Prologue

644 5 0
                                    

It was at this moment when I know that I fucked up. Buong buhay kong pinag planuhan kung paano ako makaka pag higanti but I guessed right now, I lost it all.

"Kailangan nating magpaka lasing ngayong araw na ito! Celebration! Kritikal ang kondisiyon ni Antonio! Tapos yung kompanya nila isa-isa ng bumabagsak!"

Sinabi niya iyon ng puno ng saya sa kaniyang damdamin habang hawak sa ere ang isang bote ng alak.

Niyakap niya din ako ng mahigpit, her smiles are big enough to tell me that she's proud of me.

Siguro iniisip niya that our plan finally paid off.. that training me to kill is worth it.

Well, it somewhat did..

They are both fighting for their lives right now in the hospital all because I shot them.

I don't know if mabubuhay pa sila pag katapos ng ginawa ko.

My best friend, Czarina "Zarrah" Vega, known as the famous policewoman in town is wearing her disguised costume.

Black face mask on, blonde-colored long wig, black jacket and white mini skirt.

Tanging mata niya lang ang nakikilala ko sa ayos niyang ito.

I'm thankful for her though.

Hindi mag tatagumpay ang mga plano kong ito kundi rin dahil sa mga tulong niya.

Inabutan niya ako ng bukas na bote ng Heineken, hinihintay niyang tanggapin ko iyon pero masiyadong busy ang isip ko sa ibang bagay.

"Ano 'yang mukhang yan? Parang hindi ka masaya? Parang ako pa yung mas masaya kesa sayo!"

Pag susungit nito.

Maingay sa bar na ito pero rinig na rinig ko ang tinis ng boses niya.

Dapat ay saya din ang nararamdaman ko, hindi ba?

Ito na 'yon, nasa rurok na ako ng tagumpay sa aking plano.

Eleanore Sami De Anda finally took her revenge.

"I don't know. It just that.. I'm having second thoughts—"

Tumayo siya sa kinauupuan niya at inirapan ako

"Oh my gosh! Huwag mo'ng sabihing—"

Kinuha ko ng pabigla ang alak na kanina niya pang inaabot at ininom iyon.

Natigilan siya sa pag buo ng sasabihin niya at tahimik na tinitigan ako, kahit wala pa akong sinasabi pakiramdam ko'y alam na niya ang sagot ko sa naputol niyang tanong.

Umiling lang ako and faked a smile.

Hindi ko rin tinagpo ang pag titig ng mga mata niya saakin.

Whatever she's thinking, she's definitely right.

I made a sigh.

A deep sigh na para sinasabi ko sakanyang gulong gulo rin ako sa sarili ko.

Pinitik niya ang noo ko.

"Ang tanga mo! Sabi ko sayo'ng huwag na huwag ka'ng maiinlove Sam!!" 

There.

She's screaming at me with all her strength.

Ipinikit ko nalang ang aking mga mata.

Naramdaman ko ring may tumulong luha duon.

Anong magagawa ko? Wala na.

I hope he's okay— I hope he's not in a critical condition.. naalala ko kung gaano kadaming dugo ang nasa damit niya.

I hope he's not dead.

"I'll do everything as planned. Walang mag babago duon."

I drank that bottle of Heineken again at pinunasan ang luha ko'ng traydor.

Why am I even crying!

"Tigilan mo yang nararamdaman mo. Sinasabi ko sayo! Huwag mong sirain yung plano."

She crossed her arms while standing in front of me hindi parin makapaniwala sa kagagahan ko.

Wala sa plano na mahalin ko siya but fucked it anyway, I've fallen in love with him..

With his words, his attitude, his face.. Everything about him ay minahal ko na.

And I wish ganoon kadaling pigilan ang nararamdaman para sa isang tao.

Yun bang pag gising mo wala na yung feelings..pero hindi e.

Hindi ganoon kadali iyon.

Kahit pag gising ko bukas, mahal ko padin siya.

"Tanga na ako for wanting Jairah Andreus Lacross Maximillano—but I'm not crazy para ihinto lahat ng plano natin!"

I ordered another bottle of liquor, this time it was whiskey.

As soon as nahawakan ko iyon ay ininom ko agad.

"Ah—so si Jairah pala?"

Napipikon nitong tanong saakin. Iniirapan pa ako ngayon.

"Di daw type—di daw maiinlove kahit kailan kay Jairah—anong tawag mo dyan sa nararamdaman mo para sakanya!"

Nilapitan nya pa ako ng mas malapit para pandilatan ng mata alam ko kung gaano siya kabadtrip ngayon saakin.

Panay pa ang iling nito na kulang nalang ay sabunutan ako.

Nag sindi siya ng sigarilyo sa harap ko.

My sight are getting blurry o talagang mausok at madilim lang sa bar na ito?

And maybe I'm drunk?

The image of Zarrah infront of me is moving.

May sinasabi siya but I can't hear it clearly, my eyes are slowly closing.

Nakakaramdam din ako ng pag yanig ng aking mga balikat hindi ko alam kung si Zarrah ba ang gumagawa non but one thing I know for sure is someone grabbed me from the red couch that I'm sitting on.

Binuhat ako nito at iginayad ang dalawang kamay ko papunta sa kaniyang leeg bilang suporta sa aking katawan.

I'm too dizzy to even look at the person who is carrying me close to his chest but his strong scent is so familiar to me.

"I will pay the price."

I'm sure of what I heard kahit maingay at madaming nag sasalita sa paligid ay narinig ko iyon.

And I know that voice will be my downfall.

They Paid The Price (Case Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon