.
"I'll take it dad, I'll take all the blame, kahit pa ipako ako ng mga anak ko, itutuloy ko ito" ang giit niya.
"Tatanggapin ko ang lahat ng galit ng mga anak ko, ang akusasyon, ang paninisi, kahit pa murahin nila ako, tatanggapin ko, dahil alam ko na ginawa ko ito, hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa kanila. Dahil gusto kong magkaroon sila ng ina na buo ang pagkatao at buo ang puso na mamahalin sila" ang lumuluhang sabi ni Autumn.
At maya-maya ay naramdaman na niya ang mahigpit na yakap ng kanyang ama na sa unang pagkakataon ay nakita niyang lumuha para sa kanya.

Tiningnan ni Ace ang oras sa kanyang suot na relo, it was ten in the evening. Nasa bahay pa rin siya nila Autumn, pinatulog pa kasi niya ang kanyang anak, na natulog na may sama ng loob sa kanya.
Hindi kasi niya matutuloy ang ipinangako sa anak na weekend vacation nila sa Zambales. Kailangan kasi niyang pumunta sa site at may problema na naman sa construction.
Ace was getting frustrated, kapag may problema kasi, nadedelay ang construction at naglalabas na naman ng pera. Naalala niya ang spreadsheet na ipinadala niya sa isang kilalang accountant na si Joaquin de Guzman, he was recommended by a friend of his, dahil kakilala nito ang misis ng accountant na Co teacher nito sa isang university. He was still waiting sa result ng report nila.
And, about the construction, pupuntahan niya ulit ang site bukas, without Selena, isasama niya ang isang engineer na nakilala niya noong hapon na nagpunta siya sa site. Ang araw na nakatanggap siya ng tawag kay Selena habang kasama niya ang pamilya niya na naging dahilan na naman ng di nila pagkakasundo ni Autumn.
Ang engineer na nakilala niya ay si engineer Angelo Durante, he met him sa isang coffee shop on his way home. At nakakwentuhan niya ito and one thing led to another. And dahil sa lagi na lang may problema sa site, pinakiusapan niya na samahan siya ni Engineer Durante sa site ng kanilang resort. At dahil sa may project ito na malapit lang sa kanilang lugar, he was kind enough to go meet him this weekend and check everything.
Napabuntong-hininga si Ace, late na at wala pa rin si Autumn, gusto niya sana itong makausap regarding sa annulment case nila.
Nakatanggap na rin kasi ng summon ang abugado niya at nakahanda na sila para icontest ang kaso. Gusto niya lang ito na kausapin na, huwag ng ituloy ang kaso. Para sa mga anak nila. Kahit man lang para sa mga bata ay magka ayos silang dalawa.
"Coffee?" ang alok sa kanya ng daddy ni Autumn sa kanya at iniabot sa kanya ang isang mug ng kape habang nakatayo sila sa labas ng harapan ng bahay.
"Salamat po" ang magalang na sabi ni Ace, at inabot ang mug ng kape sa kamay nito.
"Si Autumn po ba ay laging late na kung umuwi?" ang tanong niya sa kanyang father in law na nakatayo rin sa kanyang tabi. Pareho silang nakatanaw sa gate.
"Oo late na kung umuwi si Autumn nitong mga nakaraan na araw, sinabi naman nito na magiging abala na siya dahil nga sa project nila ng Italian na decorator na si Demitri, bahay yata ng anak ng congressman ang project ng dalawa" ang sagot ng daddy ni Autumn.
"Hinahanap po siya ng mga bata" ang giit ni Ace.
"Oo, pero, sabi naman niya na isang linggo lang ito" ang sagot ng heneral na pinili na pakisamahan si Ace, para na lang sa mga apo niya.
"Hindi po ba nawawalan na siya ng oras sa mga anak niya?" ang mariing tanong ni Ace.
Autumn's dad snorted and shook his shoulder, "hindi ba ganyan din ang ginawa mo sa kanila noon? Ngayon, alam mo na ang pakiramdam ng anak ko" ang sagot nito sa kanya bago ito tumalikod para maglakad pabalik sa loob ng bahay.
At hindi na nakasagot pa si Ace, dahil parang sampal sa mukha niya ang sinabi ng matandang heneral, at ngayon na nadama na niya ito? Kumirot ang kanyang puso.

Magkasama sina Ace at Selena ng araw na iyun, kausap nila ang interior designer na magdedesign ng kanilang hotel and resort business.
Kasalukuyan silang namimili ng mga furnitures na gagamitin ng mag ring ang phone ni Ace, kumunot ang noo niya ng makita ang di pamilyar na numero.
"Excuse me" ang sabi niya sa mga ito saka siya tumayo para sagutin ang tawag.
"Hello? Yes, it's his dad" ang sagot ni Ace sa kabilang linya at nanlaki na lang ang kanyang mga mata ng marinig ang sinabi ng kausap sa kabilang linya.

The General's Daughter, The Accidental Groom Book 2 (completed) Self- PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon