Epilogue

10.5K 308 225
                                    

Nakaharap si Autumn sa salamin, while she checked herself in the mirror, she smoothed her hair with a fine combed. She wore her hair into a tight bun, on her nape. Nilagyan niya ng makintab na silver barrette ang side ng kanyang bun.
     She put a minimal make-up, just enough to put color on her cheeks and lips. Isinuot na niya ang diamond stud earrings na regalo ni Ace sa kanya, noong wedding anniversary nila ni Ace. That was the most memorable, anniversary ever. Dahil, katatapos lang lumabas ng result ng withdrawal niya ng kanyang annulment ay kasunod naman ang anniversary nila ni Ace.
     Panibagong yugto iyun ng kanilang buhay mag-asawa. At alam ni Autumn na sa kabila ng mga pinagdaanan nila, ay magiging mas matibay na ang kanilang pagsasama at hindi na ito kailanmam kayang yanigin ng sinuman.
     Tumayo si Autumn at tiningnan ang suot na damit, she smoothed the silk skirt of her black dress, na kabibili lang niya para sa event na iyun. Pikit mata niyang binili ang designer dress na iyun, pero, para sa special event na dadaluhan niya ay binili iyun ni Autumn.
    Walang masama kung mag splurge paminsan-minsan, but she ended up, buying more designer brand dresses for her three girls.
     Lumapit siya sa glass windows ng tinutuluyan niyang hotel room, at tinanaw niya ang magandang view mula sa hotel room niya na nasa seventeenth floor. Kitang-kita niya ang Central Park ng New York City mula roon.
     Hindi siya makapaniwala na narito na siya ngayon, after waiting for years ay narito na siya sa New York.
      Simula ng gabing iyun sa pagkagaling sa club, malaki na ang ipinagbago ng kanilang pagsasama ni Ace.
    Naalala niya ang mainit na sex nila ni Ace sa backseat ng Ferrari nito, at sa tuwing naiisip niya iyun ay nag-iinit ang kanyang mga pisngi.
    After nun ay dumiretso sila sa kanilang bahay, where they ended up making love in the living room floor, halos lahat yata ng sulok ng bahay nila, ay hindi nakaligtas sa pagniniig nilang dalawa, they were so hungry for each other.
   Then, they ended making love inside their room, at naalala niya ang mga sandaling iyun...

   Nakaunan siya sa braso ni Ace, habang pareho silang nakatagilid at magkarap sa isa't isa. Halos isang dangkal lang ang layo ng mga mukha nila sa isa't isa.
    "Hindi ko akalain na magkakasama tayong muli Autumn, isang sagot ito sa aking panalangin, alam mo ba  iyun?" ang mahinang sabi ni Ace sa kanya habang hinahaplos nito ang kanyang pisngi, kita niya ang mga luha na nangilid sa mga mata ni Ace.
    Isang ngiti lang ang isinagot niya kay Ace at hinawakan niya ang kamay nito at kanyang hinagkan.
    "Patawarin mo sana ako Autumn sa mga nagawa ko sa iyo, sa mga masasakit na sinabi ko, sa pagtrato ko sa iyo, tama si Demitri, I took advantage of you Autumn, sana mapatawad mo ako, gagawin ko ang lahat para makabawi ako sa iyo" ang sabi ni Ace sa kanya.
    Nangilid din ang luha sa kanyang mga mata, "patawarin mo rin sana ako Ace, sa mga nagawa ko sa iyo, kung nasaktan din kita, kung hindi kita inintindi at hindi kita pinagkatiwalaan, tama ka, nilamon ako ng insecurity ko"
    Umiling si Ace, "ako ang may gawa niyun Autumn, ako ang nagtanim ng insecurity sa iyo" ang sagot ni Ace na puno ng hinanakit.
   Autumn pulled his face to kiss him on his lips, they kissed each other with full of forgiveness to one another.
   "I will forgive you, if you will also forgive me, pareho tayong nagkulang sa relasyon natin at ang mga bata ang nag suffer, we need to make up to them" ang bulong ni Autumn.
   Ace squeezed his eyes shut, bumangon siya at naupo, he bended his knees up and put his elbows above his knees.
   Bumangon rin si Autumn at naupo sa tabi ni Ace, inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa mga balikat ni Ace.
   "May problema ba?" ang tanong niya kay Ace.
   "I'm going to be destitute Autumn, I'm sorry kung, hindi ko maibibigay sa pamilya natin ang buhay natin noon, I withdrew from our partnership Autumn at hiniling ni Selena na ibigay ko sa kanya ang buong.... Bakit ka umiiling?" ang takang tanong ni Ace sa kanya.
    "Hindi na maghahabol si Selena sa iyo Ace, sa iyo na ang buong business" ang sagot niya. Kita niya ang pagkunot ng noo ni Ace na tila ba nagtataka sa mga sinabi niya at hindi ito makapaniwala.
   "Pinirmahan na niya ang written agreement, I left it sa bahay ni daddy, at, tulad nga ng sinabi ko sa iyo na wala ka ng problema, sa iyo na ang business" ang masayang balita ni Autumn.
   "Pero? Papaano?" ang takang tanong nito.
   "Let's just say that I have exerted some of my muscle" ang sagot niya kay Ace at ipinakita pa niya ang kanyang braso.
    Ace pulled him into his arms at niyakap siya nito ng mahigpit, "how about sa offer ni Demitri, yung dream job mo sa New York?" ang tanong nito sa kanya.
   "Hmm, siguro tatanggihan ko muna, sa ngayon, naawa ako sa naging reaksyon ni Brooke, at saka, mukhang madadagdagan na naman ang pamilya natin" ang giit ni Autumn.
    Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Ace, "Autumn, hindi kita pipigilan kung gusto mong ipagpatuloy ang career mo, I'll support you all the way" ang sagot ni Ace.
    "We'll support each other Ace" ang sagot niya.
    "Did I tell you I love you?" ang tanong ni Ace sa kanya habang hinahaplos ang kanyang pisngi.
    She rubbed her cheeks on his palm, "no, hindi pa"
   "I love you" ang bulong ni Ace sa kanyang mga labi.
   "I love you" ang bulong din niya.

The General's Daughter, The Accidental Groom Book 2 (completed) Self- PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon