Chapter 22

76 0 0
                                    

Chapter 22
Second kiss

"Truth or dare"

I hate playing truth or dare pero wala naman akong magagawa kundi sumunod dahil baka sabihing KJ ako.

"Truth."

Kumuha ito ng isang card sa gitna at binasa ang truth question.

"Sinong pinaka gwapo samin?"

Tanong ng isip batang si Alonso.

Wala na bang ibang makabuluhang tanong? Iyan ba talaga ang nakasulat sa card?

"Ikaw."

Tawang tawa ito sa sinabi ko.

Siya ang sinabi ko para walang issue, pero para sakin, si Klein talaga ang sagot ko.

Siyempre dahil matagal ko na siyang crush.

"Hindi fair yan, Ellie. Ako ang pinaka gwapo samin."

Usisa naman ni Jarell sa tabi ko.

Kami kami lang ang andito sa rooftop bar kasama ang kaibigang babae ni Alonso, ipinasara ito pansamantala para sa after party na ito.

Pag mamay ari rin daw ito ng Maximilliano Land.

"Gwapo ka rin naman, Ja."

"Ako nga lang pinaka gwapo!"

Sigaw ulit ng lasing na si Alonso.

Natatawa rin ang babaeng nasa tabi niya dahil sa kulit nito. Kulot ang buhok nito.

Hindi rin sila nag papansinan si -Alonso at Zarrah, siguro nag away sila?

Tahimik lang kasing nakikisali saamin ito.

"Enough with that. Spin the bottle."

Ani Jairah na mukhang naiinip na.

Naka bukas din ang tatlong butones nito kaya halos nakikita ko na ang namumulang dibdib niya hanggang leeg.

Kanina parin kasi kami umiinom.

I spinned the bottle at tumapat 'yon kay Jairah.

Hindi na niya hinintay na sabihin ko ang salitang "truth or dare" sinabi lang kaagad niyang dare daw ang pipiliin niya.

Kumuha ako ng card sa dare at binasa ito.

"Body shot with tequila the third person on your right.."

Agad kong binilang ang pangatlong tao na nasa right side niya..

Puta, ako 'yon!

"Ellie! Body shot! Whoo!"

Pang aasar ni Alonso.

Natatawa lang si Jarell sa tabi ko habang inaasar ang kuya niya na lumapit sakin.

Namumula narin ang pisngi nito sa dami ng nainom.

Inabot ni Alonso ang shot glass na puno ng tequila pati narin ang slice ng lemon.

Hawak naman ni Zarrah ang lalagyanan ng salt at inaabot din ito kay Jairah.

"Go, Jai! Whoo!"

Hindi maipinta ang reaksiyon ni Jairah.

Hindi niya yata malaman kung lalapit siya sakin o ano.

Nag aalala yata siya na baka ayaw ko?


"Its-okay."

They Paid The Price (Case Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon